"Sigurado ka ba dito Drino? Kinakabahan ako sa mga hakbang na isinasagawa mo" kabadong tugon sa akin ni Menardo.
Nandito kami ngayon sa likod ng isang malaking puno sa tapat ng kumbento na pinangungunahan ni Madam Delya.
Hinahantay namin na may kahit isang lumabas mula sa kumbento upang makapagpuslit ng sulat para kay Phileñia.
"Huwag ka na lang maingay Menardo, alam ko ang ginagawa ko"
Magtatakip-silim na ngayon at sadyang napakalamig ng hangin. Tila nakikiramdam din ito sa lakas ng tibok ng aking puso.
Nais ko lamang sanang makumpirma kung nandito nga si Phileñia kaya't heto nalang talaga ang nakikita kong kaisa-isang paraan para maabot siya.
Maya-maya pa ay may isang binibini na nga ang lumabas, tila magtatapon ito ng basura.
Kung hindi ako nagkakamali, siya si Lourdes na sumalubong sa akin kahapon.
Maglalakad na sana ako patungong kumbento nang...
"Mag-iingat ka Drino!" biglaang sambit ni Menardo sabay hawak sa aking bisig.
Tila mas lalo lamang nito dinadagdagan ang lakas na kalabog ng aking puso.
Tango lamang ang binigay ko sa kaniya bago tuluyang lumapit sa munting binibini.
"Ginoo! Ikaw na naman? Ikaw ba'y nangungulila agad sa akin" gulat na tanong sa akin ni Lourdes.
Maging ako ay nagulat sa kaniyang tinuran ngunit hindi ko na ito alintana at nagmadali na lamang akong magsalita "Nais ko lamang kumpirmahin kung nasa loob ba ng kumbentong ito si Señorita Phileñia?"
Nakita ko kung papaano bumagsak ang mga balikat nito at mariing pag-ikot niya ng mga mata bago ako sinagot.
"Phileñia na naman? Oo nasa loob siya"
Wari bang kusang ngumiti ang aking puso sa aking narinig. Tila lahat ng kaba ay tuluyang napalitan ng saya.
Kasabay ng marahang pag-ihip ng hangin ay ang puso kong nagagalak na sa wakas ay masisilayan ko na siyang muli.
"Paumahin Ginoo, ngunit kailangan ko ng pumasok" iritadong tugon nito sa akin bago tuluyang pumasok sa loob.
"Teka sandal---"
Tila nahuli na ako ng pagpigil dulot ng labis na kasiyahang aking nararamdaman.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumalik na lamang sa kinaroroonan ni Menardo sa tapat ng kumbento.
"Kumusta? Iyo bang naipaabot ang sulat?"
"Hindi" tipid na tugon ko.
Napailing-iling muna si Menardo bago muling nagsalita..
"Tingin ko nga.."
Tiningnan ko naman siya ng makabuluhang tingin sapagkat di ko mawari ang kaniyang nais ipahatid.
"Kitang-kita ko sa mga mata ng dalaga na siya'y nabibighani sa kakisigan mo, ngunit hindi mo ito napuna sapagkat kay Phileñia ka nakatuon kaya ayun! Nagmadali na lamang pumasok"
Di na lamang ako umimik sa naging tugon nito.
Napagpasiyahan na rin namin na dito na magpalipas ng gabi upang mas madali na lamang sa amin abutin ang kumbento. Lalo pa't kaunting araw na lamang ay magaganap na ang prusisyon. Baka bukas makalawa ay maging ganap na madre na si Phileñia, tila ito ang bagay na hindi ko maaatim.
BINABASA MO ANG
Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]
Historische RomaneBata pa lamang ay masidhi na ang damdamin ni Jen patungkol sa naging kasaysayan ng kaniyang bayan-Ang Pilipinas. Sa araw ng kaniyang labing-pitong kaarawan, may isang kahilingan ang sa kaniya ay iginawad. Kasama ang kaniyang kasintahang si Nath, hin...