Chapter 8

22 8 1
                                    

I dedicate this chapter to Shane Sultan. ADVANCE HAPPY BIRTHDAY!



Revelations

"You had depression years ago Racel." Tugon ni Dra.Reyes.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya. Para bang isang sirang plaka itong paulit ulit sa utak ko.

'You had depression...'

'You had depression...'

'You had depression...'

'You had depression...'

'You had depression...'

Walang pasintabing nagsituluan na ang mga luhang ilang taon ko ng kinimkim sa dibdib ko. Hindi pa pala sapat ang mga iniyak ko noon.

Mas masakit pa lang malaman na parang ibang tao na din ako.

I'm lost.

"You imaginating things and peoples just to escape your reality. Yes, I'm Doctor. A psychiatrist one. I'm willing to help you. Kung ipagpapatuloy mo yan, lalala iyan."

Humarap sa akin si Mama.

"Anak matagal ng wala si Alina. 4 years ago. She died in car accident the same incident on Dra.Reyes' son. She's dead on arrival" Naiiyak na sabi ni Mama.

"No! Imposible! Nakasama ko pa siya noon! Nagtext pa siya sa akin nung birthday ko!" Sigaw ko kay Mama.

"Anak that text was the last message you receive from her. Lagi mo yon binabasa at tuwing birthday mo laging sinasabi mo yon sa nagtext sayo si Alina. After a week pupunta ka na naman sakanila at magsisisigaw sa bahay nila at hahanapin si Alina. Sa tuwing sasabihin ko ang totoo, mahihimatay ka at makakalimutan na naman ang lahat ng nangyare. " pagsasalaysay ni Mama sa akin.

Hindi ko na kinakaya ang mga sinasabi nila. Isa ba itong katotohanan?

Umiling lang ako ng umiling at patuloy na pagpatak ng aking mga luha.

"Inaakala mo palaging kagaganap lang ang mga nangyari 4 years ago dahil tuwing nahihimatay ka nagkakaron ka ng memory loss. Kaya sa isip mo bagong bago lamang ang lahat ng ito. Ngayon naglagay ako ng anti-depressant sa dextrose mo upang hindi ka sobrang atakihin ng mga side effects ng deppresion mo" saad ni Doktora.

"Hindi! Imposible!" Sigaw ko sakanila kasabay ng mariing pagpikit.

Kasabay ng pagpikit ang pagbabalik tanaw ng aking memorya sa nakaraan.

'Alina'

Two days before my 13th birthday.

"Racel hindi ko masasabing ayos lang yan pero sana subukin mong maging ayos ka na." Sabi sa akin ni Alina.

"Hindi ko pa din matanggap na nawala na si Lola." Pag amin ko sakanya.

Kasabay nito ang unti unting pagbuhos ng mga nagpipigil kong mga luha.

"Kompante akong nawala si Lola ng hindi sa pamamagitan ng brutal na pagkamatay pero ang sakit sakit lang para sa akin na sa harap at sa mismong birthday ko pa." Hagulhol ko sakanya.

She just hugged me.

"Bakit? Hindi man naging brutal kay Lola ngunit sa akin naging brutal ang tadhana" patuloy na pag labas ko ng sama ng loob.

"Huwag mo yan sabihin. Hindi masama ang tadhana sa iyo mukang tama si Lola espesyal ang mga kaarawan mo." Tugon ni Ali.

"Kaya ba espesyal dahil kasabay ng birthday ko ang death anniversary niya? Kaya ba espesyal kasi patuloy akong babangungutin ng pagkawala niya? Kung may kapangyarihan siyang gawing espesyal ang kaarawan ko pede bang ang mabuhay na lamang siya?" Walang kupas na patulo ng aking mga luha.

Special Birthday PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon