Kabanata 3

78 5 2
                                    

"Magandang umaga batang Drino!" maligayang pagbati sa akin ni Ate Saturnina—Neneng ang tawag namin sakaniya, ang panganay na dalaginding nila Tatay Isko at Nanay Teodora.

"Magandang umaga din po ate Neneng! Inyo po bang nasilayan ang aking Inay?"

"Si Aling Mercedita ba ang iyong hinahanap? Kasama siya ng aking mga kapatid na sina Sisa, Lucia, Maria at Concha sa bayan, nais daw nilang mamili ng mga espasol, ngunit saakin ka niya ibinilin, kumain ka na lamang daw ng almusal roon sa hapag kasama si Jose at Josefa."

"Ganoon ho ba? Sige po ate Neneng salamat po--"

"Teka sandali Drino!"

"Po? Bakit po?"

"Papisil muna ng iyong bilugang pisnge hihi"








"Magandang umaga po Kuya Jose at Josefa!"

"Magandang umaga din sayo Drino!" tugon naman sa akin na halos kaedad ko lang na si Josefa—kapatid rin ni kuya Jose.

"Upo ka na Drino, heto ang tinapay" pag-aalok naman sa akin ni kuya Jose.

Ang sarap talaga mamuhay dito sa kanilang bahay, araw-araw hindi nawawalan ng masasarap na nutri ban na nasa mesa—bagay na labis kong ikinatutuwa kung kaya't palagi akong gumigising ng maaga.

"Drino, ikaw ba'y mag-iigib ulit sa sapa?"

"Ah oo Josefa, iyon ang tungkulin ko rito sa inyong bahay"

"Pwede ba akong sumam---"

"Isang malaking kahibangan ang iyong sinasabi Josefa--"

"Pero kuya Jose wala naman pong masama kung nais kong magtungo sa sapa"

"Kung nais mo nga iyon, magpasama ka kay Aling Mercedita o kay ate Neneng, hindi kay Drino, isang maling pangitain na magsama ang isang ginoo at binibini"

"Naiintindihan ko po. Patawad kuya"

"Kung iyong mamarapatin Drino, maaari bang ako na lamang ang sumama saiyo? Nais ko ding iguhit ang ganda ng sapa"

"Po? Sigurado po kayo? Baka kayo po'y mapagod kuya?"

"Haha! Wag ka mag-alala, gaya ng iyong tinuran, ako ang iyong kuya"

"Sige ho, tayo na pong kumain para makapunta na din po tayo sa sapa!"





"Drinoo!"

"Sandali lamang po kuya Jose, inaayos ko pa ho ang mga timba!"

Apat na timba ang dala ko ngayon sapagkat katulong ko naman si Kuya Jose sa pagbibitbit nito, mas madali naming mapupunuan iyong mga dulay ngayong may katuwang ako. Hindi naman kalayuan ang sapa kung kaya't madali lamang kami makakabalik.

"Oh kuya Jose aanhin mo iyang plastik at mga piraso ng walis tingting?"

"Haha! Nais kong gumawa ng saranggola habang tayo'y nasa sapa"

"Saranggola?! Yuon po bang lumilipad?!"

"Siyang tunay Drino! Wag ka lamang maingay baka tayo'y marinig nila Tatay, bilis tara na!"




"Kaya mo ba talagang bitbitin iyan Drino?" pag-aalalang tanong ni Kuya Jose.

Dala-dala ko ngayon ang apat na timba at papabalik na ako ng bahay.

"Opo Kuya Jose, maiwan ko nalang po muna kayo saglit upang matapos niyo ang paggawa ng saranggola, babalik ho ako agad!"

"Mag-iingat ka Drino!"




Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon