Kabanata 8

34 4 0
                                    

"Lo! Wait, what do you mean of 'kumbento' po?" taas-kilay na tanong sa akin ni Bebet.

"Naku, kumbento na nga lang di mo pa alam Yvette?!" pilyong sagot naman ni Dave sa kaniya habang patuloy ito sa paglaklak.

"Magsitigil nga kayo, ang kumbento ay siyang lugar kung saan ang mga mag-aaral ay nais maglingkod sa simbahan, katulad ng mga madre" pagpapaliwanag naman ni Rosa.

Magsasalita na dapat ako nang biglang tumayo si Jackie sa aking harap.

"Kung magiging madre po si Señorita Phileñia, Lolo, papaano na po kayo? Hindi ho ba bawal sa madre ang may asawa?"

"Tiyak na kaytalino mo nga apo, umpo ka at saaki'y makinig, ipagpapatuloy ng Lolo ang kaniyang kwento."













Narito ako sa sapa namamangka kasama ang binibini na si Phileñia, hindi ko pa din lubos maintindihan kung bakit hindi man lang niya sa akin nasabi ang planong ipapasok siya sa kumbento. Kung kaya't akin siyang dinala muna dito upang pormal na malaman ang kaniyang saloobin.

"Tila kanina ka pa tahimik Ginoo, may nais ka bang mabatid mula sa aking bibig"

"Paumanhin, ngunit mayroon sana akong nais itanong"

Ngiti lamang din ang kaniyang isinagot sa akin na para bang hinihintay niya na ako'y magsalita.

"Batid mo bang ipapasok ka talaga sa kumbento?"

Tumango siya bilang tugon.

"Ngunit----"

"Paumanhin kung hindi ko agad nasabi, ngunit bata pa lamang ako, nais na ng Alcalde na magi akong isang ganap na madre upang mas lalong makatulong sa pagpapalaganap ng Kristyanismo rito sa iyong bayan"

Kahit kailan talaga, napakatuso ng utak ng mga dayuhan! Mga wala silang puso!

"Ngunit hindi ko naman batid na kanila pala itong gagawing totoo. Maging ako ay nagulat kagabi nang pinakilala niya ako sa harap ng maraming tao. Batid ko na kaya niya iyon ginawa sapagkat hindi niya nais na tumanggi ako dahil magdudulot ito ng kahihiyan sa kaniyang pangalan."

"Papayag ka na sila ang magdikta ng iyong buhay?"

"Wala akong magagawa Ginoo kundi ang sundin ang kanilang nais---"

"Ngunit Señorita, buong buhay mo ay hindi ka man lang nakatikim ng kalayaan, hanggang ngayon ba ay itatali mo pa rin ang sarili mo sa kanila?"

"Salamat sa iyong pag-unawa, Ginoo. Ngunit gaya ng aking tinuran ay wala akong magagawa"

"Paano ang aking pag-ibig?!"

Sandali kaming natigilan sa aking nabanggit.

"Paumanhin, hindi ko sinasadya" tugon ko.

Nanatili ang nanlulumong tingin sa akin ni Phileñia. Tila ramdam ko kung gaano kabigat para sa kaniya ang habang buhay niyang pagkatali sa mga gahaman at mapangahas niyang kamag-anak.

"Paumanhin Drino sapagkat hindi ko mauunlakan ang tibok ng iyong puso marahil hindi ako ang mga bituin saiyong gabi"

"Hindi ko ibig na makita kang ganyan, binibini. Pakiusap. Hindi ko nais na makita ang mga mata mong lumuluha."




















Tuluyan na ngang nilisan ni Phileñia ang aking puso.

Ni katiting ay hindi niya ako ipinaglaban.

Ni hindi siya lumaban para sa akin.

Dahil sino nga ba naman ako?

Sino ako sa buhay ng isang Señorita?

Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon