Kabanata 8

187 27 44
                                    


Kabanata 8



Hindi na ako makabalik sa pagmumuni-muni nang hindi masagot ang tanong ko kung bakit nandito rin ang pamilya ni Slater. Are they relatives or family friend? Sa pagkakaalam ko, hindi sila nagpapansinan ni Slater at Adriano sa mga games at training nila.

Kung hindi lang ako masyadong madikit sa mga players dahil kay Adriano iisipin kong magkagalit ang dalawa dahil bukod sa ibang players, silang dalawa lang talaga ang hindi nagkikibuan, pwera na lang kung nasa game, at madalang pa iyon mag-usap sa mismong laro.

Curiosity kills the cat. Bumalik ako agad sa mansyon nang hindi tantanan ng mga tanong sa utak.

"Miss!" Napatalon ang kasamabahay nang makita ako sa kusina.

Dahil sa pagmamadali ay tinakbo ko mula sa lake hanggang mansyon para sumunod sa loob. Napahawak siya sa dibdib at mukhang hinabol ang hininga sa gulat.

"S-sorry, miss. Nakakagulat ka po kasi." Medyo nahihiya itong yumuko.

Lumapit ako para tapikin siya sa balikat. "Ayos lang. Si Adriano po?"

Tumuwid siya sa pagkakatayo at mukhang nakabawi na.

"Nasa hardin, miss."

I nodded. "Si Tita Danica?"

"Nasa hardin din po, kausap iyong bisita."

Tumango ulit ako at nagtungo na sa hardin. Sigurado akong iyong bisita na sinasabi noong kasambahay ay sila Slater. Umikot ako dahil sa likod ako nanggaling at dumaan sa gilid ng bahay nila.

I was right when I heard some laughs from distance, and slowly I saw his back from behind. Nagkukwentuhan na sila Tita Danica at iyong nanay ni Slater, mukhang malabong mapansin ang paglapit ko dahil mukhang abala sa pag-uusap.

"Naku! Hindi naman Karolina," It was Tita Danica to the Salvador Madam.

Magkatabi si Tita Danica at Adriano. Slater is beside his mom and dad. Malapit na ako nang magkatinginan kami ni Adriano. His brow moved in question. Iritado nang bumaling sa'kin.

I ignore his unwelcome presence and just smiled. Kay Tita ko tinuon ang paningin at nilipat sa magandang babae na katapat niya. The adults are still have no idea about my presence. Malapit na ako nang biglang nakaramdam ng hiya. Ni hindi ko alam ang rason ko kung bakit ako lalapit.

Masyado yata akong nagalak kanina nang makita ang kakilala kaya ngayong nandito na ay gusto ko pa atang umatras.

Though it was too late to decide since Adriano informed them.

"Ma, Leticia is here..."

Naiwan sa ere ang sasabihin ni Tita Danica sa ginang para lingunin ako. Her eyes widened in surprise but stood up after to welcome me.

"Oh, hija! Come here," dumalo si Tita Danica sa akin at malaki ang ngisi ng parehas naming hinarap ang pamilya ng Salvador.

Slater turned around. Nakasunod ako kay tita Danica nang magtama ang tingin namin. Mukhang parehas namin hindi inaasahan na makikita ang isa't isa rito at parehas na namilog ang mata niya. Her mom beside her just watched us gently.

When He Hold Her (La Dominic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon