CHAPTER 1
“Okay lang yun Chayden as long as may maisagot ka mamaya “Ano ba yan! Hindi ba sila naniniwala na wala akong alam , buti sana yung mga tanong doon eh parang ganun lang sa sinasagutan namin sa room.
Pumunta na kami sa Venue at baka malate pa kami , wala na ngang maiisagot late pa, ewan ko lang kung saan kami pulutin.
“Chay , paayos nga ng Uniform ko nagusot kasi kanina ehhh”
Anlapit lapit ni Maurice , bakit ako pa ang tinawag nitong mokong na ito .“Sytx naman ehhh, ayun lang si Maurice oh , bakit kailangang ako pa ?
Mas matangkad siya sa akin at mas madali siyang maabot ni Maurice dahil mas matangkad siya sa akin ng kunti.
“ikaw nang nandito eh, kaya ikaw na ang mag-ayos “
Wala akong nagawa kundi tumingkayad ng pagkataas taas para lang maayos ko yung kwelyo nung polo niya , ayaw niya kasing umupo at baka daw magusot yung sa baba , kung di ko lang bestfriend toh , kanina ko pa toh , binalibag.
Medyo matagal kung inayos yung kwelyo at gusto niyang pantay na pantay at doon ko lang napansin kung gaano karaming mata ang nakatingin ng masama sa akin.
“Sytx, okay na yan ha , natutunaw na ako ehh. “
“Bakit may sakit ka ba ?”
Paglapat niya ng kamay niya sa noo ko ay halos sabay- sabay na nagsinghapan ang mga babaeng kanina pa nakamasid sa amin.
Badtrip naman oh , inyong inyo na yung Best Friend ko , Hindi ko yan jojowain at halos saulo ko na ang ikot ng bituka nan.
Gwapo si Sytx kaya hindi na ako magtataka kung halos lahat ng babae eh , mainlove sa kanya.
Maputi ako pero mas maputi nga lang siya. Matangos yung ilong ko pero napakatangos yung kanya , parehas kaming brown yung mata pero kung titignan mo mas gumanda yung mata niya dahil sa nagkakapalan niyang kilay.
“UYYYYYYY,ano yan Sytx Ha,Girlfriend mo na bayang Bestfriend mo?”
Nakakainis sino ba yung sumigaw? Dagdag eksena ehhh.
Nakatalikod ako kaya hindi ko kilala kung sino yung tumawag kay Sytx, hindi ako makaharap dahil nahihiya ako tapos dadagdagan pa nitong babaeng ito na kung makasigaw kala mo siya may ari ng venue.
“Hindi noh”
Nakatalikod pa rin ako kahit nagsikilos na yung mga babaeng nakatingin sa amin kanina kaya hinarap ako ni Sytx upang ipakilala yung babaeng sumigaw kanina at yung dalawa nakasunod sa kanya na
pakiramdam ko'y kasama niya sa contest.“Ahh, Jeian , Ito pala si Chayden ,Bestfriend ko , Chay si Jeian nakasama ko sa Street Dance dati.
Sabay kaming humagalpak ni Jeian at alam kong iisa lamang ang dahilan ng aming pagtawa.
“Magkakilala kami Sytx, Classmate ko siya dati nung Kinder bago pa ako Lumipat sa School natin ngayon kaya medyo nakilala ko na siya kahit papaano.
Agad bumaling sa akin Sytx dahil sa sinabi ko , nagtataka ang tingin niya ngunit nagbago naman kaagad dahil sa boses ni Jeian.
“ Ito pala yung mga kasama ko sa contest ngayon, Si Zhian” turo niya sa babaeng kulot na nakasalamin at medyo nakakatakot ang itsura , na kala mo'y sisigawan ka kapag kinausap mo siya .
“ at si Skye “ turo niya naman doon sa lalaking nakatingin lang sa malayo at parang walang pakialam sa amin .
Inabot ko yung kamay ko kay Zhian at inabot niya naman yung akin
“ Nemesis Chayden Dickinson , Chay for short. Nice meeting you. “ inabot niya yung kamay ko at nginitian niya ako.
“ Zhian Ginn Browning , you can call me Zhian but you can't call me Ginn” natawa pa ako ng kunti dahil halos ayaw niyang sabihin yung second name niya.
“Noted” sabi ko sa kanya at sabay pa kaming natawa .
Lumipat naman yung tingin ko doon sa isa pa nilang kasama na umiinom ng tubig at nakaupo na sa bench na katabi lamang ng mga halaman kaya medyo nagalinlangan pa akong magpakilala.
“ Hi, I'm Chayden , Nice meeting you “ sabay abot ko nung kamay ko sa kaniya.
Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari, inabot niya sa akin ang bote ng pinag inuman niya at walang ano anong tumayo at iniwan ako doon.
BINABASA MO ANG
Comeback Felecity
AdventureCan you wait for someone? What If it takes forever? Can a person really wait for someone they love? Nemesis Chayden Dickinson believes all the single little things her eyes saw but apart from what she knows there a reason behind that she doesn't kno...