“ You big ass liar” sa tingin niya maniniwala ako sa sinasabi niya. Hindi na ako yung batang Chayden na kapag pinakain ng matamis na salita ay mahuhulog agad sa bitag.
“ Tinanong mo ba ako? Umalis ka agad Chayden” anong tingin niya sa akin martyr. Na kapag niloko , magtatanong at mag-mamakaawang balikan ako. Bullshit.
“ Anong gusto mong gawin ko? ‘Skye bakit niloko mo ko?’Hindi mo ba ako mahal?’ sa tingin mo sasabihin ko yun. Hindi ako ganun.” Pagod na pagod ako sa ganto , ayaw kong balikan lahat dahil wala narin namang kwenta.
“ Hindi ko alam kung anong nagawa ko pero nagkaroon na ako ng ideya nung gabing yun, nung umagang hindi ka tumabi sa upuan alam ko ng may problema pero pinagsawalang bahala ko lang dahil maayos pa kitang nakausap”
I'm really tired with this, tapos nay un. Bakit hindi na lang siya mag-hanap ng iba? At nakakafrustrate na.
“ Sinabi mo sa akin na mahal mo ako bago ako bumaba ng kotse pero bakit nung susunduin na kita wala ka na? "
Kasi nga umalis ako. TANGINA, kanina ko pa gusting isumbat lahat ng ginawa niya pero parang nawalan ako ng lakas kaya tinitignan ko lang siya ng masama.
“ Tama si Sytx, kala namin nagbakasyon ka lang saglit pero sana naman chayden,sinabihan mo kami. Para akong tangang nangangapa ng sagot kung bakit nagkaganun. Pakiramdam ko matatanggap ko pang may kasama kang iba kaysa yung aalis ka ng walang pasabi. Niloko mo kami, Chay”
Hindi ko napigilan ang sarili ko at dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. Nanginginig pa yung buong katawan ko nung lumapit ako sa kaniya.
“ SA LAHAT NG PWEDENG MASAKTAN, AKO YUN. KUNG NALOKO KO KAYO, PWES MAS MATINDI PA DOON YUNG GINAWA NIYO. KAYA WAG MONG ISUMBAT SA AKIN NA PARANG KASALAN KO LAHAT KUNG BAKIT NAGKAGANYAN KAYO!”
Sumigaw ako sa harap niya para maramdaman niya yung galit ko. Parang lumalabas na ako yung nasaktan pero sila yung nasugatan.
“ Nung gabing iyon, nakita ko kayo ni Maurice na magkausap, sinasabi niya na mahal ka niya at ganun ka rin pero hindi mo man lang pinaglaban na ako yung mahal mo. Nagkamali ako baka hindi mo talaga ako mahal at ginamit mo lang ako para mapalapit kay Maurice”
Nagulat ako nung bigla niyang sinuntok yung niyog sa likod ko. Kinabahan ako pero pinatatag ko yung sarili ko para ipamukha sa kaniyang tama ako.
” Nung umaga nasa mall ako nun tapos nakita ko kayong magkasama sa isang restaurant.
"Gabi pa lang Skye nawawalan na ako ng tiwala sayo bakit dinagdagan mo pa ? kaya ano sa tingin mo pa ng gagawin ko sugudin kayo dahil niloko ako ng mgaling kong bestfriend?Never”
Nakikita ko ang frustration sa mata niya at bumibilis na rin ang paghinga niya.
“ Napaka bobo mo Chayden. Napaka bobo mo. Hindi mo man lang tinanong kung bakit , hindi ka man lang humingi ng Explination kung bakit kami magkasama”
Hinilot ko ang sentido ko sa sinabi niya ,ilang beses niya bang sasabihin yan at kong bobo ako anong tawag sa kanya?
“ You don’t have the right to call me stupid. Tsaka bakit parang hindi ka makamove on halos wala pang isang araw ng naging tayo NOON”
Pinagdiinan ko ang pagkakasabi nun para maramdaman niyang wala na siyang babalikan.
“ Halos buong buhay ko Chay, hinintay kita. Kaibigan ko si Genesis kaya hindi ko magawang ligawan ka at masyado ka pang bata noon. I was 14 years old nong nahulog ako sayo pero binalaan ako ni Genesis na huwag dahil apat na taon ang agwat natin pero hindi ko siya pinakinggan “
BINABASA MO ANG
Comeback Felecity
AdventureCan you wait for someone? What If it takes forever? Can a person really wait for someone they love? Nemesis Chayden Dickinson believes all the single little things her eyes saw but apart from what she knows there a reason behind that she doesn't kno...