Chapter 20 - Betrayal

4 2 0
                                    

Natapos na akong maghugas at nakabalik na rin si Skye kaya dumiretso na ako sa loob para matulog. Kinakabahan pa ako ng pumasok ako dahil naaalala ko yung favor niya.

“Ano?” Hindi ko alam kung ano yung Favor niya pero hindi niya naman siguro uutangan dahil wala sa akin yung Bag at wallet ko.

“ Tabi tayo matulog” seryoso niyang wika habang inaayos yung baldeng gagamitin niya. Hindi ako makahinga sa sinabi niya.

Since I was 6 years old may sarili na akong kwarto kaya hindi ako sanay na may kasama.

Hindi pa ako nakakasagot ay umalis na siya kaya habang papasok ako ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Dumiretso lang ako sa Kama , alam ko namang hindi kami pwedeng magtabi at ang natitirang espasyo ay para kay Maurice kaya wala siyang choice kundi tumabi kay sytx.

Kahit naman may space ay hindi pwede dahil bago palang kami , wala pang isang araw simula nung sinagot ko siya.

Umidlip na ako dahil pagod na pagod ako ngayong araw na ito.

Nagising lamang ako ng dahil sa lakas ng hilik ni Sytx. Hinampas ko yung braso niya para mahimas masan siya at nakakahiya kay Lolo't lola.

“ UHMMMM, Ano ba yan” ewan ko kung gising ba siya o ewan pero kinakamot niya pa yung ulo at braso niya at parang naiirita pa yung mukha niya.

Natatawa ako pero hinayaan ko na lang. babalik ulit sana ako sa pagtulog ng napansin kong wala si Skye at Maurice sa kwarto.
Dali dali akong lumabas ngunit nag-ingat ako upang hindi makagawa ng kahit anong ingay.

“ Stop this Bullshit” narinig ko agad ang boses ni Maurice.

Pabulong lamang iyon pero rinig na rinig dahil sobrang tahimik ng paligid.

Alam ko na agad kung sinong kausap niya dahil kami kami lang naman dito at silang dalawa lang naman ni Skye ang nawawala.

“ Wag mo nang lokohin ang sarili mo at yung tao . Pareho lang kayong masasaktan sa dulo sinasabi ko sayo” ramdam ko sa boses ni Maurice ang frustration ngunit nagtataka ako kung bakit hindi nagsasalita si Skye.

May pakiramdam na ako kung sino yung pinaguusapan nila pero hindi ako pwedeng maghinala nalang na walang eksaktong ebedinsya.

“ Lower down your voice, magigising mo sila and stop meddling with my business , wala kang alam” bumilis ang tibok ng puso ko ng narinig ko ang malamig na boses ni Skye.

“I love you and I know you feel the same kaya sabihin mo na kay Chayden ang totoo bago pa niya malaman sa iba” Nangilid ang luha ko sa narinig ko pero pinatatag ko ang sarili ko dahil gusto ko pang marinig ang sasabihin ni Skye.

“Stop that, may makakarinig sayo. Tumigil ka na bukas na natin to pagusapan “ tumulo ang luha ko ng narinig ko yun.

Why? Bakit hindi mo sinabing ako yung mahal mo. Bakit hindi mo tinangging hindi mo siya mahal. Tangina naman oh. Ang bilis naman matapos to.

Tumakbo ako sa silid ng naramdaman kong tumayo na si Skye at siguradong babalik na siya sa kwarto.

Nagtalokbong ako ng kumot. Natatawa ako sa Sarili ko , ang bilis mo naman kasing maloko chayden. Napakabobo mo.

Sinabihan ka lang ng “I love you” nahulog ka ka agad, hindi ka man lang nagpakipot.

Pinigilan ko ang sarili ko sa paghikbi ng naramdaman kong bumigat ang paanan ko , paniguradong si Maurice na yan.

Sa lahat ba naman ng manloloko kaibigan ko pa. Na saan na yung pangakong. Hindi niya gugustohin pag gusto na ng kaibigan niya.

Tangina , sana hindi na siya gumawa ng ganun kung siya rin naman yung sisira.

Ako namang si Tanga, naniniwala sa kaniya. Sa kaniya pa ako nanghingi ng Advice nung gulong gulo ako sa nararamdaman ko kay Skye pero hindi ko siya masisi. Hindi ko naman sinabi kung sino.

Dahil na rin sa sakit,pagod at hirap nakatulog na ako.

Sinadya kong hindi bumangon ng Maaga dahil ayaw kong maabutan si Maurice at Skye , maririnig ko naman siguro kong paparating na yung apo ni Lola't lola , pagdating niya ay saka ako babangon.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng silid, hindi ko alam kung sinong pumasok dahil nakatakip ng kumot ang buo kong katawan.
Bumigat ang gilid ng higaan kaya alam kong may umupo.

“ Gising ka na ba?” tumaas ang balahibo ko ng narinig ko ang boses ni Skye. Nangilid agad ang luha ko .

Tangina naman kasi. Namangka siya sa dalawang ilog at ang masakit pa kaibigan ko yung isa. Pareho nila akong ginago.

Hindi ako gumalaw dahil ayaw kong isipin niyang gising na ako.

“ This is our first morning , unang umagang kasama kita” GAGO, kagabi pa ako nakipaghiwalay sayo, wala ng tayo.

“ I want to see your morning face at hear your voice pakiramdam ko ay iyon ang pinakamagandang makikita at maririnig sa umaga” malamig parin ang tono ng pagsasalita niya pero may halong lambing ang bawas salita.

Nasusuka ako sa pinagsasabi niya, kung may professional sa trabaho , may professional din sa panloloko.

Napakagaling mo.
Tumayo na siya , nawalan na siguro ng pasensya.

Tumatama na ang sikat ng araw sa mukha ko. Narinig ko na ang kadadating lang na sasakyan.

Lumabas ako para maghilamos. Hindi na ako maliligo, ayaw ko ng manghiram ng damit kay lola dahil nakakahiya na.uuwi narin naman ako kaya, sa bahay na ako maliligo.

Pumunta na ako sa mesa kung saan sila nag-uusap . Alam kong ako na lang ang hinihintay nila. Nakaramdam ako ng hiya para kay Lolo't lola at sa apo niya. Pare pareho namang walang hiya yung tatlo ngunit lamang talaga ang inis at galit ko.

Umupo ako sa tabi ni Sytx sa upuang gawa sa kawayaan na ito, pang dalawahang tao lang bawat upuan kaya talagang bakas sa mukha ni Skye kung bakit hindi ako sa kaniya tumabi kahit bakante pa ang kanya.

Tumungin siya sa akin at senesyas ang upuan,” Mainit” pabalik na sagot ko sabay turo sa sinag ng araw na tumatama sa upuang kawayan kaya wala na siyang nagawa at nakinig nalang.

“ Pare-pareho lang ba kayo ng subdivision?” Napaka seryoso ng tinig ng apo nila lola. Kung tititignan mo ay halos magka edad lang kami ngunit lamang ang pagiging mature ng mukha at katawan niya.

“ Hindi pare, iba-iba kami ng subdivision. Babayaran ka naman namin eh” kinurot ko si Sytx sa sinabi niya. Nakakahiya , mamaya kung anong isipin nito.

“ Isaksak niyo sa baga niyo ang mga pera niyo , Ang gusto ko lang ay maihatid kayo at nakakaabala kayo sa trabaho ko” nagulat ako sa sinabi niya ngunit mas lamang ang kagustuhan kong umuwi kaya hindi ko na lang pinansin yun, hinawakan ko din ang braso ni Sytx para pakalmahin siya dahil alam kong naapakan ang pride niya doon.

“ Sandler,apo . Maging mabait ka naman sa mga bisita natin “ pangalan palang eh , masungit na.

“ Sinusubukan ko lola”

Comeback FelecityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon