"It was great Lolo, kahit pala ang bad ng mga tao sa panahon niyo, there's always someone na handang tumulong ng walang kapalit. So sad nga lang sa mga pinagdaanan ni Lola Mañana." rinig kong tugon ni Bebet.
"Mga masama po ba ang mga Kastila, Lolo?" malungkot na tanong naman ni Jackie.
Sasagutin ko na sana siya, ngunit nakita kong ngumiti ang kaniyang ina na si Rhea at hinaplos-haplos ang buhok ng bata....
"Hindi naman lahat anak. May mga Kastilang, oo, mga walang puso pagdating sa usapang pera, pero may Kastila pa rin na may mabubuting kalooban. Katulad lamang nating mga Pinoy----" naputol ang pagpapaliwanag ni Rhea ng biglang sumingit ang binatang mahilig sa pinks.
"Yah. Mama is right Jackie, like me" napahithit sya ng isang piraso ng sigarilyo. "'di lang gwapo, napakabait pa" sabay nito bitaw ng kindat.
"Yak kuya Dave, mahiya ka naman" muling pananaray ni Bebet.
"ay nako tigilan niyo na nga yan!" paninita ni Rosa. "So ano po Lo, nakisapi kayo sa ipinaglalaban ng pamilya de Jesus?"
*Lalawigan ng Cavite, taong 1884*
"Sigurado na ho ba talaga kayo Mang Mando sa desisyon nyong iyan?"
"Naku oo, hijo..hindi ko na kaya ang pagiging gahaman ng mga Kastila, kung maninirahan na lamang ako sa ibang bayan sa dulo ng pulo, marahil ay hindi ganito kasakit ang magiging pamumuhay doon"
Halos ilang buwan na rin akong namalagi bilang isang kutsero rito sa pamilyang De Jesus. At sa loob ng ilang buwang iyon ay marami na akong nasaksihang kabulastugan ng mga dayuhan.
Ngunit marahil tama si Mañana, kung ang pamilya De Jesus nga na siyang maimpluwensyang mamamayan ay hindi agad sumasabak sa laban, kami pa kaya na mga dukhang ituring lamang?
Dahil sa kawalang-hiyaan ng mga dayuhan, marami na ang nagsisipag-alisan dito sa aming lalawigan. Maganda sana ang mga trababong nakahain dito, ngunit aanhin mo nga naman ang trabaho, kung bugbog naman ang katawang pantao mo?
Hindi na rin naman tumatanggap ng mga magiging tagapagsilbi ang pamilya De Jesus, sapagkat masyado ng marami ang mga naninilbihan dito. Gustuhin niya mang bigyang trabaho at proteksyon ang bawat Pilipino, batid niyang hindi niya ito magagawa.
Paminsan-minsan naisipan ko na ring bumalik ng Calamba, baka sakaling maayos ang pamumuhay nila roon. Ngunit masyadong mahigpit ang pamahalaan ngayon, hindi kami basta-basta na lamang makapuslit sa isang lugar sa kahit anumang oras namin nanaisin. Kaya't marahil sapat na muna ang mga liham at salapi na ipinapadala ko sa kanila roon.
"Kuya Drino! Kuya Drino!" rinig kong sigaw ni Linong na siyang patakbong papunta sa akin.
Naglilinis ako ngayon ng mga kabayong ginagamit namin at pati na ang loob ng kalesang kanilang sinasakyan.
"Ano't nagmamadali ka, Linong?"
"Kuya ipinapatawag po ang lahat ng lalaking nasa edad 16-60 sa plasa. May iaanunsyo daw po ang mga nasa katungkulan" hapong-hapo niyang pagbabalita.
"Ha? Ano't para saan naman iyon?"
"Hindi ko rin po nababatid, ngunit kailangan niyo na pong magtungo roon, bago pa kayo ipagtulakan ng mga gwardya-sibil papuntang plasa"
"Oh sya, paliguan mo muna si Karding ha, wag mo ring kakalimutan na bigyang pagkain ang ate Mañana mo" paalala ko sa kaniya.
"Sus, sabi ko na nga ba may gusto ka sa ate ko eh, kunware ka pa kuya" pang-aasar nito habang ngumi-ngiti pa.
Sa totoo lang hindi naman mahirap mahalin si Nang, tunay na may mabuti siyang kalooban.
Siya ata ang binibining pinapangarap ng bawat isang binatang Pilipino upang mapangasawa. Mahilig din siyang ngumiti kahit na labis ang problema, mahilig magluto at magburda ng mga damit. Sa totoo nga nyan, siya ang nagtatahi ng lahat ng damit na sinusuot ko.
BINABASA MO ANG
Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]
Historical FictionBata pa lamang ay masidhi na ang damdamin ni Jen patungkol sa naging kasaysayan ng kaniyang bayan-Ang Pilipinas. Sa araw ng kaniyang labing-pitong kaarawan, may isang kahilingan ang sa kaniya ay iginawad. Kasama ang kaniyang kasintahang si Nath, hin...