Chapter 31 - Sibling

4 3 0
                                    

Mahabang katahimikan ang bumalot sa lugar at tanging tunog lang ng makinarya at ang boses ng mga trabahador ang naririnig ko.

“ Tapos na iyon Chay, Let's enjoy the time we have for now malay mo masagasaan na ako bukas tapos hindi parin kita napapatawad, laking pagsisi ko siguro nun” sinimangutan ko siya , it's not funny.

Malay mo magkatotoo, bwesit talaga to, ang pangit magbiro.

“ By the way, Are you really a construction worker? I'm not saying that it's not good but how about your company sinong nagmamanage? “ nakakaloko lang naman kasi na imbes na nagbabasa siya ng proposal pakalat kalat siya dito.

“ I'm not HAHAHA, hindi mo pa ba nakausap ang martyr mong boyfriend? Kinuntsaba niya kami ni Michael . Siya yung Engineer at ako yung architect . “ mga isip bata , baka kailangan si Skye yung engineer tapos yung architect si Sytx. Their childish reason HAHA.

“ Kapag di ka daw niya nadaan sa paliwanag araw araw ka daw niyang guguluhin kasi siya ang Engineer kaya wala kang takas . Tama naman eh, pag architect bihira naman kayong maguusap at magkikita kaya pinili niya yung pang matagalan”

Nasapo ko ang noo ko sa sinabi niya.Napaka isip bata.

“ Then what is your job? You should manage your own company at hindi dito, I'm not saying that I don’t want you here but you know”

Inabutan niya na ako ngayon ng tubig galing sa mini refrigarator nila dito.

“ I'm an Engineer here at sa  pagkakataong ito , totoo na ito wala ng halong biro. “ tinignan ko siya ng maigi para tignan kong nagsisinungaling ba siya pero wala akong mabasa sa mata niya kundi katotohanan.

“ That's good” tipid kong sagot sabay inom sa mineral water na inabot niya.

“ Did you visit Maurice?” Muntik pa akong mabulunan sa sinabi niya, ngayong nabanggit niya. Kailangan ko talagang Makita si Maurice.

“ I will ask Skye , magpapasama nalang ako at hindi ko alam” tumango tango siya sabay ngiti sa akin.

“ If the time comes I pray for a rare love like the one you have with Skye. Despite of all the pain, hindrance and time you both still love each other” ewan ko pero bigla ko siyang niyakap at tinapik sa likod.

“ Your Handsome and Kind, I knew. one day that kind of love will hunt you at mapapasabi kanalang na’ I found it” matapos kong kumalas sa yakap ay sabay ng pagtunog ng Cellphone ko.

Tumayo ako para sagutin yun ,   ayaw kong marinig ni Sytx at paniguradong tutuksuhin lang ako nun.

“ Hello Skye”Paglabas ko ay medyo lumayo ako sa lugar at hindi ko siya masyadong marinig dahil sa ingay.

“ Where are you?” Naupo ako sa putol na puno na nasa lilim, alas tres na ng hapon kaya hindi na matindi ang sikat ng araw.

“ I'm on the site, how about you?” May naririnig kasi akong mahihinang tunog mula sa kabilang linya.

“ I'm on my house, susunduin kita bukas. Kailangan nating tapusin ang 30 wishes” ow, I almost forgot that thing.

“ Hindi ka ba busy?” I knew that his brother is the one managing their company but Skye need to guide and take care of it beside he's the CEO.

“ No, I have so much time” Alam kong sinasabi niya lang iyun dahil madami kaming nasayang pero sana habang binabalik niya iyon walang mawala sa kanya.

“ Don’t worry Chayden , pumayag ang mga kapatid ko na sila muna ang bahala at kilala ka na nila kaya hindi sila magagalit sayo kung sayo ko ginugugol ang oras ko” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, They know me? At mga kapatid?

“ You have another sibling?” narinig ko ang mumunting tawa niya, What's funny?

“ Yes Chayden, I have a little sister , her name is Solar and  She wanted to meet you” Nakagat ko ang labi ko , They are not angry? Siguro nga masyado akong nag-alalang hindi ako matatangggap ng mga tao once na bumalik ako kaya ganto nalang ang kaba ko.

“ Okay, I also wanted to meet your family” Alam kong may halong kasinungalingan yung sinabi ko.

How can I meet the family of the person I put the life on hell for almost 12 years? But I have no choice I think I need to apologize also to them.

“ See you tomorrow then, I love you” Hindi ko alam na sasabihin niya yun kaya medyo natagalan ako bago sumagot.

“ I love you too Skye” Napayuko ako sa sinabi ko wala naman siya sa harap ko pero bakit parang nahihiya ako. Damn

“ By the way . Can we visit Maurice tomorrow? “ Pahabol ko sa kaniya muntik mawala sa isip ko.

“ If that's what you want , pupunta tayo bukas ng manila para bisitahin siya” Nakagat ko ang labi ko sa tuwa at kaba.
Pagkatapos ng tawag ay binaba ko na at kailangan ko naring magpaalam kay Sytx at papalubog na ang araw.

Maglalakad pa ako, not bringing my car is actually a bad idea.

“ Sytx, Thank you for today. I will go home now” Paglapit ko sa kaniya ay nililigpit niya nalang ang gamit niya.

“Isasabay na kita, uuwi narin ako” tumango ako dahil ayaw ko rin namang maglakad at maputik at medyo madilim na mamaya madulas pa ako.

Pagsakay niya ay sumakay narin ako dahil baka nagmamadali siya at pabagal bagal naman ako dito.

“ Careful, Chay. Baka patayin ako ni Skye pag nakita niyang may sugat ang prinsesa niya” napairap ako sa sinabi niya, paano ako masusugatan eh sasakay lang naman depnde kong tang aka talaga natural na masasaktan ka.

Pagpasok ko ay nilamig ako sa Aircon ng sasakyan, patay ba siya bakit ang lakas naman.

“ Ihina ko ah, ang lamig eh” Natawa naman siya sa sinabi ko, anong nakakatawa?

“ Hindi ka pa ba sanay sa lamig?Malamig naman sa LA ah” ewan ko kung nang-aasar siya o nang aano Lang.

“ It's different , Naka full yung aircon ng kotse mo kaya natural na lalamigin ako tapos nakatutok pa sa banda ko” natatanaw ko na ang hotel dahil nga malapit lang madali lang din ang naging byahe namin.

“ Thanks for the ride” pagbaba ko ay may naaalala akong isang bagay na kanina pa naglalaro sa isip ko.

“ Sytx, Bakit dito sa Puerto Galera?” Pinatay niya ang makina ng sasakyan niya at hinarap ako.

“I wanted to help Skye because I love him” nanlamig ako sa sinabi niya, What does he mean? That he love Skye romantically.

Humagalpak siya ng tawa, kaya tinignan ko siya ng masama. Ang lakas talaga mang trip.

“ Your reaction was epic HAHAHA, I helped Skye in exchange of his Car” napatanga ako sa sinabi niya , para lang doon he went this far, Iniwan ang kompanya para sa kotse, amazing .

“ Not just because of that ,ofcourse. His my friend and I can't stand seeing him like that”Tumango ako, that sound convincing now.

“ So , don’t hurt him again ha. I don’t wanted to see you both hurting because  I care for the both of you”

“ I will not” Ngumiti ako sa kaniya as I sign of assurance. If I don’t meet Skye I probably fall inlove with Sytx because his a good man afterall.

Kumaway siya habang unti unting umaandar ang kotse niya. Binuga ko ang kanina ko pa pinipigilan na hininga. I'm okay with Sytx now.

Comeback FelecityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon