Kabanata 13

185 28 173
                                    



Kabanata 13



"Lana! Ayoko nga niyan," inis kong dinampot pabalik iyong keychain na napili niya sa isang booth ng mga senior high sa amin.

This area was for ABM strand. They are selling cute things. At si Lana kanina pa bumibili hindi pa man din kami nakakaisang oras sa school ang dami na niyang bitbit na plastic sa mga pinamili.

Mabilis lang ang weekend ko dahil wala naman akong masyadong ginawa. Today is the start of the university week. The organizations and the school really prepared well for the u-week. Sa labas pa lang ng gate may pa banner na pagkapasok at mga balloons sa hallway. Even the senior high school are wearing our school merch.

"Ano ba gusto mo? Ang cute nga nitong teddy bear na keychain?"

Umiling ako at binalik ulit iyon sa tamang lalagyan. Pinagmasdan ko lahat ng nakalatag doon. Sa booth na 'to puro keychain ang binibenta nila. They have different kinds of keychain here, cute things, and the likes.

Tumigil ako sa isang keychain na naiiba sa lahat.

It was a roll film keychain. It also has a brand printed of a roll film. It says kodak.

"Roll film, really?" Lana commented but I didn't mind her and looked to the students from the booth.

"Anong meron dito?"

The tall girl from their booth immediately held another roll film keychain and modeled it to me. Bigla niyang hinila iyong slide film na nakalaan talaga para hilain. Nanlaki ang mata ko habang pinapakita niya sa amin iyon.

"Hihilain mo po ito tapos lalabas yung slide film niyo. Inspired po ito sa original na roll film na nabibili pero ginawa lang naming keychain 'yung body niya, para kapag nahila yung slide film lalabas doon yung negative shots dito. But unlike this one, we are developing E-6 color slide film instead of the negative color since we want a pocket album in a keychain."

She point each slides of the roll film where the negative color slide film were, but this time it was already colored! Parehas kaming namangha ni Lana at iyon na ang napagpasiyahan na bilhin.

"'Di ba after niyong magpadevelop ng film binabalik sa inyo 'yung negative picture ng slide film. Kung meron na po kayong film camera at nakatago lang iyong mga slide film niyo. Iyon po yung pwede niyong ilagay dito tapos gagawin po naming E-6 color type."

Halos tango lang ang naging sagot namin sa kanila habang pinapaliwanag iyon sa amin.

"What the hell? This is so witty!" Lana praised them which made them blush.

I agreed with her. It was indeed unique and clever.

"Pwede po kayong bumalik after one week sa amin para ibigay iyong film na gusto niyong i-colored namin at ilagay sa loob ng keychain ng roll film." Paliwanag nila sa amin habang nagsusulat na kami ni Lana ng contact info sa notes nila.

Tumayo na ako ng maayos nang matapos at tumango. Sakto 'tong keychain na 'to sa akin. I have a film camera kaya totoong naiipon lang sa amin iyong mga negative shots ng slide film. If I'm going to put it here, totoong magkakaroon ka ng mini album na keychain. Na hinihila lang!

That was cute and very convenient! Ngayon lang ako nasiyahan ng ganito sa mga napamili namin ni Lana.

"Ang tatalino ng mga bata ngayon. Dati nung senior high natin puro tote bag lang binebenta natin." She said.

I chuckled and looked at the keychain in my hand. I hang it in my finger while looking at it in front. I bought two roll film keychain.

Naisip ko na 'yung isa para sa mga nakastock kong slide film sa bahay, tapos itong isa naman para sa event ngayon. Bukas dadalhin ko iyong film camera ko para mapadevelop at mailagay ang slide film rito sa keychain.

When He Hold Her (La Dominic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon