Natapos yung laban at nanalo kami, sabi ko naman ehhh. Yung Ace lang nila bumubuhat sa kanila.
“ I thought you don’t know how to play volleyball?” tanong sa akin nung president namin.
“ Wala naman akong sinabi pres” I'm not into playing with sports using balls but I know how to play it.
“ Nevermind but you are really good out there” tsamba lang siguro.
“ Thank you”.
Pagbalik ko sa Bench ay wala na doon si Skye medyo naiilang pa ako kanina kasi Miss Soliven yung tawag sa akin nung referee nung naglalaro kami.
Hinanap ko si Sytx sa Audience para may kasama akong maghanap kay Skye.
Natapos yung araw na hindi ko nakita yung ni anino nung dalawa .
Sabay kaming umuwi ni Maurice dahil namimiss niya na daw pumunta sa bahay.
“ Chay, naalala mo pa yung pangako natin sa isa't isa?” ano nanamang nakain nito at parang kakaiba nanaman magsalita.
“ Alin ba doon? Andami masyado ehh” totoo naman kasi eh, andami naming pangako sa isa't Isa.
“ yung kapag gusto ko yung isang tao dapat di mo na rin gustohin”
“ ano ka ba Mau. Kung sakaling andun tayo sa sitwasyon na yun. Hindi ko aagawin yung taong gusto mo dahil lang sa gusto ko din siya. Mas mahalaga yung friendship natin”
Andami namang lalaki ah, don’t settle for less , explore more HAHAHA.
“ Sinasabi ko lang , kasi yung Ka table tennis ko kanina ganun yung nangyari ehhh”
“ Siguro dahil hindi strong yung friendship nila?”
“baka nga” pumasok na kami sa bahay. Nakita ko si Kuya sa Living room , naglalaro ng X-box
“ Hi kuya genesis “ bati ni Maurice kay kuya.
“ Hello, It's been a long time Mau since I last saw you”nakaharap siya sa screen ng sinabi niya yun. Napaka bastos talaga nito
“ yeah, you are more handsome than the last time kuya” animoy nasusuka pa ako nung sinabi ni Maurice yun. Kadiri, ew.
“ Tara na Mau, sayang oras” niyaya ko na siya kahit maaga pa naman , naiinis talaga ako kay kuya ehhh.
Walang binigay na assignment yung mga lecturer dahil nga intrams kaya nag Movie marathon nalang kami, may mga laro pa bukas pero hindi na ako pupunta at baka mapalaro pa ako ulit.
Umalis din siya pagkatapos nung dalawang movie dahil hinahanap na siya sa bahay nila.
“ Balik ka ulit ha” sabi ko habang kumakaway sa kanya , dumating na yung driver niya kaya hindi na ako nag abalang ihatid siya.
“ Why you didn’t invite her for dinner” nakita ko si kuya na inaayos yung mga kubyertos .
“ She's busy” sagot ko na hindi tumutingin sa kaniya, dire diretso lang ako sa pag lakad.
“ Hey, how about you. Let's dine together “
“ I'm not hungry”
“ But I cook your favorite food” hindi ko na siya nilingon dahil tinatamad akong sumagot sa mga walang kabuluhan niyang pakulo.
Naligo muna ako bago ko pinagkaabalahan yung social media ko, hindi naman ako papasok bukas kaya okay lang na mag puyat ako.
Kinaumagahan ay 11:00 na ako nagising dahil 3 na ako natulog dahil tinapos ko pa yung K- drama na pinapanuod ko.
Bumaba na ako kahit di pa ako nakaligo at nagugutom ako hindi nga pala ako kumain kagabi.
Ngunit pagbaba ko nagulat ako sa taong nakaupo sa living room kasama si mommy
BINABASA MO ANG
Comeback Felecity
AventureCan you wait for someone? What If it takes forever? Can a person really wait for someone they love? Nemesis Chayden Dickinson believes all the single little things her eyes saw but apart from what she knows there a reason behind that she doesn't kno...