Kabanata 2

164 5 0
                                    

"Saan niyo ba gustong simulan ang kwento ko mga apo?"

"Uhm sa kapanganakan mo po Lolo!" masiglang tugon sa akin ni Jackie, na mas lumapit pa para mas lalo niyang marinig ang aking sinasabi.

"Haha! Oh sige ganito..makinig kayong lahat ha. Ako ang iyong Lolo Drino.. Ang totoong ngalan ko ay Sandrino Alejandro. Matagal na panahon na nang ako'y isinilang sa mundo. Disyembre 09,1862 ang araw ng aking kapanganakan. Tama ang inyong iniisip, isandaang limampu't tatlong taon na ako."

"Taray Lolo ha, you're still alive pa po behind your age" tugon sa akin ni Yvette habang tinitingnan ang mga de-kolor niyang kuko.

"Uy Yvette wag kang maingay! Nagkwe-kwento ang Lolo oh. Respeto naman" sabat naman sa kaniya ni Jackie apo ko.




                            *1868*

"Inay, napapagod na po ako. Magpahinga naman po tayo, nagugutom na din po ako kanina pa tayo naglalakad ni hindi nga po natin alam kung saan tayo patutungo" pagsusumamo ko kay Inay, sobrang sakit na kasi ng paa ko dulot ng palakad-lakad namin kanina.

"Oh sya sige Drino anak, ayun oh! May sapa inom ka muna ng tubig at magpalipas muna tayo dito sa ilalim ng Narra ng ilang sandali"

"Wala po ba tayong tinapay Inay?" pakamot-ulo kong tanong kay Inay.

"Haha! Ikaw talagang bata ka.. Ikaw lang ata ang batang mahina ang buhay kapag walang tinapay. Oh heto.. May itinira pa ang nanay para saiyo. Ubusin mo ha" inabotan niya ako ng isang pirasong pandesal habang hinimas-himas ang buhok ko.

"Nay hati tayo gusto mo?"

"Nako anak busog pa ang Inay, sige lang kainin mo na iyan"

Alam ko namang nagdadahilan la-ang si Inay na busog pa siya, kahit gustong-gusto niya naman talaga kumain. Rinig na rinig ko na din ang pagkalam ng sikmura niya eh. Halos apat na oras na kaming naglalakad, di namin alam kung saan kami dadalhin ng aming paa.

Hinati ko ang pandesal na bigay ni Inay at ibinigay ulit sa kaniya ng kalahati.

"Sige na Inay, masama hong tumanggi sa grasya"

Kita ko kung paano sumilay ang ngiti sa mga labi ni Nanay. Kahit puno ng pasa ang mukha niya, taglay taglay niya pa din ang dugo ng purong Pilipina.

"Inay.. Bakit po ganoon si Itay?"

Bigla namang napahinto sa pagkain si Inay habang makabuluhang tumingin sa akin.

"Hindi ko alam anak, siguro dala na iyon ng alak niya."

"Bakit ho ngayon niyo lang siya naisipang iwanan? Bakit hindi ho nung sanggol pa lamang ako?"

Ngumiti ng bahagya si Inay bago sinagot ang aking katanungan.

"Halika anak, tabihan mo si Inay.."

Lumapit naman agad ako at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya habang pareho kaming nakaupo sa ilalim ng puno ng Narra.

"Alam mo anak.. Mahal na mahal ka ni Inay. Lumaki ako ng walang kinikilalang tatay kaya't ipinangako ko sa aking sarili na kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko hahayaan na lumaki ang anak ko na katulad kong walang kinikilalang ama."

Muli kong tiningnan ang maamong pagmumukha ni Inay na halos namuo-muo na ang mga luhang nakakubli sa kaniyang mga mata.

"Ayos lang po sa akin Inay na walang Itay. Sapat na po sa akin na masaya kaysa naman po araw at gabi kang binubugbog ni Itay"

"Anak, ayos lamang sa akin iyon. Makakaya ko pa kung ako lang ang sasaktan niya. Pero anak, hindi ko na maatim na sa murang edad mo ay nais ka na niyang makipagtalik sa halos kaedad mo lang din. Hindi ko gustong lamunin niya ang utak mo. Kaya kahit masakit para sa akin na makita kang lumaki na walang ama, ayos na iyon sa akin kaysa lumaki kang walang respeto sa mga kababaihan"

Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon