"Sa puno ng saging alas sais ng gabi"
"Sa puno ng saging alas sais ng gabi"
"Sa puno ng saging alas sais ng gabi"
Iyan ang mga katagang nabuo sa samahan. Kapag sinasabi ito ng kahit sinuman sa samahan, ay nangangahulugang isa siyang kasapi at mayroong isang mahalagang sasabihin.
"Ay pasensya na ho!" tugon sa akin ng isang lalaki rito sa pamilihan.
Sinadya ko talaga siyang banggain para sa aking sasabihin.
"Sa puno ng saging, alas sais ng gabi" bulong ko.
Tumingin ito sa akin, sabay tango.
Tinanguan ko din siya, senyales na nagkaintindihan kami, bago ako tuluyang umalis.
"Ginoo! Nariyan na ho pala kayo!" sambit ni Linong habang patuloy na nag-iigib.
Kararating ko sa lang sa bahay matapos ang mahabang araw ng pagtatrabaho sa mga dayuhan.
"Oo Linong. Ang iyong ate?"
"Naku sabi na nga ba siya'y iyong hahanapin!" pilyong tugon nito sabay kindat pa.
Napailing-iling na lamang ako at tuluyan ng pumasok sa bahay.
Naabutan kong nakaupo sa mahabang upuan si Nang at may binuburda.
"Oh Ginoo, nariyan ka na pala!" tugon nito na tila siyang nagulat sa aking presensya. Nakuha pa nitong itago sa kaniyang likod ang telang kaniyang binuburda.
"Kararating ko lamang."
Napatango-tango ito at ngumiti na parang di ko maintindihan kung natutuwa, kinakabahan o ano.
"Siya nga pala Ginoo, iyo na bang napagbigay-alam sa mga kasapi ang pagpupulong mamaya?"
Tumango ako, "Oo, naisabi ko na kay Supremo kanina sa pamilihan, siya na ang bahalang magpakalat nito sa buong samahan"
"Kung gayon tayo'y magsikain na, nang makapaghanda na paakyat ng bundok"
"Sige. Tatawagin ko lamang si Linong."
Naglalakad kami ngayon paakyat ng bundok. Kasama ko si Nang at si Linong. Marahil naroon at nauna na ang ilan sa aming mga kasamahan kaya't pagkarating namin ay sisimulan ko na ang pagpupulong. Umaasa naman ako na lahat ay napagbigyang-alam ni Supremo.
"Uy kumare! Ano na naman kayang iaanunsyo ng mga Kastila sa petsa i-trese (13) ano?"
"Hay nako. May bago pa ba? Syempre ang kawalang-hiyaan nila!" sagot ng isa.
"Alam mo sabi ng pinsan kong heneral may gagarotehan daw sa plasa kaya tayo pinapatawag" sambit naman ng isang Ale na may dalang bata.
Nagkatinginan kami ni Nang sa sinabi ng mga aleng nag-uusap.
Tumango ako kay Nang at saka ito naglakad palapit sa mga ale, habang naiwan naman kami ni Linong dito sa may gilid ng kalsada.
Ganoon lamang kasimple ang pagpapahiwatig namin ng mensahe.
"Talaga ho? May gagarotehin?" biglang sabad ni Nang sa mga ale.
"Nakakagulat ka naman hija!" tugon ng isa.
"Oo. Sinasabing nagnakaw raw ito ng sampung reales sa pamahalaan, at kamatayan ang parusa" sagot ng aleng may dalang bata.
"Talaga ho? At sino naman ho ang magnanakaw na iyon?"
BINABASA MO ANG
Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]
Fiction HistoriqueBata pa lamang ay masidhi na ang damdamin ni Jen patungkol sa naging kasaysayan ng kaniyang bayan-Ang Pilipinas. Sa araw ng kaniyang labing-pitong kaarawan, may isang kahilingan ang sa kaniya ay iginawad. Kasama ang kaniyang kasintahang si Nath, hin...