Chapter 21- Goodbye

3 2 0
                                    

Niyakap muna namin si Lolo't lola kahit sandaling panahon lang kaming namalagi dito ay naramdaman namin ang kabutihang binigay nila.

“ Babalik po ako” bulong ko sa matanda , nginitian niya lang ako . pagkatapos noon ay sumakay na kami sa Kotse ni Sandler .

Sa harap ako umupo ,bakas ang inis sa mata ni skye pero tumigin nalang ako sa harap. After all the things you did to me , POTANGINA MO,MAMATAY KA NA.

“Bakit hindi ka sa tabi namin?” madali lang sagutin yung tanong ni Sytx kung may alam siya pero wala eh.

“Di ako komportable sa likod “ wala akong makapang sagot kaya yun na lang sinabi ko .

Alam kong nakatingin lang si Skye sakin buong byahe kahit pa noong kinakausap siya ni Maurice ay nanatili lang yung titig niya sa akin.

Hindi mo na ako maloloko sa paganyan-ganyan mo.

“ Sino ba ang may pinakamalapit na bahay” nabasag lang ang katahimikan ng nagsalita si Sandler.

“ Ako Pare, iliko mo lang diyan sa malaking itim na gate diyan na yung subdivision namin” si Sytx yung unang bababa at ako naman ang huli .

Bumaba na si Sytx kaya mas lalo kong naramdaman yung bigat nung atmosphere sa loob ng kotse. Na alam ko namang ako lang ang nakakaramdam.

“ Sa pangalawang kanto lang ako Sandler , ibaba mo na lang ako diyan “ kalian man ay hindi kami pinapunta ni Maurice sa bahay nila at ngayon ko lang nalaman na dito pala banda yung kanila not exactly pero siguro malapit lang dito yung bahay nila.

“Salamat , sana magkita uli tayo “ bitch! Ngumiti ako ng peke , mahal mo yung ex-boyfriend ko pero nanlalandi ka pa.

“ Wala akong oras para makipagkita kung kani-kanino” natawa ako sa sinabi ni Sandler ,bakas sa mukha ni Maurice ang disappointment pero tinignan niya ako ng masama.

“ Sige na Maurice , magingat ka” sabi ko sa kaniya ng nakangiti. Sinayang mo yung pitong taong pagkakaibigan natin.

Nagpatuloy na kami sa byahe at medyo andaming pasikot sikot sa Subdivision nila Maurice  kaya antagal naming nakarating nakalabas dahil baguhan lang din si Sandler sa lugar kaya medyo nahirapan kami sa direction pero alam ni Skye kaya siya yung nagtuturo.

Hindi naman masyadong halatang alam na alam niya eh no, paniguradong araw-araw siya kila Maurice para makipaglampungan.

“Si Chayden muna ang ihatid mo pare, ako na ang huli mong ibaba” nagpantig ang tenga ko sa narinig ko , ayoko . ayoko ng magtagal dito kasama siya. Ayaw ko ng Makita ang pagmumukha ng taong to.
“ Wag na Skye, okay lang naman ako “ Ngumiti  ako sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. My smile supposedly real pero niloko mo ako eh.

“ Hindi Chay, I need to “ You don’t need! Ilang minuto mo pa ba akong lolokohin, hindi na ako natutuwa. Napaka kapal ng mukha.

“ Kung magpipilitan lang kayo, pareho na kayong bumaba. Sinasayang niyo ang oras ko “ naiinis na ako pero pinipigilan ko lang at kailangan kong tapusin to ng maayos para mag wala na ako mabaliw siya kung ano yung ginawa niya.

“ I love you , skye . Sige na , sandler siya na yung unahin mo “
I hold his hand for assurance,nangilid yung luha ko . ang malas naman. Yung first boyfriend ko 7 hours lang naging kami.

“ Bumaba ka na. Magkikita pa naman tayo eh” Nanatili siya sa loob ng sasakyan kahit nasa tapat na kami ng Subdivision nila.

“ I love you, Chay. Sunduin kita sa bahay niyo bukas” hinalikan niya ako sa noo , wag kang iiyak chay. Bumaba na siya at sabay ng pagtaas ko sa bintana ng kotse ay ang pagbuhos ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

“ Huwag kang umiyak sa Harap ko , hindi ako marunong magcomfort ng babae” ang lamig ng tono ngunit natawa ako sa sinabi niya.

“ Okay lang , hindi mo ako kailangan e- comfort “ Hindi ko alam pero medyo gumaan yung nararamdaman ko kahit sa saglit lang na pagiyak nayun.

“ Salamat ulit. Pwede ko bang kunin yung number mo para pag gusto kong bisitahin sila Lolo at lola ay may kasama ako” alam kong ang weird tignan na ako yung nanghingi ng number pero may dahilan naman ako at hindi dahil may gusto ako sa kanya.

“ Hindi pwede, umuwi ka na . paniguradong nag-aalala na yung pamilya mo” medyo awkward pa  nung nagpaaalam ako pero pinaandar niya na yung kotse niya at iniwan na ako doon.

Pumasok ako sa Gate namin, wala namang nabago kundi ang nag-hahabaang damo sa paligid ng bahay.

Sa pagkakatanda ko ay hindi hinahayaan ni mamang humaba ito dahil alagang alaga niya at lagi niyang tinitrim.

Bakas narin ang dumi ng paligid. What is happening? Bakit parang napabayaan naman yung bahay.

“ Mommy, Daddy “ sigaw ko mula sa labas dahil sarado ang pinto ng bahay at sarado din ang mga ilaw.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang namumugtong mata ni Mommy na tila isang linggo nang walang tulog.

“ Jesus, Nemesis Chayden. Where have you been?” agad akong sinunggaban ng yakap ni Mommy , umiyak siya sa balikat ko .

Mommy , I'm sorry.

“ I thought I lose you anak” hagulgol niya sa balikat ko . Ngayon ko lang naaalala na hindi pala alam ng pamilya ko ang lahat.

“ Nemesis, sitdown. Are you okay?” ngayon ko alng nakita si Daddy na ganto. Makapal na ang balbas niya at malalim din ang mga mata niya katulad ng kay Mommy.

“ I'm so sorry , Mommy and Daddy. I really don’t know that my fieldtrip  would turn out that away . I just noticed that they had a bad  planned on us when I saw him holding a gun”

Kinuwento ko sa kanila lahat lahat. Simula ng pagkalunod ko hanggang sa paghatid sa amin ni Sandler.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at niluwa nito ang hindi ko na makilalang Genesis.

“ Bullshit, I can't find Nemesis “ nang natanaw ko si Kuya ay pulang pula yung mata niya . Hindi ko alam kung sa pagod,frustration o  pag-aalala.

“ She's here now” masaya at maluha luhang bati ni mama sa kaniya.

“ Fuck, you almost maked me crazy” niyakap niya ako ng napaka higpit sabay ang pagtulo ng luha sa mata niya.

“ Kuya, I can't breath” naiiyak na ako , this is my first time that I saw my family turned liked this.

“ Never leave us again, okay?” sumikip ang dibdib ko sa nangyari. Kuya, it's not my plan.

“ It's not the right time to say this but can you please send me to states ?” yun lang alam kong paraan para makalimutan lahat ng nangyari dito.

Hindi ako masyadong nasaktan dahil niloko lang ako ni Skye nasaktan ako kasi pinagmukha akong tanga ng Kaibigan kong halos kasama ko na sa paglaki, I thought 5 years friendship will last to lifetime but I was wrong , it's all fraud.

Comeback FelecityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon