Simula
Sa pag hihintay ko kila kuya hindi ko mapigilang alalanin kung saan nagsimula ang pagkasabik ko tuwing kaarawan ko.
"Racel...apo... Ha-Happy Birthd-day." Bati ni Lola Aning.
"Thank you Lola." Ngiting ngiting bati ko.
"Mano po Lola Aning." Sabi ng kaibigan kong si Alina at nagmano kay Lola. Ngumiti naman si Lola sakanya
"A-apo. May sa-sasabihin a-ako" nakangiting sabi ni Lola.
"Ano po yun lola? May gift po ba ako?" tuwang tuwa kong sagot.
"May p-powers si Lola. K-kaya kong ga-gawing... espeyal ang kaarawan mo." Paubo ubong sabi ni Lola.
'Kanina pa inuubo si Lola a'
'ay inuubo nga pala siya nung last week pa'
"Talaga po lola? Paano po niyo naman yon nagagawa? Lumunok din po ba kayo ng bato tulad ni Darna o baka naman may nakilala kayong fairy tapos binigyan kayo ng powers? Hala lola gusto ko din nan?" Masaya kong sabi.
"Hala be kabogest lola mo. Lola sa birthday ko din po ba magiging ganon den po?" Masayang sabi ni Alina saken.
"Buang ka talaga dai. Ako lang sabi ni Lola" Sabi ko sakanya.
"T-tatandaan mo" nauutal na sabi ni lola
"Oy be may sinasabi sayo si Lola ganda." Sabi ni Alina
"Huwag ka ngang maingay dai." Asik ko sakanya at nanahimik naman siya at tumabi sa akin habang nakaupo ako sa gilid ng kama ni Lola
" T-tuwing birthday mo la-lagi ka dapat maging m-masaya kasi gagawin n-ni Lola lahat lahat p-para maging e-espesyal ang kaarawan mo." Parang nanghihinang sagot niya.
"Opo naman lola... Ayos lang po ba kayo?" nagtataka kong sagot.
Ngumiti lang siya sa akin at lalo siyang inubo.
"Hanla lola Makati po ba lalamunan niyo? Ikukuha ko po kayong tubig ... Te labas lang ako kukuha akong tubig" paalam saken ni Alina
Tumango na lamang ako. Pagkalabas ni Alina hinawakan ni Lola yung kamay ko.
"Mahal na m-mahal ka ni Lola tatandan m-mo yan a-apo." Nanghihinang sabi niya at walang tigil ng ubo.
"Lola anong nangyayari po sainyo?" naiiyak kong tanong.
Lalo siyang inubo ng inubo at mukang nahihirapan na siyang huminga.
"Mama! Pa! Si lola anong nangyayari?" tawag ko sakanila.
Nagmamadaling pumasok sa kwarto sila Mama at Papa kasama si Kuya at si Bunso.
Nakita ko din si Alina na namumutla at may hawak ng baso ng tubig.
"Lola wag ka namang manakot love na love din po kita." Umiiyak kong sabi.
"Nay! Huwag ka namang ganyan. Sabi mo lalaban tayo?" umiiyak sa sabi ni Mama habang si Papa yakap yakap lang si Mama.
Si kuya naman ay yumakap saamin ni bunso habang pinapatahan kami.
"Nay! Eto gamot. Heto oh" pang aalok si Mama ng gamot kay lola.
Wala ng mga salitang lumalabas sa bibig ko tangging paghikbi lamang.
"Mahal tawagan mo nga si Doc" umiiyak na utos ni Mama kay Papa. Kinonsidera naman ito ni Papa at tumawag siya kay Doc. Mga ilang saglit ibinaba na din ni Papa ang telepono.
"Papunta na daw si Doc dito. Wag kang mag alala. "Sambit ni Papa.
"Ma kapit lang kayo dadating na si Doc." Pagmamakaawa ni Mama.
"Ma-mahal na ma---"
"m-mahal ki-kita a-a-anak" hinang hinang bulong ni Lola kay Mama at niyakap ni Mama si Lola. Patuloy na umagos ang mga luha sa aking mga mata.
"Nay mahal na mahal din kita. Huwag mo kaming iwanan. Nay" hagulhol ni Mama.
Ngumiti lang siya at pumikit.
"Nay!" Paulit ulit na sigaw na pahagulhol ni Mama.
Hindi ko malilimutan ang oras ng pagpikit ng pinakamamahal kong lola kasabay ng pagsigaw ni Mama habang umiiyak ng wagas doon ko napagtantong napaka espesyal nga ng aking kaarawan lalo na ang regalo sa akin ni Lola. Ang kanyang kapayapaan.
"Mahal kunin mo yung stethoscope" utos ni Mama kay Papa habang may luha pa ang kanyang mga mata. Kinuha naman ito ni Papa.
Dali-daling chineck ni Mama ang pulso at heartbeat ni Lola. Hanggang sa humagulhol na naman siya. Wala na itong pulso.
Sa mga sandaling iyon nagbalik sa aking mga alaala ang itsura ni Lolo Fidel na puro dugo na nakahiga sa higaang ito. Kung ano ang itsura ni Lola at ganon na ganon rin ang itsura ni Lolo marahil ang pinagkaiba lamang ay puro dugo si Lolo dahil pagkasaksak niya sa pulso niya ay humiga siyang payapa rito sa kamang iyo.
Hindi ko alam kung masaya ako sa araw na ito ngunit sa gitna ng pagtangis ko pinilit kong ngumiti dahil ito ang hiling ni Lola Aning.
My birthday is also my grandmother's death anniversary.
BINABASA MO ANG
Special Birthday Present
Teen FictionSi Racel Suministrado isang babaeng nangulila sa kanyang pinakamamahal na Lola Aning. Pumanaw ang kanyang Lola sa mismong kaarawan niyo nung ika-10 taon niya. " T-tuwing birthday mo la-lagi ka dapat maging m-masaya kasi gagawin n-ni Lola lahat lahat...