Kabanata 1

242 8 0
                                    

Note:

A blessed day everyone!
Ngayon pa lamang ay abot langit na ang aking pasasalamat dahil binigyan mo ng pansin itong aking istorya💛 nawa'y maabot nito ang kaibuturan ng iyong puso na maging sapat na dahilan upang makapagpasya kang basahin ito hanggang dulo. Nais ko ding buksan mo ang iyong mga mata sa kung anumang naganap noong sinaunang panahon na siya ko ding ilalahad sa kwentong ito.

Sa muli, ito'y isang kwentong gawa-gawa lamang. Anumang nagkakahalintulad sa mga lugar, pangalan, panahon at pangyayari ay pawang kathang-isip lamang ng may-akda.

Daghang salamat!

-IndefiniteNiah













"Lolo Drino nandito na po kamiii"

"Lolooo! Maligayang Kaarawan po"

"Happy Birthday ho Lolo"

"Lo, isang ngiti naman po jan sa camera oh"

Masaya ako ngayong araw na ito. Kahit pa paika-ika na itong lakad ko, kahit halos hindi ko na makilala ang lahat ng mga apo ko, kahit na paminsan-minsan ay nasisigawan na nila ako kapag hindi ko lubusang naririnig ang mga ipinapahiwatig nila at kahit pa ulyanin na daw ako.....masaya pa din ako. At kahit kailanman ay hindi ko pinagsisihang nabuhay ako ng pagkatagal-tagal.

"Amelia anak, halika kay Lolo, may regalong tsokolate si Lolo saiyo" pagtatawag ko kay Amelia-ang kaisa-isa kong anak.

"Lo, I'm not Lola Amelia po. Di niyo na naman po ba ako nakikilala? Ako po si Yvette Lolo, matagal na pong patay si Lola Amelia" iritadong tugon sa akin ni Amelia-ay hindi, ni Yvette daw.. Yvette daw pangalan niya, nababahuan siguro sa pangalang ibinigay ko noon sa kaniya.

"Naku Yvette pagpasensiyahan mo na ang Lolo, go to the kitchen tulungan mo mga aunties mo sa paggawa ng salad dun"

"But Moma---" kitang-kita ko kung papaano pagdilatan ni Rosa ang anak niya.

"Rosa, apo hayaan mo na ang bata, baka mapagod lamang siya kung sasabay pa siya sa paghahanda"

"Oh Yvette, mamili ka, sasama ka sa paggawa ng salad do'n o ang hayaang tawag-tawagin ka ni Lolo sa pangalang Lola Amelia?"

"Papunta na nga po sa kusina Moma" naglikha pa ng malakas na tunog ang padabog na lakad niya patungong kusina.

Ang mga bata nga naman ngayon..ayaw na talagang pag-utusan. Palagi nalang pahaba ang nguso, akala mo naman pasan-pasan na ang buong mundo, eh simpleng utos lang naman ang binigay. Hays. Ni hindi man lang sila nagmana sa kapanahunan namin noon.

"Lo! Wan't some drinks?!"

"Ano kamo? Pinks?"

Tinapik-tapik ako ng binatang mukhang pilyo sa balikat. "No Lo, drinks not pinks"

"Hindi kita maintindihan, teka sino ka ba?"

"Lolo naman oh, isang gabi lang ako nawala dito, di mo na ako kilala? Ako to, si Dave ang pinakagwapo mong apo sa balat ng lupa" sabay laklak sa hawak niyang beer ata ang laman.

"Dave..."

"Tama Lo, Dave po."

"Ala eh! sino si Dave?"

Pareho kaming napapakamot-ulo ng binata. Sino ba ang Dave na ito at hindi ko matandaan?

"Lolo naman oh, nakakasakit na! Ako to si Dave, anak ni Rhea na apo mo na siya ring anak ni Amelia."

"Tama..si Amelia! Asan na ba si Amelia?"

"Hays matagal ng patay si Lola Amelia, Lo. Gulo mo kausap, diyan ka na nga!"

Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon