Araw ng Sabado ngayon, masyado ng mataas na ang sikat ng araw. Narito pa rin ako sa aming silid at masayang naglililok ng mga mas pinapaganda ko pang mga disensyo.
Isang hiwaga ata sa aking buhay ang magising na ganito kaligaya. Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang pakiramdam ng umiibig. Hindi ko batid kung totoo nga bang umiibig na ako o humahanga pa lamang sa taglay na kagandan ng señoritang aking palaging nagigisnan.
Kahit ano paman ang tawag sa aking naramramdaman, masaya ako sapagkat tila mas lalo akong ginaganahan na mas pagandanhin ang aking mga disenyo upang mas lalo niya itong magustuhan.
Mag-iisang linggo na ding pabalik-balik sila ng kaniyang ina ngunit wala pa rin siyang napipili sa aking mga produkto kung kaya't mas lalo kong sinisipagan ang aking paggawa ng mga panibagong disenyo.
"Tila yata maganda ang gising ng aming kaibigan! Kay giliw naman ng kaniyang ngiti!" pagbibiro sa akin ni Kalil, ang sya ring kasa-kasama namin ni Kuya Jose dito sa bahay-panuluyan.
"Tila'y umiibig Kalil" gatong naman ni kuya Jose habang kumukuha ng libro sa aming sisidlan.
"Aha! Ano't hindi man la-ang sa amin pinakikila Drino?!" makabuluhan niya uling tanong.
Napangisi na lamang ako sa kawalan sabay tapon kay Kalil ng isang maliit na piraso ng kahoy.
"Pilyo!"pabirong sigaw ko pa sa kaniya bago sila muling nawala sa aking paningin.
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin natatapos si Kuya Jose sa pagbabasa patungkol sa siyentipika, habang ako naman ay naririto sa harap niya na tulad niya ay may hawak ring libro ngunit ang utak ko ay tila naglalakad-lakad sa alinmang lupalop ng mundo.
Masyado na atang ginugulo ng Señoritang hindi ko batid ang ngalan, ang aking isipan. Lalo pa't nagkita ulit kami kanina ngunit katulad ng dati ay wala pa rin siyang nagugustuhan sa aking mga paninda.
Ewan ko ba sa sarili ko, dahil kahit ganoon siya ay hindi ko siya nakukuhang kamuhian, sa totoo lamang ay mas nais ko iyon upang pagsapit ng dapit-hapon kinabukasan ay muli ko na namang masisilayan ang kaniyang ganda.
"Huy Drino!" natauhan ako ng bigla akong tawagin ni Kuya Jose gamit ang malalim niyang boses.
"Kanina pa kita tinatawag, ni hindi mo man lang ako iniimik. Ikaw ba'y napapanglaw?"
"Ah hindi. Pasensya na. May gumugulo lamang sa aking isip."
"At ano naman iyon?"
"Ah wala."
"Teka, mali ata ang tanong ko"
"Anong nais mong iparating?"
"At SINO naman ang bumabagabag sa iyong isipan?"
Sumilay ang aking ngiti sa pilyong tanong ni kuya.
"Wala kuya, tayo'y mamahinga na"
Pahiga na ako sa aking higaan ng bigla ulit siyang magsalita.
"Hanggang kailan mo sa akin ililihim Drino?" kumpara kanina ay medyo seryoso na ang tono ng pananalita ni Kuya.
"Ano ibig mong sabihin Kuya ?"
"Batid mo na iyon" tipid niyang sagot habang patuloy pa rin sa pagbabasa ng kaniyang libro.
"Kuya"
Hindi niya ako sinagot ngunit napatingin siya ng deritso sa akin.
"Tila ako yata'y may napupusuan----"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla ng humagalpak ng tawa si Kuya Jose.
"Anong nangyayari saiyo? Hindi naman ako nagpapatawa ah"
BINABASA MO ANG
Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]
Ficção HistóricaBata pa lamang ay masidhi na ang damdamin ni Jen patungkol sa naging kasaysayan ng kaniyang bayan-Ang Pilipinas. Sa araw ng kaniyang labing-pitong kaarawan, may isang kahilingan ang sa kaniya ay iginawad. Kasama ang kaniyang kasintahang si Nath, hin...