"Drino??" sambit nito.
"Nababatid mo ang kaniyang ngalan binibini?" tanong ni Supremo sa bihag.
"Drino tulungan mo ako. Pakiusap" tugon ng bihag sa akin.
"Kakilala mo siya Ginoo?" tanong rin sa akin ni Nang.
"Drino pakiusap" muli nitong pagmamakaawa.
"Hindi ko siya kilala." matigas na tugon ko at tuluyang ng naglakad papalayo.
"Drinooooooo!"
"Kaibigan! Sigurado ka bang hindi mo kilala ang binibining iyon?" tanong sa akin ni Supremo sabay bigay sa akin ng maiinom.
Narito pa din kami sa kampo at patuloy akong naguguluhan kunh bakit muli kaming pinagtagpo ng tadhana.
Ang dami ng nangyari, napakatagal na panahon na nang muli kaming magkita, bakit dito ko pa siya muling masisilayan.
"Batid kong nakikilala mo siya, ngunit hindi mo nais na kilalanin pa siya."
Napatingin ako kay Supremo na animo'y nakikiramdam din sa akin.
"Siya ba'y iyong pag-ibig?"
"Noon" sagot ko.
Napatango-tango ito at inilaklak na ang kaniyang kape.
"Ba't di kayo muling mag-usa----"
"Wala kaming dapat pag-usapan"
"Walang matigas na tinapay sa mainit na kape, katoto" tinapik-tapik ako nito sa aking balikat bago tuluyang umalis.
"Linong!"
"Oh kuya?! Hulaan ko hinahanap mo si Ate Nang noh? Uuwi na po ba tayo?"
"Hinahanap ko nga siya, ngunit hindi muna tayo uuwi, magpapalamig muna tayo rito sa kampo"
"Ahh. Ganon ho ba? Si Ate Nang ho naroon sa bihag"
"Ano?! Anong ginagawa niya dun?!"
Anak ng! Nagkibit-balikat lamang ito.
Dali-dali akong pumunta roon at baka anong ginagawa ni Phileñia kay Nang.
"Binibini!" mabilisang pag-agap ko.
"Drino!" muling pagbanggit ni Phileñia ng pangalan ko.
Hindi ko ito pinansin, sa halip ay lumapit ako sa kinaroroonan ni Nang.
"Ano't napapaluha ka? Ikaw ba ay ayos lamang?" tanong ko rito. Nakayuko ito at ayaw ipakita ang kaniyang mukha. Tila siya'y lumuluha.
"Anong ginawa mo kay Nang?!" matigas na tanong ko kay Phileñia.
"Ginoo wala. Ako ay ayos lamang" pag-aagap sa akin ni Nang.
Kinuha ko ang kapirasong tela sa aking bulsa at ipinahid ito sa nagbabadyang luha ni Nang.
"Anong nangyari sayo? Maaari na natin iyang pag-usapan"
"Wala ho" tugon nito at tuluyan kaming iniwan.
"Ano ba talaga ang ginawa mo sa kaniya ha?"
"Wala akong ginawa Drino. Tinanong niya lamang kung papaano kita nakilala at ibinahagi ko sa kaniya ang kwento nating dala----"
"Tumahimik ka! Matagal ko ng ibinaon ang mga alaalang iyon! At hindi mo na dapat pang isiniwalat ang walang kwentang pag-ibig na iyon!"
Tila nagulat siya sa aking tinuran at unti-unti ring namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata—bagay na hinding-hindi ko maatim dati.
BINABASA MO ANG
Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]
Historical FictionBata pa lamang ay masidhi na ang damdamin ni Jen patungkol sa naging kasaysayan ng kaniyang bayan-Ang Pilipinas. Sa araw ng kaniyang labing-pitong kaarawan, may isang kahilingan ang sa kaniya ay iginawad. Kasama ang kaniyang kasintahang si Nath, hin...