Chapter 33
HomeMadilim sa parte niya dahil nakapatay ang ilaw sa kusina. Nakaupo lang siya at titig na titig sa mga pagkain na nakahain sa harapan niya.
"Kier..." Lumapit ako sa kanya. Umangat ang tingin niya saakin at walang siyang ibang ipinakitang emosyon saakin kundi ang mapupungay niyang mga mata. Walang bahid ng galit sa mukha niya but I feel the coldness and anger in him kahit hindi niya sabihin.
"I'm sorry." Sabi ko.
"Magpahinga ka na, magpapahinga na rin ako." malamig na sabi niya. "Kung gusto mong kumain...kung hindi, you can put that in fridge para may agahan bukas...o kaya naman itapon mo nalang." Tinalikuran ako, pumasok sa kwarto niya.
He waited. He's hoping I'd show up! Sising-sisi ako. Gusto kong umiyak.
Binaba ko ang gamit ko at inayos ang mga pagkain. Malamig na ang adobong niluto niya, maging ang kanin kaya ininit ko lahat. Alam kong hindi pa siya kumakain at kaonti lang naman ang nakain ko kanina dahil sa kakaisip sa kanya.
Napansin ko rin and tatlong pulang rosas sa gilid. Doon na ako napaiyak ng husto. Pero pinigilan ko ang hikbi para hindi niya marinig. I hate you Kier! I hate you so much for making me this way! Ginugulo mo ang isip ko!
Kinatok ko ng tatlong beses ang pinto ng kwarto niya. "Kier...let's have dinner." Tawag ko sa kanya. Kumatok ulit ako pero mukhang tulog na siya. He's tired on his meeting and tired of waiting for me. "Sige, kung ayaw mo...ako nalang." Pagsuko ko.
Lumandas ulit ang luha sa aking pisngi. Hindi ko na kinaya. Umupo nalang ako at nagsimula ng kumain. Binalot ng matinding takot ang puso ko. Hindi ako sanay na ganito siya saakin.
Niligpit ko na ang mga pagkain. I took a bath wishing that water can cleanse every hurt I'm feeling right now. Akala ko din, paggising ko,wala na itong sakit, pero nagkamali ako.
Maaga akong gumising para makapagluto ng agahan namin. I want to talk to him. Hindi pwedeng ganito. Niluto ko ang mga pagkaing niluluto niya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya at nakitang naka-office suit na siya at ready ng umalis.
"Malapit na 'to,Kier. Umupo ka na—"
"Hindi na." Sabi niya at hindi man lang tumingin saakin at basta nalang lumabas ng boarding house.
Hinanap ko ang tatlong rosas at nagulantang nalang ako ng makita ang mga iyon sa basurahan kaya pinulot ko.
The next day, hinanap ko si Kier pero nakaalis na siya. Sanay ako na makita siya sa umaga na nagluluto ng agahan namin. But now, he didn't even wait me to wake up. Kahit pagkain, wala. Kung ano ang ayos ng kusina kagabi, no'ng hinintay ko siya, ganoon pa rin ngayon.
"Hi Miss Haven!"
"Good morning, Miss Haven!"
Hindi ko na nagawang batiin sila pabalik at ngiti nalang ang iginawad ko. Wala ako sa mood na makipag-usap. Dumiretso ako sa opisina ni Kier at umaasang nandoon siya, pero wala. Walang bakas na pumunta siya dito.
"Hindi pumasok si Sir, Miss Haven, kahapon wala din." Sabi ni Elle saakin. "Hindi siya saakin nag-text, wala naman siyang meeting ngayon eh."
Nanghina ako at napaupo nalang. Namuo na naman ang galit at inis sa sarili na pilit kong winawala. Hiningi ko ang numero ni Kier kay Elle at ibinigay naman niya. Kung it-text ko siya, hindi ko alam kung ano ang it-type ko, kung tatawag naman ako, hindi ko din alam kung ano ang sasabihin sa kanya.
In the end, I decided to just text him.
Ako:
"Kier, nasaan ka?"Naghintay pa ako ng ilang minuto para sa text niya pero wala naman. Pasulyap-sulyap ako sa cellphone ko habang nagbabasa ng mga files at hinihintay ang text niya pero dumating na ang hapon,I even missed my lunch, walang text na dumating.
YOU ARE READING
Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)
RomanceLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 1 Lies of the Heart SYNOPSIS "Better slapped with the truth than kissed with a lie." Haven Alexis del Valle, a girl living with a saunter life, smitten with luxury goods, always looking for a good night life in the l...