Pang-Akit ng Maynila: 26 ( Kay Lisa: part 3)

2.9K 61 20
                                    

Pang-Akit ng Maynila: 26 ( Kay Lisa: part 3)

author: cloud9791

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

SPG content: This story posted in this page/website is for ADULTS only and may include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community please exit the page.

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------------------------

Ang Tourneyo ng mga Dhiyosa!!

AWAAAAAHHHHHH!!!! Ang malakas na sigawan ng mga tao sa buong koloseo!

"Ayan na! Ayan na mga manunuod!! Ang pinakahihintay na laban ng mga malalakas na

mandirigma!! Ang Tourneyo n!!!" Ang malakas na pahayag ng announcer

sa gitna ng dambuhalang putting ring!

"Damn... Didnt think it would be this noisy." Ang isang gwapong lalaking nakasuot ng

itim mahabang maitim coat. Tinakpan ng isang daliri ang kanyang kanang tenga.

"Yes Boss! Didnt think there would be colosseum this huge as well!!" Ang pag-sang

ayon naman ng isang dalagang natatakpan ng kanyang buhok ang kaliwang mata.

Si Astathrone Remiel!! Ang lider ng grupong Ghidora at ang isa sa kanyang matatapat na tauhan... Si Moroku!

"Weeew! Look at this crowd! Hundreds of thousands of human spectators huh!" Ang

isang seksing babaeng fit sa kanyang katawan ang itim na battle suit... Si Aya

Shikunoda!

Makikitang nakatayo ang tatlo sa bandang gitna ng stands. Isa sila sa mga manunuod muna ngayon, kasama ang libu-libong manunuod!

"No... Observe closely, there's a lot of non-humans in the stands." Si Natalia naman.

Napatingin naman si Aya sa paligid at nanlaki ang mata ng hot na babae. Sa mga mata ng isang normal na tao maaring hindi nya makikita ang tunay na kaanyuan ng isang kakaibang nilalang. Pero sa mga taong may kapangyarihan ng aura, makikita ang mga halimaw at mga kakaibang nilalang!

Pa-tingin-tingin pa sa paligid ang dating Mishring si Natalia. Napansin nya rin bakit andaming tao sa mundong ito na teritoryo ng isang makapangyarihang nilalang? Ibig sabihin normal nalang ang paroo't-parito ng mga tao?

Pagtingin nya sa isang parte ng koloseo, ang grupong kakapasok lang. Hindi nya kilala ang lalakeng nauuna sa grupo. Pero hindi maikakaila kilala nya ang isang maganda at matangkad na dalagang babae. Ang sinasabing pinaka-malakas na Mishrin sa kasaysayan... Si Irza Riabella Zarkhellias!!

She's in my bracket!! This is gonna be a bad!! Ang mga naiisip ng dating mishrin ranked #3. Hindi na sya makakasiguradong maka-abot sa semifinals!!

Sa grupo naman ni Adrian...

"I really think you should not have joined the tournament Adrian" Ang sabi ni Irza sa

binatang si Adrian.

"Okay lang. Nag-aalala lang ako sa inyo ni Kholette at Lili. Mukhang pinagbabantaan

kayo ng Mishrin e."

Napangiti nalang si Irza sa pag-aalala sa kanya ni Adran.. Hindi sya natatakot kahit sino pa man ipadala ng Mishrin sa kanya. Natatakot sya para kay Adrian at sumali ang binata sa paligsahan na ito.

"You were not this hard-headed before huh" Si Irza sabay kuskos sa buhok ni Adrian.

Nanlaki ang mga mata ni Irza. Matangkad sya, pero pakiramdam nya tumangkad ng kaunti ang binatang pinakamahalaga para sa kanya. Eto ba ang kapangyarihan ng mga Bampira? Napatingin sya sa dalagitang Reyna ng mga Bampira. Nakakatawang ngumiti ito sa kanya, sabay thumbs-up sign.

"Teka lang Kholette..."Si Adrian na namula sa hiya sa ginagawa sa kanya ni Irza.

"I'm not Kholette right now..."

"Ahahaha!! You still cant differentiate Irza and Kholette, Adrian?" Si Lili na halos

mapatumba sa kakatawa.

Mapapansing ang pag-iiba sa itsura ni Lili. Mas naging matigas na ang itsura nito. Nagpaiksi din ito kaunti ng buhok. Sa nakalipas na mga ilang linggo bago ang tournament, trinaining sya ng pinakamalakas na Mishrin sa kasaysayan!!

Hmmm... I think I'm ready! But looking at the matchups... Ang mga naiisip ni Lili. Tiningnan nya muli ang mga lineup ng labanan.

"Let's see... Irza against... Mai Shin Andel... " Ni-click ni Lili ang profile ni Mai.

Number 13 Mai Shin Andel... A Half-Chinese/half Korean warrior. Not much is known about her, but she is an efficient hunter of Supernatural beings. Still I wouldnt worry about her going against Irza.

Kahit pinipigilan ng pinakamalakas ang Aura. Nararamdaman pa rin ito ng lahat ng halimaw sa buong koloseo. Ang lakas ng isang Irza Riabella!! Pagpasok palang ng dating numero uno sa higanteng stadium ay nagsipag-tinginan na agad ang mga tao, halimaw at dating Mishrin!!

Now... now... Let's see who is Adrian's opponent. Emanuelle Jann! What's her rank? Hmmmm.... Ranked #22! Agad ni-click ni Lili sa tablet ang profile ng makakalaban ni Adrian nila. Sa mga nakalipas na training nila kasama si Irza. Maraming natutunan sa technique ng pakikipaglaban ang binata. Pero ang makakalaban ni Adrian ay nasa rank 20's. Hindi rin basta-basta ang mandirigmang nasa upper half!

"Hey what about me? Arent you gonna look up my opponent?" Ang singit-silip naman ni

Dresden sa tabi nya.

"You?" Si Lili na parang hindi masyado pinapansin ang bampira.

Bilang isa sa mga Tigabantay ni Queen Vladeria Artemitifiri... Ang lakas ni Dresden Neonheart ay pang Top 10!! Hindi sya masyadong nag-aalala para dito.

"Hmmmm... Wait. What about me? Who's my opponent?" Mabilis na nag scroll ang

dalaga sa kanyang tablet.

"Jill Anemone! Number 24 ranked Mishrin!" Si Lili.

An accompanist! But ranked highly on the former Mishrin organization! Mabilis na ni-click ni Lili ang makakalaban. Ang accompanist ng ranked # 2 Mishrin na si Renegald Dezerac.

She has many accomplishments! Even without her Mishrin, she's still has a formidable resume. One of the smartest and reliable Mishrin's around.

I gotta focus! I gotta be ready! Napapikit si Lili at parang nag-dadasal ng kanyang mantra.

Sa gitna ng stadium sa entablado. Papatapos na ang announcer. Pinalitan na ng isang seksing half succubus ang naunang lalaking announcer.

"SIMULAN NA!!! SIMULAN NA!!! SIMULAN NA!!!"Ang biglang hiyawan ng mga

libu-libong tao nanunuod.

"Kamusta na mga manunuod!! Ako ang inyong lingkod sa araw na to... Si Leila!!!"

"BOO!! TAMA NA YAN!! SIMULAN NA!!! SIMULAN NA!!! SIMULAN NA!!!" Ang

patuloy na hiyawan ng mga manunuod.

"Nag-aanounce lang naman po ang inyong lingkod... Pero hindi ko na po papatagalin.

Ang unang laban!! Ang unang kalahok... Sa kanan!!" Ang turo ni Leila sa kanang bahagi

ng stadium

"Si Gerzst Adolfo!!!!"

"EYAAAAAHHHH!!!!" Ang malakas na hiyawan ng mga crowd!!

"Sa kaliwa naman... si Bloody Miriam!!"

Mula sa kaliwa nga ay lumabas ang isang nakakatakot na babae. Ang itsura nito ay parang isang kakaibang nilalang na galing sa masamang panaginip!!

"Sino ang mananalo!!? Sisimulan na po natin ang unang laban!!Si GERZT ADOLFO
laban kay BLOODY MARY!!!"

"Gerzst!!" Si Asthathrone ng Ghidora na halatang nagulat.

"I thought he went missing" Si Natalia na halatang nalilito ng kaunti.

Makikitang may kasa-kasama ang dating number 1 ranked Mishrin.

"Gerzst huh..." Si Renegald naman ang pang ranked number 2 na Mishrin.

"He seems kinda different..." Ang sabi naman ng kata-katabi nyang dalaga na si Jill

Anemone.

Suot-suot ni Gerzt ang isang mahabang kapa parang luma na. Sa bandang may kanan nun, mahahalatang may bakat na anyo ng isang nilalang ang andun.

"Hmmm... The thirst for blood in his eyes are gone." Ang seryosong obserba ng lider ng

Ghidora.

Ang itsura ni Gerzst ay parang isang mamang matagal na hindi nag-aahit. Kapansin-pansin ang pagka-haba ng buhok nito kesa sa dati.

Nang hanginin ang mahabang kapa ng dating numero uno, nakita ng lahat ang nakatago-tago dun. Isang batang babae!! Akap-akap ng bata ang binti ng lalaking kilala sa tawag na Thunder Ghod!!

LABAN NA!! LABAN NA!! LABAN NA!!! Ang hiyawan ng mga manunuod. Halatang sabik na sa unang laban!

Saglit na kinausap ni Gerzst ang batang babaeng kasama na mukhang umiiyak. Dun lang bumitaw sa pagkakayap sa binata ang bata. Itinuro pa ni Gerzst sa bata kung saan pupunta. Cute na tumakbo ang batang babae papunta run sa may hallway. Ilang segundo rin bago nakarating dun ang bata sa lawak ng field. Mas malaki pa ang buong koloseum sa isang football stadium!

Hanggan sa umakyat na sa ring na kaylaki rin, ang dating number 1 ranked Mishrin! Maririnig ang pagkasabik ng mga tao sa unang laban ng tourneyo!! Si Bloody Miriam ay nauna nang umakyat ng stage ng paglala

"Alam nyo na siguro ang patakaran mga kalahok? Sinabi na sainyo to bago kayo sumali

hindi ba?"

Tumango lang si Gerzt bilang pag-sang ayun.

"HAHAHAHA! The famous Thunder Ghod! Have you finally come to your death?" Ang

pahayag ng nag-aantay na babae sa

"Bloody Miriam.... A Class Superior Supernatural being! One of the 3 Bloody sisters. A

Supernatural force to be reckoned with! Has long been wanted by the Mishrin but has not

been captured or erased yet." Si Natalia.

"First fight and it's already the heavyweights! Lets see how the former number 1 will fare

against this Supernatural force." Ang napangiting si Throne.

Napatuon ang mga manunuod sa maglalaban! Kilala kapwa ang dalawang magkatunggali! Si Gerzst na may hawak ng isa sa mga Ghod-tier power amulets! Ang dating number 1 ranked na Mishrin! Laban sa isang kilalang masamang kakaibang nilalang... Si Bloody Miriam! Hindi na mabilang ang taong pinaslang ng halimaw na ito!! Malaki na ang perang nakapatong sa ulo ng kakaibang nilalang na ito!

"AAAAHHEHEHEHEHEHEHE!!!" Ang malakas na tili na tawa ni Bloody Miriam ng

umatake ito.

TEEEGOOOOOWWWSSSHHH!!! Nang parang isang multong mabilis lumipad sa ere

ang halimaw para atakihin si Gerzst!!

Matamang nanuod ang lahat ng mga tao at kakaibang nilalang na nasa crowd. Maging si Irza ay napatuon ang mga mata sa panunuod at ang kanyang mga kasama. Napatingin si Gerzst sa dating nakalaban. Walang iba kundi si Irza Riabella Zarkhellias! Ang babaeng nagpababa sa kanyang mga paa, pabalik sa lupa!

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------------------------

Bumalik sa alaala ni Gerzst ang mga nangyari...

Naalala pa nya nung sinugod nya ng buong pwersa si Irza Riabella Zarkhellias nuon!! Hindi na nya masyadong matandaan, pero nasa kanyang level 3 na ata sya ng kanyang Agimat.

TEGOOWSSHHH!!! GOOWSHHH!!!GOOWSHHH!!!GOOWSHHH!!! Ang

malakas na tunog ng tamaan sya ng isang maka-gimbal na counter-attack ni Irza! Oh wait!? Was is another girl? Nymphomania?? Or Irza?

Tumama ito sa kanyang sikmura, lumagpas maging sa kanyang baluti na gawa sa kuryente ng kidlat.

"URRRRK!!" Nang mapaluwa sya ng dugo. Ang sakit ng nadama nya nuon ay una para sa

buong buhay nya sa daigdig ng pakikipaglaban!!

Halos panawan sya ng ulirat!! Pakiramdaman nya ay sumabog na ata ang mga baga nya at buto sa tagiliran!! Wala na sya halos makita habang sumasagitsit sya sa ere!!!

Nagkamalay nalang siya nakahiga na sya. Pagtingin nya sa kisame ay isang hindi sya pamilyar. Inatake sya ng pag-panic! Nang tangkain nyang umupo...

"AAAAHAHHHHHH!!!" Ang atungal nya sa sakit.

Duon nya napansin lumapit sa kanya ang isang babaeng hindi nya kilala.

"Higa ka lang... "

"Who are you!?"

"Sarah..."

"Where am I?"

"Relaks ka lang, Malala ang kalagayan mo"

"Dont touch me!" Nang lilinisan ng babae ang kanyang katawan.

"Wag ka..."

Nang tinabig niya ng kanyang kaliwang kamay ang kamay ng babae... Tumalsik ang hawak nitong palanggan at bimpo.

"Sige kung yang ang gusto mo... Mabubulok yang sugat mo..."Ang babaeng tumalikod para

umalis.

Parang may tumimo sa kanyang katauhan sa ginawa ng babae. Ni hindi man lang ito naggalit. Ramdam nya ang kabaitan nito. Hindi nga lang sya sanay na may naglilingkod sa kanya ng walang bayad!! Sa kanyang mala-mansyon na bahay ay marami syang mga utusan. Pero alam nya sumusunod lamang itong mga ito dahil sa takot sa kanya at pera!

Muli nyang tiningnan ang babae... Mukha itong Filipina sa itsura. Pati sa pagsasalita... Tagalog ang lengwahe. Malamang at nakaharap nya ang grupo nila Irza sa Pilipinas. Kayumanggi ang balat nito at may kagandahang taglay. Suot lang nito ang isang sando at lumang shorts na hanggan tuhod.

May tumunog sa kanyang bandang kanan. Pagtingin nya... Isang batang babae!

"Ita-Itayy? Ka-kain itay" Ang bata na may inaabot sa kanyang pagkaing nababalot sa kung

anong dahon na hindi sya pamilyar.

"Get away from me you wench!" Hiyaw nya.

"Sorry Itay... Sorry po..."

"Pasensya ka na... Namimiss lang nya ang kanyang amah..." Ang babaeng nangangalang

si Sarah sabay buhat sa bata.

Naiintindihan naman nya ang lengwahe nito. Isa ito sa mga kasama sa training ng Mishrin at naipapadala sila iba ibang sulok ng mundo. Lumingon pa sya sa paligid, mukhang gawa sa kahoy ang hindi kalakihang bahay.

"Tatay... Tatayy..." Ang tawag pa rin sa kanya ng batang babae habang inaalo-alo ito ng ina

ata nito sa maliit na upuan na gawa rin sa kahoy.

How poor and unsightly... Ang mga pumasok sa isip ni Gerzst. Lubhang natutunan na ng kanyang pagkatao ang maging mapag-mata sa kapwa at manghinawa sa mga mahihina. Nakita nalang nyang naglakad ang babae, papalabas ng bahay sa kung saan sya nakahiga.

"Kukuha lang ako ng tubig... Maghintay ka lang dyan" Ang sabi sa kanya ng babae.

Walang bakas ng galit o anuman sa mukha ng babae sa ginawa nya. Kahit kaunti naman ay pumasok na guilt sa kanyang puso. Bakit nga ba!? Me Gerzst... Feeling guilty?!?

"Tatay! TATAY!! Ahuhuhu!!!"

Pagtingin nya uli sa may bandang kanan nya nakayakap na kanang braso nya ang batang babae! Inikiskis ang mukha nito sa kanyang braso. Nababasa tuloy ng luha ang braso nya!! Sumulak ang galit sa puso niya!! Ayaw na ayaw nyang mahahawakan ng kahit sinong tao!! Lalo na at isang bata!!!

Papa-sapok na ang kaliwang kamay nya sa ulo ng bata, nang mapansin nya ang isang litrato sa may sala. Isang pamilya ng tatlo! Andun si Sarah, ang bata at amah ata nito! Filipino ito hindi sya nagkakamali, pero malaki ang hawig nya sa lalaki!!

Natigilan si Gerzst. Hindi na nya maggawang sapukin ang batang babae. Iyak ito ng iyak sa tabi nya. Inilayo na lamang nya ang kanyang mukha mula sa bata sa pandidiri. Hindi sya sanay sa ganito!

"A-anak!! Tigilan mo yan!" Si Sarah sa may bungad ng pinto.

Napansin ni Gerzst na buhat-buhat ng babae ang isang malaking balde ng tubig. Ibinuhos nito ang tubig na laman sa isang tapayan ng tubig. Pagkatapos nuon ay mabilis na muling kinuha ng babae ang kanyang anak palayo sa kanya.

Ganito ang mga pangyayari sa araw-araw. Tuwing magga-gabi ay pinupunasan sya ng babae bago matulog. Sya ang inuuna ng babae punasan ng katawan bago ang kanyang anak. Araw-araw buhat-buhat ng babae ang isang malaking balde para punasan lang sya. Nalaman lang nya kalaunan na malayo pa pala ang pinag-iigiban ng tubig mula sa bahay ng mag-ina!

Isang araw paggising nya...

"Huh!!" Natagpuan nalang nyang napaupo sya.

Mukhang bumabalik na ang kanyang lakas! Kakaunti nalang ang sakit na nararamdaman nya! Nang maka-pihit sya para makatayo...

"AHHHHH!!" Si Gerzst pagtapak ng kanyang kanang paa kawayan ding sahig.

Napahawak sya sa walang pang-itaas na katawan nya. Andun nakabalot ang ilang ikot ng benda. Malinis ito mukhang bagong palit. Masakit pa rin kung saan nya napipisil sa tagiliran nya. Naalala na naman nya si Irza!!

"That Damn..."

"Tatay?"

Napatingin si Gerzst sa pinanggalingan ng boses... Ang batang babae na naman. Sa mag-iilang linggo na nyang nakatira sa bahay na ito. Nalaman na rin nya ang pangalan ng bata... Si Nancy.

"Stay away from me you..." Sasabihin sana nya ay pest. Pero nitong mga nakaraang araw

ay... Hahawakan sana nya ang ulo ng bata nang...

"Gising ka na pala? Mukhang okay ka na ah." Ni Sarah.

Natigilan si Gerzst. Nahihiyang itinago ang kanyang kamay.

"Halika na... Handa na ang almusal..."

"Tha..." Pasalamat sana ang sasabihin nya.

"Tatay... Kain na!"

Dahan-dahang lumakad sya papunta sa maliit na hapag-kainan ng mag-ina. Eto ang unang pagkakataon na nadala nya ang katawan nya ng sya lang. Araw-araw si Sarah ang umaalalay sa kanya. Ang kanyang masamang puso ay kusang...

"Tatay oh!" Ang tawag sa kanya ni Nancy ng makaupo sya.

Hawak-hawak ng bata ang isang piraso ng tinapay na tinatawag nila dito na pandesal. Araw-araw ganito ang eksena. Pilit syang pinapakain ng bata. Pero pilit pa rin sya tumatanggi sa tawag ng kanyang puso... Hanggan sa kusang kumilos ang kanyang katawan... Ngumanga sya at isusubo na sana ang kapirasong tinapay nang... Muling nangibabaw ang ugali ng dating Gerzst...

"Stupid..."

Hanggan sa napatingin sya kay Sarah. Kumabog ang konsensya sa kanyang puso.

"How old is she? She seems to child-like but she looks older maybe 9 or 10?" Tanong ni Gerzst.

"Dose anyos na sya... Pero ganyan pa rin sya..." Ang naging malungkot na tugon ni Sarah.

Can it be? Autism or just late development? Ang mga pumasok sa isip ni Gerzst.

Tumingin muli sya sa batang babae. Nakatingin ito sa itaas ng ere na tila may nakikita. Ang mga kamay nito tila parang may nilalaro sa ere. Awa? Ano itong nararamdaman nya. Ang mga naiisip ni Gerzst. Hanggan sa mapansin ng batang babae na nakatingin sya dito...

"Tatay oh? Gusto mo tatay?" Muling abot nito ng tinapay mula sa lamesa at pilit sya pinapakain.

"Sniift... Sayo lang sya ganyan..." Si Sarah...

Nakita nya tumutulo ang luha ng dalaga na uling ina ng bata.

"Alam ko gagaling pa si Nancy..."Ang matipid na ngiti ng pag-asa nito.

NO. This kind of state does not go away. Sa isip ni Gerzst. Hindi na kailanman gagaling pa ang bata. Kahit paano'y naawa sya sa bata. Kaya galit sya sa sinasabing may-likha ng lahat! Naalala nya ang sariling malupit na kabataan.

"Sandali lang... Papaliguan ko lang si Nancy..." Ang naunang tumayo na si Sarah.

"O-Okay..."

"Nancy anak... Parine ka..."

"Tatay??"

"Balik din tayo kay Tatay anak."

Nang tumango si Gerzst... Dun lang sumunod ang bata papunta sa kanyang ina.

" Salamat..." Si Sarah.

Nakita nya ang mag-ina magkahawak ang kamay naglalakad papunta sa may hagdan para bumaba.

Dont attach yourself with them Gerzst. They are slaves! They are nothing! Get well... Get up and get the hell out of this poor village!! Ang bulong sa kanya ng kanyang masamang parte.

"Hindi na! Hinding hindi na ako babalik!!" Ang narinig nyang sigaw ni Sarah sa labas.

Napilitan syang kumilos patayo. Masakit pa rin ang kanyang buong katawan pero nakakaramdam sya ng panganib!! Dun muling lumaylay sa kanyang may dibdib ang kanyang Anting!! Ang Power Amulet nyng Kidlat at Kulog!!

"Hindi nako pwede bumalik! Hayaan nyo na ako! Hindi ko maaring iwan si Nancy!" Ang tila

nagpapaliwanag na si Sarah.

Nakita ni Gerzt kausap ni Sarah ang limang tao. Tatlong lalake at dalawang babae. May mga hawak na mahahabang armas! Pilit nyang inaalala kung anong tipo ang mga iyun...

"PWES! Kung ganon kelangan mo nang manahimik!" Ang banta ng isang lalakeng may bigote.

"Saglit lang Ka Gani! Hindi ba natin pwedeng hayaan nalang natin si Ka Sara?" Ang pigil ng

isang babae naman.

"Maawa kayo mga kasama... May diperensya ang anak ko. Namatay na asawa ko sa

pakikipaglaban. Inalay nya ang buhay nya sa samahan! Pwede ba hiyaan nyo na kame ng

anak ko!" Ang pagmamakaawa ni Sarah.

Nakaluhod ito at yakap-yakap ang anak. Nanatiling nakangiti pa rin ang bata. Tila walang alam sa mga susunod na pangyayari.

"Hinde... Marami na syang nalalaman." Ang sabi ng isa pang lalake.

Muling itinaas ni Ka Gani ang hawak na armas at," Pwes magsama kayo ng anak mo!"

Nanlaki ang mga mata ni Gerzst! Kelangan nyang kumilos!! Alam na nya ang balak ng mga kalalakihan!!

Move it Gerzst!! They will die!!

Let them die!! Who are they to you anyway!?

TURURURURURURURUTTT!!! Ang sunod-sunod na putok ng mga baril!!

"WAAAAG!!!" Ang maka-piglas tenga na hiyaw ni Sarah na umalingaw-ngaw sa kagubatan!!

Natagpuan nalang ni Gerzst na hawak-hawak nya ang mag-ina sa kanyang mga bisig!!

Nanlaki ang mga mata ng mga armadong tao sa nasaksihan!! Hindi nila alam kung paanong si Sarah at ang batang si Nancy ay nandun na sa hindi kalayuan!

"ANAAKKK!! NANCYY!! ANAK!! " Ang panaghoy ni Sarah.

Nakita nalang ni Gerzt na tumutulo ang dugo sa lupa!! Saan ito nanggagaling!?? Ang mainit na dugo ay galing kay... KAY NANCY!!! Pilit nya pinakinggan ang tibok ng puso ng bata! Saan-saan kaya ito tinamaan!?? Naramdaman nya desperado sya!!

Nagliwanag ang mga mata ni Gerszst!! Nanlisik ang mga mata sa galit! Paglingon nya sa mga armadong tao, ganun na lamang ang hintakot ng mga yun!!

TEEGEESSCCHTT!!! Ang sagitsit ng kuryente sa kamay ng lalaking tinaguriang Thunder

Ghod!! Naglilisik sa galit ang dating tinaguriang pinakamalakas na Mishrin!!

Biglang nagsitakbuhan ang mga may-sala sa sinapit ni Nancy! Ilalabas na sana ni Gerzst ang galit nang...

"UHU!! UHU!!" Ang ubo ng isang munting tinig.

"Oh my Ghod!! Nancy!? NANCY!! Are you okay!? Gising ka na please!!" Ang tawag ni Gerzst

sa bata.

"Nancy!! NANCY ANAK!! Lumaban ka! Gumising ka!" Ang halos mabaliw-baliw naman na

si Sarah.

"Oh please God! If someone really is there... Please help this little Girl!! If you could just let

her live. I promise I will take care of them! I will change!! I promise I will change!!!" Si Gerzt

na nakatingala sa langit!!

In my whole life I never prayed not even once! But just for this little girl... I would do anything!!

"Tatay?? Tatay??"

"OH MY GHOD!! Nancy!! THANK YOU!! THANK YOU!!" Si Gerzst na parang nabunutan ng

tinik sa lalamunan.

Niyakap nya ang bata ng buong pag-iingat! Hindi pala nya kayang mawala sa kanya ang bata. Pagtingin nya sa mukha ni Sarah... Kapwa mahalaga na pala para sa kanya ang dalawang taong ito!

"Itay... Sugat oh... Sugat ko..." Ang turo ng bata sa may munting braso nito. Duon ay daplis

ito ng bala.

"Dadalhin ka namin ni Nanay sa ospital anak ha. Papagalingin ka muna ni Tatay!"

Itinuro ni Gerzst ang hintuturo sa may sugat ng batang babae at... TEEGEEST!! Ang maliit at mahinang linya ng kuryente mula sa daliri nya na tumama sa sugat ng bata. Dun pansamantalang nagsara ang mahabang hiwa ng daplis ng bala!

Nagkatinginan si Sarah at Gerzst. Tila nag-aalangan ang babae sa narinig nito mula kay Gerzst. Dun niyakap parehas ng dating salbaheng Mishrin ang dalawang pinakamahalagang babae ngayon sa buhay nya!!

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------------------------

Balik Sa Torneyo...

SHEEGSHH!!! SHEEGSSH!!! SHEEEGSSHH!! SHEEGSSHH!!! Ang sunod-sunod na atake

ng Bloody Miriam kay Gerzst!!

Ang katawan ng Supernatural force na si Bloody Miriam ay tila humaba ang katawan nito... Pati ang mga kamay nito ay huamahaba para atakihin ang Thunder Ghod!! Sa magkabilang kamay ay may hawak kapwa ang mga ito ng matatalim at makinang na mga kutsilyo!!

DEESSHHTT!! DEESCCHHTT!!! DEESSCHHHTT! Ang mga tunog naman ng bawat

matutulin na pag-ilag ng dating numero unong Mishrin na si Gerzst!!

SHEEGSHH!!! SHEEGSSH!!! SHEEEGSSHH!! SHEEGSSHH!! SHAAGG!! SHAAGG!!

SHAAGG!!! Ang mga patuloy na mabibilis na atake ni Bloody Miriam!

Bawat atake ng Supernatural killer force na ito ay baon sa ilalim ng matibay na entabladong gawa sa makapal na solidong bato!! SHAAGG!! SHAAGG!! SHAAGG!!!

Mabilis ang mga atake ng Bloody Miriam! Isa sa mga malalakas na halimaw na may klasipikasyon ng Class Superior! Masasabing bihira lang ang mga halimaw na may ganitong rating! At isa na dun si Bloody Miriam! Sinasabing mas malupit pa to sa orihinal na Bloody Killer na si Bloody Mary!! Pero ito ngayon hindi ito makatama sa lalaking may kapangyarihan ng kulog at kidlat! Si Gerzst Adolfo!!

Sa kabilang parte ng koloseo andun ang grupo nila Romeo! Naka-akbay si Romeo kay Jasmine. Suot ni Romeo ang isang simpleng t-shirt at maong pants. Ang kagandahan ni Jasmine sa isang simpleng light blue na dress ay kumikinang sa buong koloseo! Ang init at kaseksihan naman ni Rachel ay nang-aakit sa suot na shorts at sandong blue! Astig naman si Richard sa suot na maluwang na sando at maong na shorts! Kasama si Nia na parang isang kandidata ng Miss Universe at si Herberto sa isang simpleng basketball sando at shorts.

"They maybe one of the most powerful groups in the arena huh" Turo ni Natalia sa grupo

nila Romeo.

Romeo with the powers of the dark and holy aura! His power increased exponentially after they were gone! Then There's Richard... He now epitomizes the powers of his power amulet into his own... The power of the Fire and Flame! Nia Wohlenger... Holy Aura Supreme with her Holy Arms... The Magellia! Then there's that unknown girl(referring to Rachel) I can feel her dark powers rivals the top ten Mishrin! Lastly but definitely not the least... Jasmine!! Quite possibly one of the most strongest Supernatural being in the world today!!

"Maybe... But I wouldnt take out Adrian and his group. They have the Strongest Mishrin in

history, Irza Riabella Zarkhellias!! The Queen of the vampires... Vladeria Artemtifiri and

two Guardian class vampires..." Ang sagot naman ni Throne sa ka-grupo.

"I would not bet against Ghidora myself..." Singit naman ni Claire.

"Hehe Right!" Ang ngiti ni Throne.

Why bet against Ghidora? They have one of the strongest lineups around!!

Asthathrone a former number 1 Mishrin! All number ones are strong!! Then Natalia former rank number 3 they say has not been beaten yet! Aya Shikunoda formidable opponent with Alegors! The rare white-silver haired werewolf Yorren, the strongest werewolf in the world! Jozhiro one of the strongest samurai's in the world!! Close combat specialist Ripper and me!! We will win this tournament!! Ang sabi ni Claire sa sarili!

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

Balik sa grupo nila Romeo... Si Nia Wohlenger habang pinapanuod ang pagpasok ni Gerzst...

"He being a former number 1 is not just for show. He's facing a Supernatural force that all

Mishrin's sent to hunt it, has failed!" Ang obserbasyon ng isang kaygandang babaeng

nakatayo sa may bandang likuran ng grupo... Si Nia Wohlenger!

Bago pa makatama ang mga kustsilyo ng kakaibang nilalang... Nakailag na agad ang Thunder Ghod!!

"STAY STILL GERZST!!! Are you really that afraid of me!?" Ang hiyaw ng isang napipikon ng Kakaibang nilalang!

"Ang galiing ng laban mga manunuod!! Matindi ang mga atake ng magkatunggaling si Bloody

Miriam! Pero hindi ito makatama kay Gerzst ADolfo!!"Ang malakas na boses ng announcer na

isang lalaking may hawak ng mic kanina sa entablado!

"Why is he not attacking though Miss Nia?"Tanong ni Herberto.

"I dunno... Hehehe" Si Nia na maganda pa rin kahit naka bungisngis.

"But Miss Nia... Who do you think is faster? Jasmine or Gerzst?" Tanong ni Herberto sa

"Hmmm... That's a hard question... Speed per se I would say Gerzst with the power of

lightning. But when it comes to accelaration and power... I would take Jasmine." Si Nia

sabay tingin kay Jasmine.

Sa loob-loob ng dalagang Mishrin. Gusto nya sanang ipagpatuloy ang laban nila ni Jasmine. Pero ang isa pa nyang mahigpit na karibal na nananatiling buhay pa pala ay walang iba kundi si... Crystallia!!

Dun lang sa may frontrow direkta sa tapat nila ang kanyang huling nakalaban bago sila sumakabilang-buhay!! Alam nya parehas silang nabawian ng buhay, pero bakit andito ito ngayon sa kanilang harapan!?

Napa-kapit si Nia sa hawakan ng kanyang espada ang kanan nyang kamay! Kung pupwede lang ay sugurin na nya ito ngayon at tapusin na ang buhay nito!! Pero isa pang nilalang ang labis na nagpapagalit sa kanya. Ito ay walang iba kundi si Vladeria!! Ang reyna ng mga bampirang kumatay sa kanyang pamilya, ilang taon na ang nakararaan!

Alam nya sinabi na sakanya ni Herberto na ang Vladeriang nasa harapan nya ngayon ay hindi na ang Vladeriang nakaharap nya dati. Ang mas batang Vladeria ngayon sa harapan nila ay isa lamang reincarnation!! Hindi maaring mawalan sa mundo ng isang Reyna ng mga Bampira. Matapos itong mawalan ng buhay sa harap ng Maria ng Kadiliman. Muli itong nabuhay, dangan nga lamang at iba na ang katauhang nasa isip at diwa nito!

Hanggan sa muling nagbalik ang malay nila sa naglalabang dalawang malakas sa harapan nila. Si Gerzst laban sa halimaw na si Bloody Miriam!

"It seems like you're not getting serious over our fight Gerzst!" Ang malakas na boses

ng Supernatural force.

Saglit na tumigil sa pag-atake ang isa sa mga Bloody Sisters. Inilipat ang tingin mula kay Gerzst, papunta sa batang kasa-kasama nito!

"Let me get your attention by doing this!!" Ang masamang titig ng halimaw sa anak ni Gerzst. Sabay dalawang kamay na umatake, puntirya si Nancy!!

"DIEE!!!" Ang hiyaw ng Bloody Miriam!

"h NO!! She's attacking the child!!" Hiyaw naman ni Nia.

"Tatay...." Ang tawag ng bata sa kanyang amah.

"WAG!!" Ang hiyaw sa tagalog ni Gerzst!!

Walang ibang taong malapit sa bata para iligtas ito. Kundi ang isa lamang usherette na nagtitinda ng mga chichirya.

"TSHUUUWEEEEE!!!!" Ang sagitisit sa hangin ng mabilis na pag-atake ng Bloody Miriam sa anak ni Gerzst!!

BAAAWWWSSHHH!!! Nang tumama sa kanyang marka ang matulis na kutsilyo ni Bloody

Miriam!

"NO!! The Child!!" Ang ganun nalang na pag-aalala ni Nia.

These monster!! They really can't be trusted!! You gotta kill all of them!! Sabay muling tumingin sa dalagang si Vladeria Artemitifiri!

Nagsitayuan ang manunuod. Natatakpan ng usok ang isa sa mga entrance papasok ng koloseum kung saan andun ang bata!!

"FUCK!!" Ang galit ni Throne!

Galit din ang iba pang kasama ni Throne sa Ghidora! Hawak na ni Natalia ang kanyang Holy Arms para puntiryahin sana si Bloody Miriam, ngunit ang pakikialam ay bawal na bawal sa mga rules!

"HEEHEEHEE!!! That's just right for you for ignoring me!!" Nang biglang nakaramdam ng

hilakbot si Bloody Miriamsa kanyang halimaw na puso.

Sa gilid ng kanyang paningin. Nakita nya ang sama ng tingin sa kanya ni Irza!! Nanginig ang kanyang halimaw na laman!!

"Aha-Aha... Ahahaha!" Ang pilit na lang pinapatawa ni Bloody Miriam ang sarili kesa

pakita ang takot sa sinasabing pinakamalakas na Mishrin sa lahat ng mandirigma nito!

Hanggan sa unti-unting luminaw ang usok... Ligtas ang bata!!

"What the hell is happening!? I'm sure I've hit her!?" Si Bloody Miriam.

TEEEYEEEZZZZZTTTT!!!! Ang malakas na tunog ng pagkisap ng kaylakas ng boltahe ng

kuryente!!

Si Gerzst!! Tinabig nito ang kanang humabang braso ng halimaw! Dahilan para mapalihis ang puntirya ng halimaw na si Bloody Miriam!!

"That's the Lightning amulet's second level!!!" Ang namanghang si Throne!

Ang buong katawan ngayon ni Gerzst ay tila isang buhay ng kuryente at kidlat!! Kahit ilang beses na nya itong nakita ay nakakamangha pa rin talaga ang isang taong naging anyo ay purong kuryente!!

"That's like your power amulet huh Richard..." Kausap ni Nia kay Richard.

"Oo... Parang ganun din ang kakayahan ng anting ko." Pag-sang ayun ng binatang may

kapangyarihan ng apoy.

Tulad din talaga ito ng kanyang agimat. Pumasok sa isip ng binata kung ano kayang mangyayari kung magkaharap sila dalawa na kapwa may kapangyarihan ng mga Anting? Pero ang talagang gustong makalaban ni Richard ay iisa lang. Yun ang kanyang mahigpit na karibal! Walang iba kundi si Romeo!!

Nasulyapan pa nya, nagkakatawanan si Romeo at Jasmin sa di-kalayuan sa grupo nila. Sa loob nya, tanggap naman nya na naangkin na ng karibal ang kanyang unang pag-ibig. Pero hindi pa rin talaga maka-move on ang isip at lalong-lalo na ang puso nya sa pagmamahal sa kababata!!!

Pagnakalaban ko si Romeo... Papakita ko sayo Jasmine kung sino ang mas karapat-dapat!! Ilalampaso ko ang mukha ng Manila Bhoy na yan sa harap mo mismo!!

Balik sa stage...

Makikita ang galit na galit na Gerzst ngayon sa harapan ni Bloody Miriam.

"Ikaw... Dinadamay mo pa talaga ang bata!!!" Kitang-kita mula sa pagiging malumanay kanina, ay gigil na sa galit ngayon ang Thunder Ghod!!

"Why!? I thought you were heartless Gerzst? But that's also your fault for ignoring me!! I

would gladly do it again!! AHAHAHAHA!! HAAHAAHAAHAAAA!!!" Ang malakas na

halakhak ng halimaw na nilalang!!

Hiyawan ang maraming halimaw na manunuod!! "TAPUSIN!! TAPUSIN SI GERZST!!

TAPUSIN SI GERZST!!"

"Only one fighter will die here and it's not Gerzst..." Ang maiksing ngiti ni Throne.

"Thunder strike one... Lightning from above!!!" Hiyaw ni Gerzst!

TAGGGEEEWWSSSHHHH!! KEEZEEETT!!! Ang malakas na tunog ng isang matalim na kidlat na kayliwanag ang biglang tumama kay Bloody Miriam!!

"HYAAAAHHH!!!" Ang hiyaw ni Bloody Miriam!!

Halos walang makita ang lahat sa tindi ng liwanag mula sa kidlat na atake ni Gerzst kay Bloody Miriam!! KRRROOOOMMM!! Ang kasunod pa na kulog mula kidlat na pinang-atake ni Gerzst!!

"That's really something!!" Si Mirania naman. Ang dating rank #3 na Mishrin bago mawala ang organizasyon!

Si Mirania ang babaeng may bibihirang Aura na Earth Manipulation!! Kasama ang kanyang Mythical Arms na beast type... Si Bitsly!!

Nang papa-wala na ang silaw ng liwanag. Tila ang anyo na natira sa gitna ng entablado ay ang tustado ng katawan ni Bloody Miriam!! Naglalakad na papalayo sa gitna ang dating rank #1 na Mishrin na si Gerzst Adolfo.

"Mukhang tapos na po ang laban mga manunuod!! Hindi na po kumikilos si Bloody Miriam!" Ang seksing announcer na si Leila sa gitna ng stage.

ANO!! WALANG KWENTA KA!! PINATALO MO ANG PUSTA NAMIN MIRIAM SALOT!!"

Ang ilan lang sa mga hiyawan ng crowd!

"I-aannounce ko na po ang nanalo! Bukod sa pagsuko... Ay kinukonsidera ring tapos na

ang laban pag hindi na gumagalaw o patay na ang mga kalahok! Ang nanalo si..."

Nakataas na ang kamay ni Leila.

Nang mula sa tustado ng katawan ni Bloody Miriam...

TEEEGEEEWWWW!!! Ang mabilis na humabang kamay na may hawak na mahabang patalim... Puntirya ay ang isa sa mga manunuod!

SHHHEEEEEEE!!! Ang pagsulak ng dugo... Mula sa isang manunuod na natusok sa ulo ng

kutsilyong iyon!!

EYAAAAAHHHH!!! Ang hiyawan ng mga tao ng makita nalang nilang patay ang isa sa mga sumigaw kanina laban kay Bloody Miriam.

Ang mga katabing tao at halimaw nung biktima ay nabahiran ng dugo!! Patay ang isang taong mataba sa stands!!

"Disrespectful ants! That's what you get!" Ang lumabas na mukha mula sa labanan... Si Bloody

Miriam!!

"Weew... She took the brunch of that power lightning head on and seems like nothing

happened!" Si Throne.

Class Superior monsters! They really are something! Ang namanghang si Natalia.

"Pe-pwede ba yun?"Ang tanong naman ni Romeo sa kanyang mga ka-grupo.

"Wala sya sa pinagbabawal." Sagot ni Herberto na may binabasang maliit na bookleto.

"And there are judges... See." Turo ni Nia sa isang espesyal na pwesto sa may bandang taas.

Katabi nun ang isa pang ispesyal na box... Kapansin-pansin ang tila mala-dhiosang kagandahang anduruon.

Ang mga Maria!!? Ang nanlaking mga mata ni Romeo.

"HEEHEE!! You can't beat me with lightning Gerzst. Get to your level 4 and we will see!" Ang pagmamayabang ni Bloody miriam.

Naging seryoso ang mukha ni Gerzst... Sabay napangiti...

"That's why I hanged on to this..." Itinaas ni Gerzst ang kanyang kanang kamay at...

Mula sa kalayuan... Mabilis na pumailanlang ang isang mahabang bagay!!

SHEEENNNG!!! Nang mahawakan ng kanang kamay ni Gerzst ang matulin na bagay!!


"The Longinus Spear
!!!" Ang buntong-hininga ng halos lahat ng Mishrin sa paligid.

The Holy Arms that kills Evil Supernaturals beings!!

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------------------------

Sa Condo ni Adrian...

Masayang naglilinis si Maricel sa kwarto ni Adrian. Tulad ng isang bulaklak na bagong dilig. Magaan ang mga hakbang ng dalaga. Naalala pa nya ang pakiramdam ng paglunoy nila ni Adrian sa luto ng dhiyos! Masarap! Lalo pag mahal mo ang lalaking aangkin sayo...

Habang pinapalitan ng bagong punda ang unan ng binata. Inamoy-amoy pa ng dalaga ang pinalitang sapin. Lihim na kinilig sa naamoy na manggagaling lamang sa kanyang iniibig na lalaki.

Nang tumunog ang doorbell ng unit ni Adrian...

"Maricel ANAK! Ikaw na nga ang magbukas at hindi ko maiwan itong niluluto ko!" Hiyaw ng nanay ni Maricel mula sa kusina.

Mabilis na tumalima ang dalagang umiibig. Lalong gumanda ang dalaga sa karanasan. Blooming ika nga! Hindi na naisipang sumilip sa maliit na butas.

Baka si Kuya Adrian na to!! Ang hiyaw sa isip sa tuwa ng dalaga.

Pagbukas ng pinto ng dalaga...

"Tiyo KADYO!!?" Ang nahintakutang dalaga.

"OY! Buti kilala mo pa pala ako!?" Ang pamilyar na malibog na ngisi ng kanyang amain.

"Sino yan anak?" Ang silip naman ng nanay nya.

"Lorna babes! Kamusta ka na! Gumaganda kayo ah! Ampuputi nyo na! Makinis! Namiss ko

kayong dalawa ah! Pagsabayin... Hehehe"

Itutuloy...

© 2020 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

--------------------------------------------------------------------------

Pang-Akit ng MaynilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon