WAKAS

64 4 0
                                    

Bumalik ako sa aming tahanan na parang wala lang nangyari...

Animo'y tumigil ang oras sa sandaling nakapunta at nabuhay ako sa ibang mundo.

"Kuyaa! Look oh! Mommy gave me a new toy!" salubong sa akin ng bunsong kapatid ko.

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya.

Isa-isa kong niyakap ang aking pamilya.

Ewan ko ba, tila mas naging mahalaga sila sakin.

Natatawa pa ako sa aking sarili, iba ata ang dulot sa akin ng pagkabuhay noong sinaunang panahon..

"How was your day, my Nath boy?" paglalambing ni 'Mmy habang nagbabake ng kung ano-ano rito sa kusina.

"It was great 'mmy... Uhm..."

"Yah?" nakangiti nitong lingon sa akin. Tila naghihintay ng nais kong sabihin..

Umiling ako at tumawa ng bahagya, "Nothing, I just missed you and my girlfriend too"

"Uhuh?" taas-kilay na tingin ni mommy. "Ilang oras ka lang naman nawala rito sa bahay...and wait...kailan ka pa nagkagirlfriend? Hmmm 'di mo nakwento yan kay mommy ha"

"What?"

Anong hindi? Eh palagi ngang naririto si Jen sa bahay namin simula no'ng sinagot niya ako.

And in fact, mas close nga sila ni mommy kasi mahilig sila pareho sa pagbabake..

Pinakiramdaman ako ni 'mmy.. Hinawakan niya ang noo at leeg ko, "Wala ka namang sinat anak, ano bang pinagsasabi mo? Hahaha!"

"Mmy, si Jen.. Yung girlfriend ko..."

"Sino ba si Jen kasi anak? Dalhin mo nga siya dito at nang makilala namin ng Daddy mo."

"At sinong kikilalanin?" biglang tanong ni Dad na siyang papasok na rin dito sa kusina.

"Hay nako, tong anak mo, binata na, may girlfriend na raw siya, di man lang pinapakilala satin"

"Sino ba yan anak ha? Maganda ba? Sigurado namang maganda, magaling tayo pumili eh diba?" muli pang pagbibiro ni Dad.

Ewan ko ba. Di ako natutuwa ngayon.

Ba't hindi nila matandaan si Jen?!

"Dad... Si Jen.. Yung palaging nagbibigay ng mga dyaryo sayo tuwing umaga"

Nagkatinginan sila Mommy at Dad...

"Sino ba si Jen?" sabay nilang tanong sa akin..



Dali-dali akong tumakbo papalabas ng bahay at nagdrive ng kotse pabalik doon sa tita ni Jen na may kakagawan nitong lahat.

Ano't bakit hindi nila nakikilala si Jen?!

"Teka, doon nalang muna ako sa bahay nila Jen, baka naando'n na rin siya, Tama!" bulong ko sa aking sarili na parang hibang.

Iniliko ko ang aking sasakyan at masiglang tumatahak ng Burgos St.

Di ko alam pero parang kinakabahan ako ng kung ano.

"Tao po!"

Nasa harap na ako ng bahay nila Jen at ilang beses ko na ring pinindot ang door bell, wala pa ring taong lumalabas.

"Tao po!" muli kong sigaw.

Kakatok na sana ako ng kusa ng bumukas ang gate at bigla akong sinalubong ng isang kasambahay.

Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon