Kabanata 17

25 4 0
                                    

Minamahal kong Kuya Jose,

    Pasensya sa mga nangyari at naging alitan natin noon. Tama ka, hindi ko dapat hinayaan ang aking damdamin na mahubog ng mga dayuhan. Sa kapabayaan ko ay napahamak hindi lamang ang aking buhay, ngunit maging ang buhay ng ating kababayan.

    Kuya Jose, nawa ika'y nasa maayos na kalagayan riyan. Alam kong ginagawa mo ang lahat upang magdala ng kapayapaan at kalayaan para sa ating Inang Bayan. Naniniwala ako na hinding-hindi ka malilimutan ng mga Pilipino sa paglipas ng panahon dahil sa iyong kabayanihan. Kuya, nais kong ipagbigay-alam ang mga nangyayari rito sa kasalukuyan, masyado ng gahaman at mapusok ang bawat dayuhan. Ginawa naming maging rebelde upang kalabanin sila ngunit kulang ang aming pwersa at wala akong balita kung buhay pa ba ang aking mga naging kasama. Patawarin mo sana ako nang pinili kong hindi sumama saiyo upang sundan ang mga yapak mo.

    Ngunit kung mamarapatin mo, nais kong sumama ngayon saiyo. Nais kong mag-aral din katulad mo. Yun din ang nais ng Inay at Nanay upang pansamantala akong makalayo rito.
   Hahantayin ko ang iyong pagtugon.

Humihingi ng tulong,
Sandrino Alejandro






















"Paalam Inay"

Masakit para sa akin ang muli kaming magkakahiwalay ni Inay ngayon. Ngunit marahil ito ang dapat naming gawin...ang dapat kong gawin upang  hindi muna ako pag initan ng pamahalaan.

"Mag-iingat ka anak doon ha" sambit ni Inay habang patuloy na lumuluha.

"Balitaan mo ako kapag kasama mo na ang iyong kuya Jose"

"Opo Nanay, maraming salamat po uli"

Tumango ito sa akin at ngumiti.

"Paalam!"



Masaya kong binabaybay ang kalawakan ng dagat na ito papuntang Espanya.

Kinakabahan...sapagkat ito ang una kong paglalayag palabas sa aking lupang sinilangan.

Ngunit malaki pa rin ang pasasalamat ko, dahil sa muli ay iniabot ni Kuya Jose ang kaniyang mga kamay sa akin.
Hindi ko nakikita ang magiging buhay ko sa Madrid, Espanya.

Ngunit sa tingin ko, doon ako muling makakahinga...





















---------------------

"Phileñia! Anak!"

"Ama! Tulungan mo po akoo"

Dali-daling tumakbo sa akin si Ama at kinalas ang lubid sa aking kamay na siyang nakatali sa malaking puno.

"Anong ginawa nila sayo? Sinaktan ka ba nila?"

"Hindi..hindi ho Ama"

Nilibot-libot ko ang aking mga mata, nagbabakasakaling makita ko si Drino.

Natatalo na ang kanilang samahan ngayon ng mga kasama nila Ama. Nakita kong bumulagta na ang karamihan sa kanila kasama na ang Mang Rahib na kanilang tinatawag.

Puno ng dugo, hinagpis at sigawan ang buong kabundukan. Hindi ko masilayan si Drino. Hindi siya maaaring---

"Anak? Ayos ka lamang ba? Sino ang iyong hinahanap?"

"Ah wala po. Umuwi na po tayo"

"Sige. Bamanos!"

"Kayo na ang bahala rito! Lahat ng makikita niyong buhay ay patayin niyo! Bigyan ng katarungan ang pagkakabihag ng aking anak!" muling utos ni Ama sa kaniyang mga tauhan.



Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon