Kabanata 17

206 22 223
                                    





Kabanata 17



Natulala ako sa harapan habang saglit na lumabas si Doctor Diaz dahil tinawag ng nurse. I stared blankly in the monitor where my CT scan image is presented.

Mag-isa akong naiwan doon. Halo-halong takot ang naramdaman ko.

Unang una sa lahat ang pangamba sa kondisyon ko. I am aware even before that this might turn into like this pero hindi ko inaasahan na lalago iyon sa mas masama na kondisyon.

"Wow. I have been coming to the hospital for a year now tapos..." I blurted out to myself after realizing how too long has it been.

Akala ko ba gagaling ako? Akala ko ba itong pagpapagamot ko na ito ang magpapagaling sa akin? Pakiramdam ko sa taon na pabalik balik ko dito ni wala man lang nagbago. Kung nagbago man, mas lumala pa.

Isang malaking maitim na tuldok ang nasa screen. Ito iyong tinutukoy ni Doc na berry aneurysm. It's the blood cloth that has been ruptured now. Nanginginig ang kamao ko at natulala sa imahe ng sariling CT scan.

I don't know what to feel really.

"Leticia," a cold baritone voice from behind filled the cold room.

Nilingon ko ang kung sino man ang nasa likod. Nakalapit na pala. I didn't noticed he already entered the room. Nasa tabi ko na si Slater nang makita at naging masyadong abala sa paninitig ko sa monitor at hindi siya agad napansin. I want to ask him what he's doing here. Pero wala na akong lakas ng loob alamin pa at nagunguna sa akin ang kaba.

Is it bad? Is it going too far now? Paano kung hindi na pala ako gagaling? Kasi hindi ko na maiwasan isipin pa iyon dahil ilang taon na rin akong nagpapagaling pero walang progress. Walang kahit ano.

"Nasalubong ko si Doctor Diaz sa kabilang ward. Nasabi niya na nandito ka na daw."

I nodded and still hasn't sink in to me that I might.... Loss some of my memories... Like Doctor Diaz told me.

Bumaba ang kamay ni Slater sa likod ng upuan ko. Kahit na may upuan naman sa tapat ko hindi siya naupo roon at imbes ay tumayo sa gilid ko. Tulala parin ako sa unahan at tahimik.

Gumalaw ang kamay niya at bahagyang tumama sa likuran ko. His warm hand stopped from my back and it warmed me for some reason.

"Is this..."

Napa angat ako ng tingin kay Slater. Ngayon ay nasa monitor na rin ang mata niya at sa itsura niya. Alam kong may idea na siya doon. Nagdilim ang itsura ni Slater. Hinding hindi ko malilimutan na magdodoctor ang isang ito at ang imahe na nakita niya ay palagay ko'y may naiisip na siya sa naging takbo ng usapan namin ni Doctor Diaz.

Hindi siya nagsalita kahit pakiramdam ko alam na niya. I just watched him moving his brows towards each other and forming a line between his brows. Bumaba ang tingin niya sa akin na may takot at pag-aalala.

"I just visited my parents here." Aniya, hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin.

From his look I know he knew. Pero hindi niya sinabi. Pinagmasdan ko siya na mabilis nagbago ang mukha sa hindi mabasa na ekspresyon.

"Hindi pa kayo tapos?" He asked, very lightly as if he don't have a clue.

Kumunot ang noo ko sa pinapakita niyang reaksyon. I know his smart. Sa pagtingin niha pa lang sa monitor kanina alam kong nakuha niya iyon kaya bakit nagpapanggap siyang walang alam? Or maybe he didn't really know. Pero nakita ko ang pagkakagulat niya hg bahagya doon kanina.

"You still hasn't forget that we'll eat our lunch after this, right?" Sinabi ni Slater at parang totoong walang alam sa nakita.

Naglakad siya sa katapat ko na upuan. He smiled at me and put his both hands on his knee while sitting comfortably there.

When He Hold Her (La Dominic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon