Chapter 1

48 9 1
                                    

Until now

Isang taon na ang lumipas, hanggang ngayon, napakasakit pa rin para sa akin ang pagkawala ni Lola. Pero umaasa pa din akong sana nga maging masaya nga ako tulad ng hiling ni Lola Aning. Nagpapasalamat ako kina Mark, Pauline at Kyle syempre lalong lalo na kay Alina dahil sila na lang yung tumatrato sa akin ng tama. Akala kasi ng iba masama akong tao dahil daw sa presensya ko ngunit never kong naranasang itrato nila na ganon. Sila ang naging sandigan ko.

Tuwing napasok ako sa school. Wala talaga ako sa sarili pero patuloy lang akong nagpapakatatag.

Naniniwala sa akin sila Mama. Nasanay na lahat ng tao sa paligid ko na honor student lagi ako... na ayos lang ako.

Kesyo magaling ako sa ganito ganiyan. Pero pano kung nawala na yung isang taong dahilan kung bakit ko pinupursigi itong pag aaral ko?

Marahil napaka babaw na dahilan ito para sainyo ngunit paano na ako? Paano ang buhay ng wala si Lola? Siya ang isa sa nag alaga sa akin mula nung pagkabata ko. Ang masakit pa nan ay bumalik ang trauma ko ng pagkamatay ni Lolo Fidel.

Tanging isang munting walong taong bata lamang ako nung namatay siya sa aking harap kitang-kita ko ang mga dugong dumadaloy sa kanyang mga pulso. Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong dahilan bakit ninais niyang tapusin ang sarili niyang buhay.

Ang labis kong pinagsisisihan yung hindi agad ako tumungo sa bahay sana hindi na lang pala ako naging masaya non. Sana hindi na lang ako nakipaglaro non. Kung nasa bahay siguro ako non baka sakali napigilan ko pa si Lolo pero huli na ang lahat. Halos magiisang taon at kalahati bago ako makarecover. Dahil tuwing gabi binabalik-balikan ako ng mga panaginip na nangyari kay Lolo. Mga ilang buwan naman ng pagkalipas noon ay nagsimula na magkasakit si Lola na hindi ko mawari kung ano nga ba iyon.

Kung may kapangyarihan man si Lola pede bang ang tulungan mo akong makabalik sa nakaraan ang maayos ko ang lahat? Nang sa gayon ay hindi mangyari ang masasamang bagay na ito.

"Racel"

"Racel" Sambit ng aking guro.

"Ay ma'am?"nahihiya kong tugon.

"Kanina pa kita tinatawag tulala ka pa dyan" mataray na sambit nito.

"Ah pasensya na ho" tugon ko.

"Ikaw na ang magrereport kanina pa kita tinatawag kung tutulala ka lang dito sa school ay mabuti pa't umuwi ka na lang" matikas niyang sambit.

"Pasensya na po" sabi ko at dali daling kinuha sa bag ko ang mga gamit ko sa pagrereport.

Nagreport ako patungkol sa iba't ibang system of the body. Nagawa ko namang tapusin ang report ko. Buti na lang napag aralan ko talaga ito kagabi.

"Ok class dismiss" sabi ni Ma'am

Nanakbo si Kyle sa harap ko.

"Uy Racel ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Kyle.

"Oo antok lang ako" pagsisinungaling ko.

"Napagalitan pa nga ni Ma'am" natatawa niyang sabi.

"Hayaan mo na inaantok lang talaga ako" palusot ko.

"Birthday na birthday e anong ganap te?" Pangungulit ni Kyle.

"Hindi ko alam... oy uwi na ako ha?" Sagot ko sakanya.

"Ay bakit naman? Hatid na kita gusto mo?" Sabi niya.

"Oh sige intayin ko lang si Pau inuutusan pa ni Ma'am" sagot ko.

Ilang minuto dumating na si Pau at hinatid nga kami ni Kyle sa bahay. Magkapit- bahay lang naman kaming dalawa e.

Normal lang naman tong araw na to.Walang bago.

Hindi ko masabing masaya ako hindi ko masabing malungkot ako basta blangko lang.

'Lola patawad kung ganito ako ngayon'

Hindi ko na siguro kailangang maging espesyal ang kaarawan ko. Espesyal na para sa akin itong maging tahimik ang kapaligiran ko.

Required ba na maging masaya kapag special?bakit hindi ko madama?

"Racel bili lang kami ni bunso ng ulam diyan ka na lang muna. Sila Mama pauwi na den yon. " sabi saken ni Kuya.

"Sige kuya." Tugon ko.

Eto lang naman ang gusto ko... ang maging mapag isa.

Alam kong aware silang lahat na hanggang ngayon nalulungkot pa din ako sa pagkawala ni Lola. Minsan kasi kahit mawala na yung tao sa buhay mo mananatili pa din siya sa puso't isipan mo.

Minsan iniisip ko sana hindi na lang ako naging paborito ni Lola. Sana hindi na lang ako sobrang naging malapit kay Lola. Sana nakatalikod ako nung panahong nawala siya dahil ngayon lalo na ako nagsimulang matakot maiwanan ng harapan. Masakit.

Special Birthday PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon