Kabanata 28

194 13 151
                                    




Kabanata 28


"Parang lately ganang gana ka yatang laging late umuwi, ah?" Lana narrowed her eyes while watching me packing my things. "Parang dati lagi kang nagrereklamo na late na magpauwi mga prof natin."

Isa-isa kong nilagay ang libro sa loob ng bag. Pinasadahan ko pa iyon ng isang tingin kung sakaling may mga papel ako magugusot dahil sa makakapal na libro ko.

"Isa pa 'yan," puna niya sa mga libro. "Dati hindi mo naman dinadala lahat ng libro sa accounting, ah? Kasi sabi mo mabigat, bakit ngayon..."

I checked my wrist watch if it's already eight in the evening. Kakadismissal lang namin at pauwi na kaya itong si Lana panay puna sa akin porke hindi lang ako nagreklamo ngayon dahil as usual late na naman ang uwian namin.

She continued narrowing her eyes of me when I didn't protest. Binuntungan ko siya ng hininga.

"Pagod lang ako, Lana, kaya hindi na nagrereklamo."

Suminghap siya. "Pagod ba 'yan? Parang kanina ka pa nga nakangiti diyan, eh."

Umiling ako at natawa.

She pointed my cheeks, nanliliit parin ang mata.

"Huwag mong sabihin na..." Natigil ang pagpipindot niya sa pisngi ko para pumalumbaba.

Nilingon ko siya. "Na ano?"

She crinkled her eyes. Hindi na niya tinuloy. Umiling na lang at tumayo na.

"Imposible na magkabalikan pa kayo ni Adriano. Kakakita ko lang na may kasamang babae na naman 'yon." Sabay irap at padabog na nilagay sa balikat ang bag.

Tumayo na rin ako at kinuha ang mga iilan na libro na hindi na nagkasiya sa bag ko kaya bibitbitin ko na lang.

We both walk as we chat along the corridor. Iyon nga lang, hindi parin kami nawawala sa usapan kay Adriano.

"Naiirita talaga ako."

Huli niyang kumento pagkatapos niyang ikwento ang nakita kanina sa building ng engineering.

She said he saw Adriano with a girl. Galing cheering squad naman this time. Actually wala na nga ata akong pakialam ngayon doon. It's been months since our engagement got called off.

Nabalita pa nga iyon sa page ng University namin, eh. Mabuti nga freedom wall lang, akala ko aabot pa sa SSC page. Nakakahiya naman kung ganoon.

Umiling na lang ako. Pero hindi ko rin naman sinasadya na parang may napapansin ako sa laging timpla ni Lana nitong mga nakaraan. Tiningnan ko siya.

"Parang lagi kang nasa engineering dept. Ang layo ng accountancy building sa Engineering, ah?" Pagtataka ko.

She suddenly went silent bago umirap na naman at mas mabilis na naglakad. I suddenly wondered, oo nga no? From Engineering department to Accountancy building we have to bay around the whole LDU campus, kaya nga noon kapag sinasadya kong puntahan si Adriano sa building nila hinihingal ako. Ang init pa papunta doon. Hinabol ko na si Lana dahil naiwanan na ako sa bilis ng yapak niya.

"Wait lang. Ba't ba ang init ng dugo mo?"

"Wala! Naiirita lang talaga ako diyan kay Adriano."

Kumunot noo ko. "Ilang buwan na kaming wala, Lana."

"Oo nga."

"Eh, bakit ka pa nagagalit?"

Natahimik na naman siya. Biglang tumigil sa paglalakad ngayon kaya napahinto rin ako, nagtataka dahil masama ang tingin sa akin ngayon.

When He Hold Her (La Dominic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon