"Drino. Ano't tila ika'y nababalisa?" tanong sa akin ni Kuya Jose habang muli siyang nagbabasa ng mga libro patungkol sa abogasya.
Narito kami ngayon sa isang bahay-panuluyan sa Heidelberg, Germany.
"May natanggap akong sulat mula sa Filipinas." aligaga kong tugon.
"Ano? Ano raw ang sabi? Kanino ba nanggaling?"
"Matagal na siya naipaabot sa akin ngunit kahapon ko lamang nabasa dulot ng napakaraming aralin ang ating ginagawa. Noong a-kinse ng Oktubre ngayong taon ito isinulat."
"Galing kanino?"
"Kay Nang"
"Nang? Ang binibining tingin mo ay may pagtingin sayo ngunit hindi mo magawang tingnan pabalik?" pagbibiro pa nito.
"Kuya naman"
"Haha hindi biro lang. Ano raw ang sabi? Siya ba'y ikakasal na?"
"Pilyo! Hindi"
"Eh ano? Sandali nga, maaari bang umupo ka na lang? Ako'y nahihilo na sa pabalik-balik mong paglalakad"
"Pasensya na" umupo ako sa tapat niya at iniabot mula sa aking bulsa ang sulat.
Ilang sandali pa....
Tumingin ito sa akin ng makabuluhan, "Ano ang iyong balak? Uuwi ka ng Filipinas?"
Tiningnan ko rin siya sapagkat maging ako ay hindi ko batid kung anong pasya ang aking isasagawa.
Hindi ko ibig mapahamak sa gulo. Ngunit paano si Phileñia? Hahayaan ko na lamang bang bastusin siya ng walang-hiyang abogadong iyon?!
"Maaari kang umuwi Drino." mahinahon nitong tugon sa akin.
"Ngunit----"
"Huwag mo lamang ilagay sa iyong mga kamay ang batas"
"Hindi ko ibig na mapahamak ka katoto""Ano ang aking gagawin Kuya?"
"Sa pagpasok ng taong 1887, maghanda ka, may inihahanda akong paraan para mamulat ang mga Filipino sa pang-aalipin ng mga dayuhan"
"Ngunit ano naman iyon?"
"Magtiwala ka sa akin." sambit nito habang patuloy na pagtapik-tapik sa aking balikat. "Sa ngayon ay maaari ka ng umuwi, ngunit tatandaan mo, huwag kang sasangkot sa kahit na anong gulo, hantayin mo ang hudyat ko. Uuwi rin ako sa ating bayang sinilangan"
Tumango ako bilang tugon. Marahil ito nga ang dapat kong gawin. "Kung gayon ano ang maaari ko na lamang gawin?"
"Alam mo na iyon"
"Anaakk! Naku salamat sa Diyos at ika'y nakabalik!" maluha-luhang pagsalubong sa akin ni Inay dito sa daungan ng Laguna.
"Kaytagal kong hinintay ang yakap mo Inay" hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng aking mga luha
"Kayganda na ng iyong postura anak. Kumusta ang iyong Kuya Jose? Ayos lamang ba siya?"
"Opo Nay. Nasabi sa akin ni Kuya na malapit na siyang umuwi rito. Hindi ko batid kung kailan ngunit magtiwala na lamang tayo sa kaniyang mga salita"
"Oo, tila nararamdaman ko na nga iyan Drino anak" tugon ni Nanay sabay yakap din sa akin.
"Oh siya tayo'y umuwi na, may niluto akong tinola sa bahay"
Narito kami ngayon sa hapag, masiglang kumakain. Tila kaytagal ko ring hinintay ang oras na ito—ang muling makasalo ang aking itinuring na pamilya sa hapag-kainan.
BINABASA MO ANG
Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]
Ficción históricaBata pa lamang ay masidhi na ang damdamin ni Jen patungkol sa naging kasaysayan ng kaniyang bayan-Ang Pilipinas. Sa araw ng kaniyang labing-pitong kaarawan, may isang kahilingan ang sa kaniya ay iginawad. Kasama ang kaniyang kasintahang si Nath, hin...