Chapter 7- Flirt

6 4 0
                                    

“ Sorry, Ma'am , I'm Late. I lost because I don’t know where I'm Going” hindi naman ganto sa public ah.

“ If you're new here you should go here early “ kasi nga po tinatamad akong pumasok kaya nag pa late ako.

“ Sorry, Ma'am” Tinuro niya sa akin ang bakanteng upuan sa likuran kaya dumiretso na ako doon.

“Bakit Late ka?” tanong sa akin ni Maurice. Ang aga niya, sana all.

“Tinamad ako, wag ka nang maingay baka sigawan tayo nung masungit na lecturer.”

Pero sa kahabaan ng pag didisscuss ni ma'am may pumasok sa pinto, kung sinuswerte ka nga naman hindi pa ako ang pinaka late, HAHAHA.

“Sorry Ma'am, late “hingal na hingal na banggit ni Sytx.

“Next time that you attend my class this late, never attend my class again. Understood?” Hala ka, sytx.

saan ka ba nag sususuot at mas late ka pa sa akin.Sa tabi ko siya umupo dahil bakante pa naman.

Natapos ang lesson ng wala man lang introduce yourself, paano kami magiging magkakilala ng mga kaklase ko kung ganun.

Sunod sunod ang klase namin kaya ng kinahapanun ay diretso na akong umuwi.

Ganun lang lagi ang eksena sa school wala man lang kabago-bago.Feeling ko mas masaya pa sa public kaysa dito, haynako gusto ko na tuloy mag transfer.3rd na ako pero wala man Lang akong maramdaman thrill.

Maaga akong pumasok ngayong araw dahil kasisimula lang ng second grading maayos naman yung takbo ng buhay ko nitong mga nakaraan kaso boring talaga.

Pagpasok ko sa room ay pawang may ginagawa yung mga kaklase ko, Hindi papasok si Sytx at nilagnat daw siya dahil sa pag susurfing niya kasama ang mga kuya niya.

Amboring , wala akong kadaldalan.

Pumasok na rin ang lecturer namin at nagulat ako sa kasunod niya, pamilyar yung lalaki ah. Feeling ko nakita ko na siya.

“Good Morning class. By the way . here's your new classmate be good to him “ sunod sunod na banggit ni miss habang pinapahanap ng upuan yung lalaki , nakakainis , ugali talaga nitong adviser namin na wala man lang introduce yourself.

Puro bakante ang mga nasa likod kaya di na ako nagtaka na papunta siya sa banda ko , bawal naman siyang umupo dito at may nakaupo na.

“uy, uy , uy” pigil ko sa kanya ng uupo sana siya sa upuan ni Sytx.

“ Why?” inis na sagot niya.

“ sorry , pero may nakaupo na kasi diyan”

“ Kung may nakaupo dito , bakit wala naman akong nakikita” di muna kasi nagtatanong badtrip, natural na wala kang makikita kasi absent.

“ Absent kasi “ inismiran niya lang ako at walang ano anong umupo sa upuan ni Sytx.

Bahala nga siya , si Sytx nalang mag paalis sa kaniya pag pumasok na siya.

Sobrang pamilyar talaga nung lalaki kaso hindi ko maalala kung saan ko siya nakita .

Kinahapunan , sinundo ako ni kuya at lahat ng SUV ay ginamit para sa Bussiness nila Mommy. Kaya wala akong magagawa kundi sumama sa mokong na to.

“ It's Good that I can finally go home with my sister afterschool “ nakakaloko yung tono niya na may pasipol sipol pa , hindi ko na siya pinansin at baka humaba pa.

“ How's school, mababait ba yung mga classmate mo”

napatingin ako kay kuya hindi dahil kinamusta niya ako kundi tama yung Tagalog niya.

“ It's okay” tipid kong sagot,hindi ko na siya pinuri at mamaya lumaki pa ulo niyo, Hindi na nagsalita si kuya hanggang nakarating kami sa bahay.

Salamat naman at hindi masasayang oras ko sa pakikipasaran.

Pinatawag kami ng Dean  dahil may in aanounce daw kaya pagkatapos kung mag recess ay dumeritso na ako sa gymnasium kasama sila Sytx at Maurice.

Pero bago pa kami makapasok sa pinto ay may humigit sa buhok ko , Fuck kong sino man to. Sisiguraduhin niyang pagsisihan niya to. Fuck shit, ang sakit.

“ Who are you” malumanay kong sagot sa tatlong babae na humila sa akin , asan na ba sila Sytx, hindi ba nila ako napansin , bwesit.

“ I should be the one who is asking that , who are you?” mataray niyang sagot, malay ko sa kanya , di niya pala ako kilala pero makahila siya parang kilalang kilala niya ako.

“ I don’t know all of you , Maybe you are mistaken for someone who  look like me” gulong gulo na ako , ni wala pa nga akong kaibigang bago tapos may kaaway na ako.

“I will never forget the face who flirt with my boyfriend” Bullshit.

Comeback FelecityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon