Chapter 6

25 8 0
                                    

Lahat?

Almost 1 week na ako dito sa ospital dahil daw inoobserbahan pa yung paningin ko baka sakali daw manlabo muli. Sabi ni Dra. Reyes pwede na akong lumabas ngayon.

'Yey'

Nasaan na kaya si Ali? Di man lang nag paalam sabi pupunta lang sa lolo niya.

"Anak?" Tawag saken ni Mama.

"Bakit ma?" Sagot ko.

"Ayos ka na?" Nag aalalang tanong niya.

"Opo ma." Nakangiti kong sagot.

Hindi siya tumugon. Nanatili lang siyang nakahiga sa higaan ko samantala ako nakaupo sa dulo ng kama ko.

Nakauwi na kami kaninang 6pm kinaon kami don ni Papa.

"Ahh... Ma?" pang babasag ko ng katahimikan.

"Mmm?" Sagot ni Mama.

"Yung sinabi ko last week sayo ma?" Tugon ko.

Ramdam ko ang pagbangon niya mula sa likod ko.

"Anak sabi mo diba paano mo masasabing natanggap mo nang may nawala sa buhay mo?" Tapik niya sa balikat ko.

I just nodded.

"Gusto mo na ba talagang maintindihan ang sagot ko?" Sabi ni Mama.

"Opo" sagot ko sakanya.

"Ngunit sa tuwing naririnig mo na ang reyalidad patungkol sa mga nawala, ikaw nag nawawala" malungkot na sabi ni Mama.

"Nawawala ako?" Nagtataka kong tanong.

She didn't respond.

"Aning ibig sabihin mo Ma? Sunod kong tanong.

She's remain silence.

"Ma sumagot ka" naiirita kong sabi.

Tumingin siya sa aking mga mata. Puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Malayo sa mga matang nasisilayan ko noon.

"Ma may kinalaman ba to sa sinabi mo na apat na beses na panlalabo ng mata ko?!" Hindi ko mapigilang tumayo sa galit.

Wala siyang sinagot kundi ang isang luhang puno ng hinagpis na nananalaytay.

"Ma sumagot ka!" Sigaw ko sakanya.

"Racel anong nangyayare?!" Pasigaw na pasok ni Papa sa kwarto ko.

"Ma sabihin mo sa akin ang totoo!" Naiiyak kong sigaw.

Natigilan si Papa sa sigaw ko. Habang si Mama walang tigil ang pag agos ng mga luha sa kanyang mga mata habang makatitig sa akin.

'Anong nangyayari sainyo?'

Nagbago na kayo..

Unti unting kumawala ang mga nagpipihil na mga luha kani-kanina lang.

Hindi ko mapigilang maging emosyonal.

"M-ma? Pa?" Sabi ko habang umiiling.

Tumingin lang sila sa akin.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Unti-unti akong dinala ng aking mga paa palabas ng bahay patungo sa daan ng bahay nila Pau.

Hindi ko maipaliwanag bakit dito ako dinala ng aking mga paa ngunit tanging sinisigaw ng bawat landas na tinatahak ko ay malalaman ko ang mga sagot sa aking katanungan.

Narito na ako sa tapat na bahay nila. Pinahid at pinilit kong itigil ang aking mga paghikbi.

"Pau?"pagtawag ko sakanya.

Special Birthday PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon