Chapter 8- Mistaken

7 4 0
                                    

“ I rather date myself than to flirt with someone, miss, so you must really mistaken” nahihibang na ba siya , ako mang aagaw ng boyfriend. NEVER”

“ You want proof, then” sabay bato niya sa akin nung mga picture na sumapol sa mukha ko. Pag nalaman mo lang talagang hindi talaga ako, ako mismo ang magpaparamdam sa yo ng higit pa sa kademonyohang ginagawa mo ngayon.

Kinuha ko ang picture at nakita ko ang picture ni kuya kasama ako na sabay pumasok sa kotse, this is bullshit, his my brother for Pete ‘sake, babanatan talaga kita mamaya , kuya.

“ You try to lie then I will cut your tongue into pieces “ mababaliw na ako , tapos na siguro yung announcement dahil may nakikita na akong mga studyante na nanunuod sa amin.

“ wait, let me explain, he is my-“

bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sinabunutan na ako nung pinaka matangkad sa kanila.

Ang sakit na ng katawan ko pero hindi ako pwedeng lumaban kasi lugi sila pag nagkataon , halatang mas matanda to sa akin pero halatang puro sampal at sabunot lang ang alam.

“Miss , let m-me remind you, pagsisihan niyo ito” nasabi ko pa yun kahit hinang hina na ako, yun ngang mabait may limit ako pa kayang pinipilit lang makisama.

“ Whatever, you bitch”.

Iniwan na nila ako doon , kahit alam kung unting unti nalang ay babagsak na yung katawan ko ,  pinilit ko paring tumayo.

“ Okay ka lang?” inalalayan ako nila Maurice nang nakita nila akong hinang hinang sa may bench sa gilid ng cafeteria.

“ Nasan ng yung mga umaway sayo Chay, sabihin mo at ipapagawa ko sa kanila lahat ng ginawa nila sayo”natatawa talaga ako kay Sytx , makasigaw siya kala mo siya yung napuruhan ehh.

“ Okay lang ako , wag kayong mag alala. Wala lang to” sabi ko , aangal pa sana si Sytx pero tinanungan ko na lang siya, pero may pinagtataka talaga ako.

“ Di niyo man lang ba ako napansin na nawala na ako sa tabi niyo?” nakakapagtaka kasi na hindi man nila ako hinanap .

“ Sabi kasi nung Senior high na lumapit sa amin kanina, pinapatawag ka sa Guidance office at may inutos sayo kaya pinauna mo na kami” planado pala to at siniguro nila na walang tutulong sa akin.

“ Bakit naman ako magpapasabi sa iba, kung kayo nga lang ang kaibigan ko at hindi ko na sana kayo niyaya kong may inutos naman pala sa akin”

“ sabi kasi nung babae chay, siya daw yung nagsabing may inuutos sayo kaya humingi ka ng favor sa kaniya na sabihin sa amin na mauuna ka na muna” paliwanag naman ni Sytx na talagang nagpangiti sa akin.

“ Hayaan niyo na , may maganda naman silang dahilan para gawin to “ pinagtakpan ko na lang sila at ayaw ko ng lumala.

Papalampasin ko kayo sa ngayon pero hindi sa susunod.
Hindi na ako sumabay kay kuya at naiinis pa rin ako , hindi ko na rin sasabihin sa kaniya at alam kong masisira niya lahat ng plano ko pag nagkataon.

Hindi naman kakalat ang nangyari sa akin dahil malayo ang College building sa Highschool kaya sigurado akong hindi niya yun malalaman.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil naalala ko na yung lalaking nanguha ng upuan ni Sytx.

Siya yung nakilala ko sa math challenge nung Grade 6, tatlong taon na rin kasi nung nakita ko siya kaya siguro di ko masyadong maalala.

Kahit maaga akong nagising ay late pa rin akong pumasok at Intramural naman ngayon , hindi ako sasali sa mga laro kaya ako nalang ako taga bitbit nung mga ginagamit ng mga kaklase kong players.

Nasa Volleyball court ako ngayon kasi gusto kong maunuod kasama ko si Sytx dahil tapos naman na yung laro nila at nasa Table Tennis si Maurice, pinanuod ko siya kanina kaso di ko talaga gusto yun kaya lumabas muna ako saglit.

“ Looks who's here” sa kamalasmalasan nakita ko nanaman yung babae ng umaway sa akin kahapon.

“ Sorry but I don’t have any spare time to fight with you because I have some duty to do right now” malumanay kong sabi sa kanila kahit naiinis na ako.

“ OW, is that it , I understand but later prepare yourself” natatawa akong lumakad dahil may bully palang pinagbibigyan ang target nila , mga boplaks.

“ Anong sinabi nung mga yun sayo? Tanong ni Sytx dahil dumaan siya ng Cafeteria kaya nahuli ang dating niya.

“ Wala, Tara na baka mahuli tayo”

Naglakad na kami sa court at mula rito ay tanaw na tanaw ko ang bleachers nang third year kaya doon kami dumiretso.

Umupo ako sa tabi ni Skye at sa Gilid ko naman si Sytx. Kilala ko na yung lalaking namahiya sa akin sa math challenge dati, He's Skye Soliven, nakita ko kasi yung form sa upuan niya nung tumabi siya sa akin.

“ Sinong next na mag-lalaro?” tanong ko sa kanya ngunit di siya sumagot kaya nagkunwari akong si  Sytx yung kausap ko.

“ Uyy, Sytx, sinong next na maglalaro kako”

“ ako ba tinatanong mo?”
“ sino pa ba ? “

“ Bakit kay Skye ka nakatingin kanina” buweist talaga nakita niya pa yun

“ Hindi ah, sino na ngang maglalaro “ pangiiba ko sa usapan

“ Pare, Sinong next game?” tanong niya sa katabi ko, pustahan di ka sasagutin niyan. Mapapahiya ka lang.

“ Third year and Fourth Year” napatingin ako sa kaniya nung sinagot niya si Sytx.

“ Narinig mo naman , Chay” badtrip yun ah, bakit siya sinagot ako hindi.

Tanaw ko dito ang players namin at  players nang fourth year, mas matanda sila sa amin pero hindi nalalayo ang height ng bawat isa.

Oh, yung tatlong umaaway sa akin yun ah, kaya pala ang lalakas sumampal. Varsity pala.

“ Let's welcome , the line up for the volleyball game”kung ano ano pa yung sinasabi ng Administrator pero hindi ko maalis yung mata ko sa tatlong babae na kanina pa masama yung tingin sa akin.

“ Kilala mo ba yun, chay?”tanong ni Sytx,napansin niya rin siguro.

“Hindi, Bakit?” maang maangan kong sagot.

“ kanina pa kasi sila nakatingin sayo.”

Comeback FelecityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon