Kabanata 7

31 4 0
                                    

"Ikaw ho si Sandrino Alejandro hindi ba?"

Bigla akong nagulat nang may humarang sa aking dadaanan na isang binatilyo na animoy labing-anim na taong gulang pa lamang.

"Ako nga, sino ka?"

"Ang ngalan ko po'y Edgardo, Gardo ho ang malimit nilang tawag sa akin. Ako po ang kutsero ni Señorita Phileñia"

"Ikaw? Narito na sila?"

"Opo, dumating po sila kaninang madaling araw, nais niya po itong palihim na ipaabot saiyo Señor"

Iniabot niya sa akin ang isang maliit na piraso ng papel na may nakalagay na pangalan ko sa labas nito.

"Ako po'y magtutungo na, ikinagagalak ko pong makilala kayo"

"Salamat, Drino na lamang" pagpapakilala ko sabay abot ng aking kamay.







Ginoong Drino,

    Masaya ako dahil muli na kaming nakabalik dito sa inyong bayan. Kanina pa lamang kami nakababa ng daungan at binabalak ni Ina na magkaroon ng isang salu-salong pagsalubong dito sa aming hacienda mamaya pagsapit ng gabi.
    Nawa ay makadalo ka, hihintayin kita sa aming hardin pagpatak ng alas-siyete.

Maghihintay,
Phileñia







Hindi na maipinta ang sayang nararamdaman ko lalo pa't mamaya lamang ay muli ko ng makikita ang mahal ko.

Kinakabahan man ngunit masilayan lamang siya ay lubos ng kasiyahan ang aking madadama.

Nandito ako sa aming silid habang di na magmakyaw ang aking ngiti, maya-maya lamang ay pumasok na si Kuya Jose upang kumuha ng kaniyang gamit.

"Nabalitaan mo na ba ang salu-salong magaganap mamaya?" seryoso nitong tanong sa akin.

Tumango lamang ako bilang tugon.

"Sasama ka sa aki----"

"Hindi Drino." tiningnan niya ako ng matalim na tila ba ay may nagawa akong kasalanan.

"Kailanman ay hindi ko nanaisin na makipagsalo sa mga dugong dayuhan"

"Kung gayon saan ka tutungo?"

"Babalik ako ng Calamba, nais kong makapiling sila bago ako pumaslit sa Madrid"

"Ibang klase ka din ano?" iritadong tugon ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo nais na makipagsalo sa mga Kastila ngunit tutungo ka sa kanilang bayan?!"

"Ako'y mag-aaral lamang--"

"Ngunit bakit? Bakit doon pa?! Gayong iyong bayan na iyon ang sumasakop sa ating bayan!"

"Huwag mo akong pagsalitaan patungkol sa aking ginagawa at pasya!"

"At bakit hindi?!"

"Sapagkat batid ko ang kinikilos ko at ang magiging kahihinatnan nito"

"Batid mo naman na pala ngunit----"

"Tigilan mo ako Drino! Papaano mo matatalo ang kalaban kung hindi mo aalamin ang lahat ng patungkol sa kanya?!"

Tiim-bagang akong iniwan mag-isa ni Kuya Jose.

Wala akong pakialam sa kaniyang pasiya. Bahala siya sa kung anong tumatakbo sa kaniyang isipan.

Ang mahalaga ngayon sa akin ay muli ng liligaya ang nagdaramdam kong puso.

















Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon