Kabanata 10

228 26 115
                                    



Kabanata 10




The next days were like hell. Patagal nang patagal, padami nang padami ang ginagawa namin sa school. Halos araw araw ata kaming may quiz at recite. Sa pagrereview na lang namin nalalaan ang oras.

Halos limot ko na nga ang nangyare sa daan noong isang gabi. Siguro dahil hindi na ako dinalaw ng sakit ng ulo pagkatapos no'n. That was the last time I had my headache and I'm thankful to that. Kundi lalo lang pasakit iyon sa ngayon na busy kami sa school.

"Narinig ko nga 'yan."

Finance class namin iyon sa hapon nang lagi kong napapansin ang dalawang nasa harapan ko na lagi akong nililingon. It was a two hour lecture and every time they talk they will look back at me katulad ngayon.

"Pero 'di ba ano na sila?"

Tumango iyong isa kong kablock mate sa kausap niya at nang magkasalubong ang mata namin agad umiwas at mas lalong hininaan ang boses, pero narinig ko naman.

"Hindi ba may tsimis. Ang sabi hindi naman daw totoo iyon. Pansin mo 'yung ring na suot niya. Wala akong ring na nakitang kaparehas na suot ni Adriano."

"Eh baka hindi lang sinusuot?"

"Hindi. Feeling ko hindi talaga sila engage."

Nanliit ang mata ko sa narinig at parang alam ko na ito. Umayos ako ng upo, nakinig pa sa usapan ng dalawa.

"Engage daw. Nakaattend iyong kakilala ko sa engagement party nila. Legit daw 'yon."

Kitang kita ko ang pagtaas ng kilay niya sa sinabi ng katabi. Mas diniin nito ang sarili sa kausap, pilit na hinihinaan ang boses nilang dalawa pero rinig na rinig ko pa rin.

"Eh, bakit nag-d-date sila Adriano at si Marina?"

Agad nagpintig ang tenga ko sa narinig. Marina na naman? She's the same girl that Chelsea told me and the same girl in the phone call who said I love you to Adriano. Parang may kung anong biglang tumama sa dibdib ko.

Kasabay ng nararamdaman sa dibdib, napabuntong hininga ako.

"'Di ba nga, hindi naman daw talaga gusto ni Adriano si ano... Kaya ganon. Hindi mo ba pansin. Laging nasa training 'yan ng mga varsity pero hindi naman daw pinapansin ni Adriano."

I coughed. Napalingon sila dahil doon at nang makitang nakikinig ako mabilis na tinuon ang tingin sa harap at nagkunwaring nakikinig sa propesor. Hindi na ako makasabay sa lecture at inisip kung sino ba iyong Marina na iyon.

I know his reputation when it comes to girls. Minsan pa ngang walang hiya-hiyang ipinanlaladakan ni Adriano iyon sa akin at parang gusto niya pang malaman ko. Though I always ignore it. Iniisip ko engage naman na siya sa akin, so para saan pa kung magagalit ako.

Pero minsan hindi ko maiwasan masaktan.

Alam kong hindi niya ako gusto, kaya nitong mga nakaraan na araw nawawalan na ako ng pag-asa. I swallowed the pain in my chest.

Mas maaga ang uwi namin ngayon kumpara sa mga nakaraang araw kaya dumiretsyo muna ako sa library. It was six pm and I still have one class remaining for that day.

When He Hold Her (La Dominic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon