Kabanata 19

27 3 0
                                    

Mas lalo pang umalab ang pananamantala ng mga dayuhan sa mga Filipino.

Sa iba't ibang panig ng bansa ay ramdam na ramdam na ang kalupitan ng mga Kastila.

Hindi ko lubos maisip, bakit ganito. Namulat kami sa mundo kung saan hindi namin matawag-tawag na kami ay malaya.

Hindi namin kasalanan na maipanganak sa mundo, ngunit bakit ganito? Tila pinagkaitan kami ng tadhana na mamuhay ng malaya.




Hindi ako gumawa ng kahit na anong hakbang gaya ng sinabi ni kuya Jose. Hindi ko man batid nung una ang kaniyang mga plano ngunit patuloy akong nagtitiwala sa kakayahan niya.

Kilala ko si Kuya Jose. Siya yung tipong tulad ng isang gamu-gamo, na handang mamatay mahanap lamang ang liwanag.

Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat. Kung bakit kami binuhay sa mundong walang kalayaan ay para maitaguyod at maipaglaban ang bukas.


Taong 1887 nga gaya ng sabi ni Kuya Jose ay may natanggap kaming balita na may ipinalimbag itong isang nobela.

Noong una, lubos kong inisip na ano bang halaga ng isang nobela sa aming sitwasyon ngayon. Ano ba ito? Isang laro? Isang kahibangan? Katulad ng pag-ibig?

Ngunit isa akong hangal na maituturing kung basta-basta ko na lamang huhusgahan ang isang librong hindi ko pa naman nababasa.

Kumuha ako ng kopya nito at napagpasyahang basahin.





Tila napukaw ang aking damdamin matapos kong mabasa iyon.

Tila isang bagay na matagal na naming hinahanap ang aking naramdaman matapos kong basahin ang nobelang iyon.

Alam ko matalino si Kuya Jose upang makagawa ng ganoong klase ng nobela...ngunit likas na napakaalab din ng kaniyang pagsinta sa aming perlas ng sinilangan. Sapagkat kahit alam niyang delikado ang magiging resulta ng pagpapalimbag ng librong ito ay itinuloy niya pa rin.

Minabuti ko ang pamamalagi ng mga kopya ng librong ito....

Marahil ito na...

Marahil ito na ang simula.....










Noong ding taon na iyon umuwi si Kuya Jose sa Filipinas ngunit kinalauna'y muli siyang bumalik sa Espanya.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya't halos hindi ko na mailahad ng maayos ang mga naging kaganapan.

Muling bumalik sa Maynila si kuya Jose taong 1892, bumuo siya ng isang samahan. Sinabihan ko siya na minsan na naming ginawa ito noon, ngunit hindi kami nagtagumpay. Marapat lamang na hindi na muling maulit ang pagkakamali ng nakaraan.

Ngunit hindi siya nagpapigil.

Isinusulong ng samahang ito ang pagkakaroon ng reporma sa pamamagitan ng legal na pamamaraan. Muli naming nakasama si Supremo—ang isa sa naging matalik kong kaibigan sa aming naging samahan noon.

Layunin ng samahan na ito ang maging malaya ang Filipinas mula sa kamay ng España.

Pinagtuunan namin ng pansin rito ang patungkol sa

-pagkakaisa ng Filipinas
-pagtataguyod ng reporma
-pagbibigay ng suporta sa edukasyon
-agrikultura at komersyo
-paglaban sa karahasan
-at pagbibigay proteksyon

Filipinas: Tu Eres Mi Amor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon