Chapter 21
LiesHindi ko pa rin maisip na magagawa sa akin ni Kier 'yon. Kapalit-palit ba talaga ako? Parang sinampal niya saakin na hindi ako kawalan,na may mas hihigit pa saakin, 'yong mas maganda, mayaman, at maipagmamalaki.
Ayaw ko naman pangunahan ang sarili ko na hindi niya magagawa saakin ito, pero 'yong article na mismo nagsabi na madalas silang nakikitang magkasama. Hindi niya naisip na porket probinsya na ito, hindi ko na malalaman? Ginagawa niya akong tanga!
Padarag kong binuksan ang bag ko para kunin ang cellphone. Hinanap ko ang pangalan ni Kier sa contacts ko and I click the 'call'. Wala na akong pakialam kung nasa meeting siya o ano,wala din akong pakialam kung naiistorbo ko ba ang date nila ng Grizzy niya! It was ringing but he didn't pick it up to answer me! Inulit ko pa iyon ng tatlong beses hanggang sa wakas at sinagot niya na.
"Hello?" I stopped. Nanginginig ang kamay ko. "Who's this?" Pinatay ko na ang tawag. What the fucking shit!
Tears roll down my cheeks. Hindi ko na nakayanan at tinapon ko na ang cellphone ko dahil sa galit. Nagkalat iyon sa sahig, nasira ang screen at natanggal ang battery. She's asking who's on the phone? Bakit? Wala bang pangalan ko ang naka-registered sa cellphone ni Kier?
Nang sumunod na araw,pinatawag ako ni Ninong sa Munisipyo. Hindi ko alam kung bakit at ayaw ko sanang pumunta dahil hindi maganda ang pakiramdam ko pero baka magtaka lang siya.
Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. Hindi na namamaga ang mga mata ko pero nangingitim iyon. Hindi ako pinapatulog ng mga nalaman ko, hindi napapanatag ang kalooban ko lalo na at hindi pa nagpapaliwanag si Kier saakin. Hindi ko sa kanya sinasabi sa tuwing tumatawag siya,I'm just waiting for him to tell me. Pero magi-isang buwan na simula ng malaman ko iyon, wala ba talaga siyang balak na sabihin?
Pagpasok ko sa opisina ni Ninong,hindi lang siya ang nandoon, nasa loob din si Tito Vince. Nagmano ako sa kanilang dalawa. Umupo ako sa kabisera ni Tito. Ramdam ko na nakasunod ang tingin nila saakin but I can't look at them. Ayokong mapansin nila ang mata ko. Pero kahit hindi ko na sabihin,alam nila na may problema.
Nagulat ako dahil may tinapon si Ninong sa lamesa. Kinuha ko iyon at halos ibagsak ko iyon pabalik. I didn't know how and where did they got this news pero ang alam ko lang,kalat na ito.
It was an article about Kier and Grizzy. May picture pa kung saan kasama ni Grizzy ang mommy at kapatid na babae ni Kier. Lumabas sila sa isang mamahaling restaurant. What a scene!kabilang na pala siya sa pamilya ng mga Arteaga? Kulang nalang ang parents niya.
"Kilala mo ang babaeng 'yan di ba?" Tanong ni Tito saakin.
Grizzy Ramela Arellano was my co-model way back so many years ago. Hindi kami magkaibigan o magkaklase. Magkakilala lang. Kasama ko siya sa Vogue, mahinhin siyang babae, usa rin siya sa magagandang model sa agency namin. What's her connection with the Arteagas? Oo, mayaman sila pero hindi ko alam na marami silang koneksyon sa mga malalaking negosyante dito sa Pilipinas.
"I already told you to stay away from that guy, Haven! Hindi ka nakinig saakin!" Sigaw naman ni Ninong.
"I didn't know, Ninong. I think, it was all a misunderstanding." My voice cracked.
"Hindi mo alam? A misunderstanding, Haven? No'ng una pa lang, binalaan na kita na walang maidudulot na maganda sayo ang Arteaga na 'yan lalo na ngayon na nalaman namin na may kinalaman sila sa nangyari sa pamilya mo!"
Mabilis na umangat ang tingin ko sa kanya. Did I heard it right?
"W-what do you mean, Ninong?"
"Dahan-dahan naman, Sandro. Look, Haven—"
"Anong kinalaman ni Kier sa nangyari sa amin, Tito?" Napatayo na ako sa gulat. "Ninong?"
"Sit down, hija. We'll explain, okay?"
Umupo ako pero halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman. Basang-basa na rin ang kamay ko at nanginginig pa. Anong kinalaman ni Kier sa nangyari saamin? Hindi ko naman siya kilala ah?
"Maraming utang ang pamilya mo, Haven. Sa dami ng utang...you are bound to marry Senyorito Tiller Arteaga, ikalawa sa tatlong anak ni Gringo at Shallanie, for convenience. Nagkasundo ang parents mo na ipakasal kayo para maisalba ang nalulugi niyong kumpanya at para mabayaran ang utang niyo sa kanila."
Hindi ko mai-proseso ng maayos ang utak ko!bakit hindi sinabi ni daddy na may plano pala siyang ganoon saakin? Kung 'yon naman pala ang magiging solusyon sa problema namin, bakit kailangan pang umabot sa ganoon? Saka, sino ba talaga ang nasa likod ng pagpatay saamin?
"H-hindi ko po naiintindihan...ano po ba ang koneksyon ni Grizzy? Ni Kier dito? Bakit? Paano?"
"Naalarma ang mga Arellano sa plano ng pamilya niyo. Pero ang akala nila, si Kier ang ipakakasal sa'yo, hindi si Tiller. Grizzy on the other hand, crazy in love with Kier. Kaya...kaya gumawa ng paraan ang parents niya para hindi matuloy ang kasal niyo."
Unti-unti ng pumatak ulit ang mga luha ko. Akala ko, tapos na akong umiyak. I thought I was numb and empty that I didn't feel any pain anymore but now that I'm hearing all of these shits,hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"Her parents are now in jail, Haven. Pinagbabayaran na nila ang ginawa nila sa inyo. Dahil kay Grizzy, anak. Siya ang nagsuplong ng parents niya sa mga pulis."
"So, kailangan ko pang magpasalamat sa kanya? Sa ginawa niya? Nakulong nga ang mga demonyo niyang mga magulang, maibabalik ba no'n ang buhay ng pamilya ko?... Hindi Ninong!"
They lied to me! Kier lied to me! Matagal na niya pala akong kilala! Ako naman itong si tanga, nagpauto sa kanya!
Niyakap ako ni Ninong at ni Tito dahil bumigay na ako.
Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito!niloko niya ako! Bakit siya pumunta dito? Para singilin ng utang? Hindi pa ba sapat na namatay na ang mga magulang ko bilang kabayaran at kailangan niya pa akong saktan? Kailangan niya pa akong paibigin para biyakin at durugin ulit ang puso ko?
Durog na durog na ako tapos dudurugin niya pa ulit? Bakit hindi nalang niya ako pinapatay kung ganoon? Bakit kailangan umabot pa sa ganito ang lahat? Hanggang kailan ba ako mabubuhay sa kasinungalingan? All my life, I live with all lies, hanggang ngayon ba naman?
Nakalimutan ko na ang problema ng pamilya ko dahil sa kakaisip ko sa kanya. Simula ng makilala ko siya, sa kanya na umikot ang mundo ko dahilan ng pagkalimot ko sa lahat.
I'm such a fool to believe in him!ang tanga-tanga ko!magsama sila ng Grizzy niya, wala akong pakialam!sabihin na niya rin sa mga taong nasaktan ng pamilya ko na nandito ako, buhay na buhay!
Kung gusto nila na patayin ako ulit, I don't mind.
I'm dead anyway!
YOU ARE READING
Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)
RomanceLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 1 Lies of the Heart SYNOPSIS "Better slapped with the truth than kissed with a lie." Haven Alexis del Valle, a girl living with a saunter life, smitten with luxury goods, always looking for a good night life in the l...