Pang-Akit ng Maynila: 39 (Kay Lisa: part 16)
author: cloud9791
SPG content: This story posted in this page/website is for ADULTS only and may include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community, please exit the page.
Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.
© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
-------------------------------------------------------------------
Kay Steff...
NAawa ako sa kaibigan ko. Buhat-buhat sya ni Zel, pero ang inaala nya pa rin ay ang agaw buhay na si Teddy.
"Huhuhuh... Teddy..." Ang iyak ni Lisa.
Nang may mapansin ako dumadaloy na luha mula gilid ng mga mata nya. Nahintakutan ako ng makita ko ang luha ng kaibigan ko. May kasamang dugo!!
"SHIT!! Lisa!!" Agad ako naghagilap nang maipupunas kay Lisa.
Nakita ko kung paanong malukot ang mukha ni Zel, Don at Ayana nang makita ang kalagayan ni Lisa. Halos manginig ang mga kamay ko pagtingin ko uli sa panyo. Kayraming dugo!!
"Lisa... Tama na... Huhu..." Ang naiiyak ko na rin ngatal ng boses ko.
"It must be the heavy stress placed upon her body in the opening her powerful third-eye! Her body is not yet used to the power." Ang sobrang nag-aalala ring si Don para sa kaibigan ko.
Masuyong inayos ni Don ang buhok ni Lisa. Nang biglang parang nag-iba ang ekspresiyon ng mukha ni Zel!
"Someone is opening the gates of Heaven! We gotta hurry!" Ang biglang parang nahintakutan na si Zel ang Anghel na kumakarga kay Lisa.
Tumayo ito at inayos ang pagkaka-buhat kay Lisa.
"Come here... Hang-on to me tight okay!" Nang binuhat naman ako ni Don papunta sa likod nya. Kay init ng kanyang likod! Yumakap ako sa kanya, parang namula ang mukha ko na hindi ko alam.
Si Ayana naman ay binuhat ang duguang si TEddy.
"We're going to run very fast okay. Zel cannot produce another opening for a while. We need to run to the exit in the meantime." Ang sabi sakin ni Don.
Wala naman problema sakin ang sa isip ko. LAlo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa lalaking ito. Naamoy ko ang kanyang pisikal at espritual na presensya. Demonyo ba talaga to?? Bakit ganito ang pakiramdam ko para sa kanya? Para akong nalulunod sa ligaya at kasabikan!!
Nang makita ko nag seryoso na ang mga mukha ng tatlo... BOWWSSHHH!!!! Ang halos matanggal ang ulo ko sa bilis!! Tumatakbo na pala kami ng pagka-bilis-bilis! Halos wala akong makita!! Naramdaman ko hinawakan ni Don ng isang kamay nya ang ulo ko. Inihilig sa kanyang may bandang likod, habang tumatakbo kami!
SAglit na bAwala ang pakiramdam ko sa oras sa pagkakasandal ko likod ni Don. Parang ayaw ko na matapos ang oras na to. Saglit lang at andun na kami sa pinanggalingan namin. Ang butas ko saan kami nakapasok papunta sa mundong ito ng mga laman-lupa at mga engkanto. Makikita sa kabila ng butas na yun ang kalsada kung naka-park ang aking sasakyan.
TOKWEWEESSSHHHHHH!!!! Ang isang malakas na pagsabog galing sa pinanggalingan namin!! Parang malakas na kulog, halos dumagdog ang puso ko sa sobrang gulat at nerbiyos!! Isang liwanag na galing langit ang tumira pababa sa lupa.
BINABASA MO ANG
Pang-Akit ng Maynila
FantasiaWarning: SPG!! Eto ang pangalawang aklat sa Pang-akit ng Probinsya!! SPG content: This story posted in this page/website is for ADULTS only and may include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the...