Kabanata 12

27 3 0
                                    

"Hindi ba't sinabi ko na saiyo, piliin mo ng bumalik sa totoong mundong kinabibilangan mo! Mas lalo ka lamang mapapahamak dito!"

Rinig kong tugon sa akin ng matandang tila nakita ko na noon pa.

Unti-unti kong ibinaling ang aking paningin sa paligid...naririto pa rin ako.. Sa masikip at mabahong selda na hanggang ngayon ay di ko pa mawari kung saan itong lugar matatagpuan.

"Sin---"naputol ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsalita ng isang babae katabi ng matanda.

~"Nath, hubby please.." pag-mamakaawa ng isang binibini na deritsong nakatingin sa akin.

Hindi ko matandaan kung sino ang binibining ito o maging itong matanda. Papaano't bakit nila ako tinatawag sa pangalang hindi ko naman pangalan.

Humakbang ng isa ang binibini palapit sa akin na wari ba'y sasalubungin ako ng isang mainit na yakap.

"Teka, sandali! Huwag kang lalapit" sandali siyang natigilan sa aking sinabi, "Hindi kita, hindi ko kayo nakilala!"

Nakita ko kung paano bumuhos ang mga luha sa binibining nasa harap ko. Di ko maintindihan, anong nangyayari? Anong nangyayari sa kaniya? Sino ba siya?

"Nath gumising ka na sa reyalidad" malamig na tugon ng matanda.

Saan ako gigising? Bakit ako gigising? Ano ba! Ano bang nangyayari?!

"Hubby...."

Salitang huling sinambit ng binibini na halos kaedad ko lamang bago sila hinigop ng kawalan.












...

Bigla kong iminulat ang aking mga mata. Narito pa din ako sa loob ng selda, pilit na hinahabol ang aking hininga. Para akong tumakbo ng ilang kilometro.

Ewan ko ba, nanaginip ata ako ng masama.

Sandali, kailangan ko ng makatakas dito.

Masyado pang madilim ang paligid, pakiwari ko ay mag aalas tres pa lamang ng umaga. Ngunit papaano nga ba ako makakatakas kung mayroong dalawang gwardya-sibil ang nakabantay sa mismong seldang kinapapalooban ko.

Tila ako nawalan ng pag-asa. Hindi ako makakalabas dito hanggat walang taong tutulong sa akin.

Ngunit sino nga ba naman ang magbibigay tulong sa akin?

Sa panahong ito di ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko.

Isinandal ko na lamang ang aking ulo sa malamig na dingding ng selda.

Tila hanggang dito na lamang ang buhay ko.










"Drino.. Drino gising"

Bigla akong naalimpungatan nang maramdaman kong may malalambot na palad ang dumampi sa madumi kong mukha.

"Phileñia?!" bigla akong nagulat ng makita ko ang pagmumukha niya—pagmumukha niya na tila walang nangyari.

"Shh huwag ka maingay, ginoo" halos pabulong niyang tugon sa akin.

Inalis ko ang kamay niya sa aking mukha.

"Hindi mo na muli akong maloloko Phileñia!"

At sa muli, nakita ko ang nanlulumo at maluha-luha niyang mga mata.

Oo, kinamumuhian ko siya, pero bakit ganun? Ni hindi ko man lang magawang saktan siya.

"Naiintindihan ko, pero pakiusap, umalis ka na habang may oras pa"

"Anong pinagsasabi mo?"

Kanina lamang ay malademunyo ang kaniyang mukha, ano't nagkaganito na narito siya sa aking harap at pilit na akong pinapatakas.

Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon