Chapter 19 - Favor

3 2 0
                                    

Binuksan  namin ang pinto ng kubo para silipin kung merong tao sa loob .

“ May tao , mga shunga. Trespassing” nang titignan mo sa sytx halatang kinakabahan siya.siraulo talaga

“ Bakla ka ba?” sinamaan ng tingin ni Maurice si Sytx dahil sa sinabi niya.

Nung una pa lang may pakiramdam na akong may tao dahil sa linis ng lugar.

“ Labas tayo ulit tapos tao po tayo” apaka shunga talaga .

“ Nasa labas naman tayo Sytx “ natatawa kung bigkas dahil hindi naman talaga kami puumasok , sumilip lang kami sa pinto.

“ OO nga no” napakamot pa sa ulo niya ng narealize niyang tama ang sinabi ko.

Mga matanda ang nasa loob , pinaunlakan nila kaming pumasok sa kubo at inabutan pa ng maiinom.

“ Sorry po kung nakakaabala kami pero nais lang po sana naming humingi ng tulong.”

Walang kuryente sa lugar kaya hindi ako sigurado kung may telepono silang pwedeng gamitin para makatawag kami sa mga pamilya namin.

“ Kung ano man ang maitutulong namin ay malugod naming ibibigay , mga apo”

Sa tiyansa ko ay nasa 60-70 years old na sila Lolo't Lola kaya hirap na rin silang magsalita.

“ May cellphone po ba kayo?”

Alam kong imposible pero hindi naman masamang magtanong .

“ Pasensya na pero napakalayo sa kabihasnan ang lugar na ito kaya walang signal ang telepono”

Napakahirap nga ng sitwasyon dahil walang cellphone at malayo sa kalsada ang lugar na ito kaya sila lang ang maaring hingan naming ng tulong.

Kung malayo sa siyudad saan galing ang mga hygiene kit at ingredients na meron sila?

Napadpad kasi ang mga mata ko sa aparador ng mga gamit nila at nakita ko ang mga naka garapon at naka sachet na mga kagamitan.

“ Ah , lola . saan po kayo namimili kung malayo po kayo sa siyudad? Tanong ko dahil baka maaaring may masakyan kami papauwi.

“ Kada sabado eh, hinahatidan kami ng apo namin ng pagkain para sa isang linggo at para bumisita na rin”

I'm right, biyernes ngayon at bukas na bukas rin ay dadating sila dito.

“ Salamat po, la pero pwede po bang magpalipas ng gabi dito wala na po kasi kaming ibang mapupuntahan eh”

Hindi ko pwedeng sabihing may nanghahabol sa amin dahil baka mabahala sila.

“ Pwede naman mga apo , kaso iisa lang ang libreng kwarto dito dahil iisa lang naman ang apo ko na bumibisita dito” ow, I guess .

we don’t have any choice but to share a room.

“ Okay lang po yun , magkakaibigan naman po kami”
Ngunit umilig si Skye sa akin at may binulong.

“ Mag –kaibigan lang?”
Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko sa sinabi niya. What the fuck?

“ Shut up” mahina kong tugon dahil nakakahiya kay lolo't lola.
Papalubog na ang araw at binigyan na lang kami ng pamalit ni lola dahil naaawa na siguro siya sa itsura namin.

“ So, sino sa lapag?” iisa lang kasi ang kama at hindi talaga kakasya ang apat at pang-isahang tao lang naman ito pero pag kaming dalawa ni Maurice eh kasya kami dahil pareho naman kaming payat.

“ Sa tingin mo?” sarkastikong wika ni Maurice.

“ Ang sa tingin ko ay sa kama ako at sa baba kayong tatlo tutal ngayon lang naman” pagkatapos nun ay binagsak niya ang sarili niya kasama .

Hinila ko yung paa niya para malaglag siya sa , napaka Gago talaga nitong lalaking to.

“ Chay naman kahit ngayon lang pagbigyan niyo naman ako” pinahglapat niya pa ang dalawang kamay niya na animo'y nagmamakaawa pero binato ko lang  siya ng unan.

“ Aishh, Mga walang puso” padabog niyang sinara ang pinto at parang batang nagmamaktol na lumabas.

“Ang gwapo ni Sytx pero napaka isip bata “ bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang kobre ng kama na nagulo dahil sa gunggong na Yun.
“ Chay” nagulat ako dahil biglang nagsalita si Maurice sa tabi ko akala ko ay lumabas na siya nung nagbabangayan kami ni Sytx.

“ Bakit?” hindi ko parin makalimutan lahat ng sinabi niya pero naiintindihan kong dala lang yun ng kabang nararamdaman niya.

“ Sure ka na ba?” nagtataka ako dahil hindi naman siya ganto magsalita pag kinakausap niya ako subalit ngayon ay napaka seryoso ng mukha niya.

“ Seryoso saan?” hindi ko alam kong anong tinutukoy niya pero nawala rin yun nang biglang pumasok si Sytx .

“ Kumain na daw po ang walang puso pag may puso bawal kakain”

Walang gana niyang wika habang natatawa naman ako sa kaniya. Hindi ko na lang pinansin si Maurice at dumiretso na kami sa hapag.

“Magpahatid nalang kayo sa mga bahay niyo sa apo ko bukas para ligtas kayong makauwi” sa totoo ay sobra-sobra na ang binibigay nilang pabor sa amin pero ang isang to ay paniguradong hindi ko matatanggihan.

“ Sige po la, Maraming salamat po talaga. Debale po. Pagnakauwi na po kami ay babawi kami sa kabutihang binigay niyo sa amin”

Nakakatuwang kahit mga matanda na sila ay malugod pa nila kaming tinutulungan sa abot ng makakaya nila.

“Hindi kami humihingi ng kapalit mga apo , ang simpleng ‘salamat’ ay maaari na”

Naniniwala talaga ako ng hindi lahat ng tao ay tumutulong ng dahil sa kapalit minsan may mga tao pa rin talaga na kusang loob at hindi lang basta napipilitan.

Natapos kaming kumain at niligpit ang mga pinagkainan at pinauna na naming sila Lola at Lolang matulog dahil kami ng bahala sa hugasin.

“ Ako na ang maghuhugas, ayusin niyo na lamang ang higaan para matulog nalang tayo mamaya”

Pagpepresenta ko dahil wala namang alam sa gawaing bahay yung dalawa ewan ko lang si Skye.

“Tulungan na kita”lumingon ako sa kanya,yang mukhang yan marunong maghugas.No way.

“ Sanay ako sa gawaing bahay kaya marunong ako” tila ba'y nabasa niya ang nasa isip ko , hindi ko pa talaga siya kilala. Andami ko pang hindi alam sa Boyfriend ko.

“ Sige, ikaw na lang ang umigib ng tubig sa poso at ako ang maghuhugas ng plato” medyo malayo ang poso kaya paniguradong pagkatapos kong sabunan ay may tubig na pang banlaw.

“ Bago yun , may favor muna ako” seryoso ang pagkakasabi niya nag-isip ako ng mga maaari niyang hilingin sa akin.
“ Ano?”

Comeback FelecityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon