Chapter 22

132 53 2
                                    

Chapter 22
Runway

"Oh ano, girl? Game ka sa sabado? Malaki din naman ang kikitain natin doon!" Balita ni Wendy saakin.

"Sige na, Haven. Magkakasama naman tayo eh. Sige na, girl!" Sang-ayon naman ni Rayza.

Kanina pa nila ako kinukulit na sumama sa raket nila sa sabado. May fashion show daw kasi 'yong friend nila at ni-recommend sila kaya sinama na nila ako. I have no choice kaya um-oo nalang ako. Malaking pera din 'yon, pandagdag sa ipon ko para mabawi ang bahay namin.

"Kita nalang tayo sa set, I'll text you the place!bye!" Nagpaalam na sila saakin at umuwi na rin ako.

The cold wind of the night suddenly embrace on me habang naghihintay ako ng masasakyan. I'm now starting on a scratch again. Hindi na ako kilala, hindi na rin ako professional model tulad ng dati. Marami ng nagbago simula ng mabalitang patay na ako.

I wish memories were like text messages so that I can delete the ones I hate and keep the ones I like. But I know, I can't. Those memories that happened to me in the past are part of my life. Marami akong natutunan. Naka-move on na rin ako, matagal na.

Si Kier? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong nakalimutan ko na siya, paminsan-minsan, naaalala ko pa rin siya. But not because sumasagi pa rin siya sa isip ko, doesn't mean I want him back. It was just part of moving on. Paano ko makaalimutan ang taong nagbigay ng dahilan saakin na huwag magtiwala ng basta-basta?

The past can hurt, but the way I see it, you can either run from it or learn from it. Anyway, matagal na rin naman 'yon. Tatlong taon na rin naman ang lumipas.

"Aalis ka na?" Tanong ko kay Emma ng makitang nakapag-bihis na siya papunta sa trabaho.

"Oo eh. Ikaw na ang bahala dito, nakapagluto na ako, kumain ka na lang. Bye, Haven!"

She's my boardmate. Magkasama kami sa maliit na apartment, kasya naman kami kahit papaano. Hindi naman masikip dahil wala naman kaming masyadong gamit. Kumpleto naman ang loob, may dalawang kuwarto, maliit na kusina at banyo. Hati kami sa binabayaran dito buwan-buwan kaya walang problema.

Natulog na ako ng maaga dahil kailangan ko pang pumunta sa bangko para magtanong tungkol sa bahay at lupa namin. Bibilhin ko ulit 'yon. Kahit 'yon nalang ang matira, marami kaming magagandang ala-ala doon kasama ang pamilya ko.

I'm wearing a faded long black skinny jeans on my white rubber shoes and loose shirt on top. Sumakay ako ng taxi papuntang bangko at agad na nagtanong.

"Good morning, miss." Binigay ko agad ang I.D ko sa kanya. Iritado siyang tumingin saakin.

"Ikaw nanaman ba, Miss? Sinabi ko naman sayo na hindi pwede—"

"Look, miss. Hindi ako nagpunta dito para makipag-away sayo, okay? Itatanong ko lang kung pwede kong makausap ang boss mo. Importante lang miss." Sabi ko.

May babaeng dumating at kinausap niya sandali ang kasama bago tumingin saakin.

"Wala ang boss namin, Miss del Valle. Ano po ba ang kailangan niyo? Sa akin niyo nalang itanong." Sabi niya. Huminga ako ng malalim. Ilang beses na ba akong pabalik-balik dito?

"Ma'am, itatanong ko lang sana kung nasa inyo pa ba ang titulo ng lupa namin. Balak ko sanang bawiin at bilhin ulit ang bahay."

"Sorry, Miss del Valle, pero matagal nang wala saamin. May nakabili na ng bahay at lupa ninyo."

"What? Sino po ba? Pwede ko po bang malaman ang pangalan niya? Kahit ibigay niyo nalang po saakin ang number niya para makapag-set up ako ng appointment." Desperadang sabi ko.

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now