Pang-Akit ng Maynila: 42 (Kay Lisa: part 19)

1.5K 36 26
                                    


Pang-Akit ng Maynila: 42 (Kay Lisa: part 19)

author: cloud9791

#pangakitngmaynila

SPG content: This story posted in this page/website is for ADULTS only and may include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community, please exit the page.

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

© 2022 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

------------------------------------------------------------------------

Ametatron...

Makikita sa khalangitan ang libu-libong manunood nilipad ng malakas na kapangyarihan!! Andun isa sa mga itaas ng ere si Abby Florentino... Kasama ang kanyang grupo. Si Abby na nakababatang kapatid ni Romeo. May maitim na buhok na lagpas lamang ng kanyang balikat. Suot ang uniforme ng mga Mishrin. Black fatigue pants at tshirt na itim. Naka-sukbit sa likod ng dalaga ang kanyang armas na espada. MAy kagandahan din natataglay ang dalaga. Kagandahang nakuha mula sa kanilang ina.

"Kuya! Nasan ka Kuya!!" Ang hiyaw ni Aby sa pag-aalala para sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Aby!!" Ang tawag ng isang pamilyar na boses... Si Atalantis! Ang #9 ranked Mishrin.

Hinawakan nya ang kaliwang braso ni Abby para ayusin ang porma nito habang nasa kaitaasan silang lahat ng ere. ISang matangkad na binata si Atalantis. May itim ring buhok pero may katangian ng pagiging europeano ang itsura. Gwapo at matangos ang ilang. Hanggan balikad lang nya si Abby.

Sa kanilang kanan andun ang iba pang ka-grupo ni Abby na si Riya Shirigam. Ginamit ni Riya ang kapangyarihan ng agimat ng hangin para pabagalin ang kanilang pagbagsak! Si Riya ang dalagang may kulay halos mamulang buhok. Halos singtangkad lang din ni Aby si Riya. Isang magandang dalagang may kayumangging balat.

"Look! The people!!" Ang turo nito kina Aby at Atalantis.

"YAAAHHH!! EYAAAH!!" Ang hiyawan sa sakit ng ilan sa mga manunood ng biglang parang natupok ng mala-apoy na enerhiya habang nililipad sa ere at naglaho nalang!!

Tila parang mabilis na sinunog at naging abo na lamang ang mga ito!!

"Anong nangyayari!? Kawawa namann sila!!"Si Abby na halatang nag-aalala para sa mga taong nagkakanda-matayan.

"It seems those are people with weak aura and spiritual powers! They're the ones being devoured first by this overwhelming force!" Si Atalantis.

PArang nasa isang malaking bagyo silang lahat na mala-ipu-ipo!! Andun sa gitna napansin nila ang isang kayliwanag na nilalang. Isang nilalang na may mahabang buhok na nagliliwanag at may ilang mahahabang pakpak ng anghel na hindi mabilang!! Isang kaygandang nilalang na may nakakatakot na presensiya... Si...

"That's... that's Ametatron!! The 7th Angel of the Seal!!" Si Riya Shirigam na parang nanginig sa pagbanggit sa pangalan ng makapangyarihang anghel!!

"Pa-paano mo nalaman Riya!?" Ang nagtatakang si Aby.

"I-I don't know... The spirit in my power amulet is telling me so... And it's telling me to get out of here Abby... Us..." Ang sagot ni Riya.

Nanlaki ang mga mata ni Abby. Pero hindi nya maaring iwan ang kuya nyang si Romeo!

Pang-Akit ng MaynilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon