Chapter 5

29 8 0
                                    

Hindi kami natuloy ni Mama. Tumakas ako ng bahay at nagpunta sa bahay nila Ali.

'I missed her dina kami nagkikita'

She's my strength.

She's not only a friend. She's a real one. Libutin ko man ang buong mundo walang tutulad sakanya. She's my companion. But where the hell is she? We've never communicate week ago.

Dahan dahan akong pumasok sa gate nila.

Nasaan si Manong Guard na laging sumasalubong sa amin sa gate?

'Ah baka hindi pumasok'

Dumeretso ako sa may garden.

Nasaan kaya si Manang na laging nakatambay dito sa garden?

'Baka nasa loob ng bahay nila'

Nagtungo na lamang ako sa pintuan at nagsimulang kumatok.

"Alina?" Tawag ko.

"Ali?"

"Alina Lee?" Patuloy na pag tawag kasabay ng pagkatok nguniy walang sumasagot.

"Tita Lea?" Pagtawag ko sakanila.

"Tao po"

"Alina!" Hindi na ako makapagtimpi kaya pilit kong buksan ang pinto ngunit sarado. Pilit kong sumilip sa tinted window nila Ali ngunit mukang walang tao.

"Alina nasaan ka na?" Naluluha kong sabi.

"Ali" hindi ko mapigilang maiyak at unti unting nanlambot ang aking mga tuhod at napaluhod na lamang sa kinakatayuan ko.

"Racel!Anak!" Sigaw ni Mama sa likod ko.

Pano niya ako nasundan dito?

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin at tumayo ako at kumatok uli sa pintuan nila Alina.

"Ali! Lumabas ka naman oh!" Sigaw ko habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.

May biglang yumakap mula sa aking likudan.

"Anak tama na. Hindi makakabuti para sa iyo iyan. Wala na sila dito. Wala na" tinig ni Mama.

"H-hindi Ma last 5 months nagkita pa kami hindi aalis si Alina ng w-walang paalam!" Umiiyak kong sigaw ko kay Mama.

"Anak makinig ka sa akin." Hinarap ako ni Mama. Ngunit nanlalabo ang aking paningin.

"Ito ang reyalidad." sabi ni Mama ngunit hindi ko maipaliwanag parang echo ang boses ni Mama sa akin.

'Reyalidad?'

'Reyalidad?'

'Reyalidad?'

Nakita ko ang namumuong mga luha sa mga mata ni Mama. Pilit kong binubuka ng malaki ang aking mga mata. Nagpikit mulat ako baka sakaling mawala ang pang lalabo ng aking mga mata at pagkahilo ko.

"Matagal nang wa---" ito ang huling katagang narinig ko kay Mama. Hindi ko narinig lahat ng sinabi niya at biglang naging madilim ang buong paligid ko.

Dama ng kaluluwa kong narito ako sa mundo ng kadiliman. Hindi ko alam kung nasaan ako. Anong matagal ng ano Mama?

Siguro liwanag Mama.

Natatakot ako sa mundong ito na puno ng kadiliman.

'Ma tulungan mo ako!' Sigaw ko sa aking isipan.

'May nakakarinig ba saakin?'

'Anong lugar ito?'

'Racel' tinig ng mga pamilyar na boses sa aking pandinig.

Special Birthday PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon