Kabanata 20

38 3 0
                                    

"Grabe Lolo, gano'n pala yung naranasan niyo before?" manghang-manghang tanong ni Bebet.

"Kung gayon Lolo, marami pala kaming dapat ipagpasalamat sa inyo" buntong-hininga naman si Jackie.

"Well, you're right Jack, ano na lang kaya kung tayo ang nabuhay sa panahon ni Lolo? HAHA olats ata tayo" papilyong tugon ni pinks.

Magsasalita na dapat uli ako nang marinig kong muling nagtanong si Jackie apo ko..

"Ano na po ang mga nangyari matapos mamatay ni Lolo Jose, Lolo?"

"Doon na ata nag-ugat ang Himagsikang Espanyol-Filipino?" hindi siguradong sagot ni Rosa.

Ngumiti ako ng bahagya, "Ganito iyon  mga apo ko"

     Sa totoo niyan, bago pa mamatay si Kuya Jose ay nag-uugat na ang Unang Himagsikang Espanyol-Filipino. Ito ay tinawag na "Himagsikang 1896".

Ang Himagsíkang 1896 ang tinaguriang pambansang paghihimagsik ng mga Filipino laban sa kolonyalismong Español at sumiklab noong Agosto 1896 sa pangunguna ng Katipunan.

Itinatag namin ang Katipunan o ang Kataastaasang Kagalanggalangan na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong gabi ng 7 Hulyo 1892 pagkatapos mapabalita ang pagdakip at pagdestiyero kay Kuya Jose.

Inisip naming wala ng saysay ang kilusang repormista sapagkat unang nalagas samin si Kuya Jose.

Ang Katipunan ay isang naging lihim naming samahan para ibagsak ang gobyernong dayuhan. Unti-unti itong kumalat sa mga bayan sa paligid ng Maynila at nagkaroon ng mga sanga hanggang Ilocos sa hilaga, Kabikulan, Aklan, Cebu, Palawan, at hanggang Mindanao bago natuklasan noong Agosto 1896.

Napag-alaman namin na isang Padre ang nagsuplong sa Katipunan.

Nalaman niya ito mula sa isang Katipunero, na hinimok ng kapatid na relihiyosang ipagtapat sa pari ang lihim na kilusan.

Noon ding gabi ng 19 Agosto 1896 ay nalaman naming dinakip ng polisya ang maraming Filipino na pinaghihinalaang kasapi ng Katipunan.

Nása Kalookan kami noon ni Supremo at daglian kaming nag-atas na magtipon ang mga Katipunero sa Balintawak. Sa naganap naming pagtitipon, ipinasiya naming lumaban para sa kalayaan.

Noong Agosto 28, nagpalabas ng manipesto si Supremo na gumaganyak sa sambayanan na lumahok sa himagsikan.

Ang unang malaking labanan ay naganap noong Agosto 30 sa San Juan del Monte. Samantala, nagsipag-alsa din ang mga Katipunero sa mga karatig lalawigan.

Sa gayon, noon ding Agosto 30 ay nagdeklara ng batas militar ang isang  Gobernador-Heneral sa unang walong probinsiyang naghimagsik—ang Cavite, Maynila, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Nueva Ecija.

Nagpatuloy ang maramihang pagdakip sa mga Filipino. Malimit na pinaparusahan ng kamatayan ang mga bilanggo nang walang paglilitis.

Noong 4 Setyembre, apat na Katipunero ang binaril sa Bagumbayan.

Walong araw matapos iyon, binitay sa Cavite ang 13 bilanggong tinatawag na “Trece Martires.”

At yun na ngang ika-30 ng Disyembre, taong 1896, pinatay si Kuya Jose sa Bagumbayan sa hinalang siya ang tagapagsulong ng rebolusyon.

Inakala naming hihina ang mga rebolusyonaryo sa biglaang pagkamatay ni Kuya Jose, ngunit nagkamali kami sapagkat mas lalong umalab ang kagustuhan ng mga Filipino sa iba't ibang panig ng bansa na ipaglaban ang aming Inang Bayan.

Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon