Kabanata 16"I love you, Slater!"
I shouted without thinking. Nanlaki ang mata ko at mabilis na gumapang sa akin ang kuryente ng kaba.
Ramdam kong nanigas kami sa kinatatayuan. I felt Slater's body clenched. Naka sampa parin ako sa likuran niya kaya nang naramdaman ko ang paninigas niya at hindi niya paggalaw natigilan din ako.
I looked to his side. Mabilis ang tibok ng puso ko sa pagkakagulat sa sarili at nangatog nang magsink in sa'kin kung ano ang nasabi ko.
What the hell, Leticia?!
"Uhm..." Nanginig ang kamay ko sa pagkataranta.
The crowd continued to sing along with the band pero ako nawala na sa sariling saya at napalitan ng kaba lalo na nang makita ang itsura ni Slater. Ang mata niya ay kumikislap dahil sa mga ilaw na nanggagaling sa stage. Ang bibig ay halos mahulog sa laki ng pagkakabuka, todong kaba ang namuhay sa akin.
Marahan niya akong binaba at umikot para maharap ako ng maayos. Mukhang gulat siya at hindi ko malaman ang ekspresyon ng mukha. Mas lalo akong kinabahan.
"Anong..."
Maingay ang paligid at maraming sumasabay sa kumakanta sa stage kaya malabong narinig niya ng maayos ang sinabi ko. Kahit na hindi sinasadya iyon ay kinakabahan ako at baka kung ano ang isipin niya.
"What? Sorry! Hindi kita marinig! Ano ulit?" I shouted while nearing my ears to him. Nagpanggap na lang akong kunwari walang nangyare.
I know he didn't hear me right. I'm positive of that. Ang daming sumisigaw sa pangalan ng banda at sumasabay sa pagkanta kaya imposibleng narinig niya ang sinabi ko. Oo tama 'yon.
Lumapit ako lalo para lang may patunayan at sa tangkad niya, hanggang leeg lang ang inabot ko. His signature scent welcome me again. I sniffed him secretly. At medyo nawala sa totoong pakay. Pakiramdam ko kaya na lang ako lumalapit sa kanya ay hindi dahil sa pangpapanggap kong hindi siya narinig kundi dahil gusto ko lang maamoy ang pabango niya.
It's really good. Gusto ko talaga malaman kung anong brand iyon. Teka ano ba, Leticia! Kung saan saan na napunta utak mo, unahin mo muna ayusin ang nasabi mo! Damn.
"Did I heard it wrong?" Tunog may pag-aalinlangan pa siya.
Tuloy tuloy ang mabilis na pagpintig ng puso ko at siniksik sa kokote na malabo niyang narinig ang sinabi ko.
Lumayo ako para silipin ang mukha niya na may malaking linya sa gitna ng kilay. Bumalik ulit ako sa ilalim ng kanyang leeg at nilapit ang bibig sa kanyang tainga.
"Ang alin?" I shouted, kinakabahan ako dahil sa walang kwenta kong nasabi kanina.
I know we got more close these days. Ayokong mawala iyon ng isang bula dahil sa istupida kong nasabi. I got carried away with my feelings that I shouted the wrong name. Dapat Callalily talaga iyon pero dahil nakita ko ang mukha ni Slater ang pangalan niya tuloy ang nasigaw ko.
I felt the tension in him. For the second time he froze again to his position. Malamig akong pinagpawisan.
He gulped the bulk on his neck. Gumalaw iyon na sinundan ko naman ng tingin. Malalim niya akong pinagtuonan ng pansin at parang hindi matatahimik sa kung ano hanggat hindi nakukumpirma ang nangyare.
So to end my own disaster. Tumawa ako at tinuro ang stage sa harapan namin. Magaling akong nagpanggap na kunware ay walang nangyare.
BINABASA MO ANG
When He Hold Her (La Dominic Series #1)
RomanceThe only unica hija of Renales is suffering from aneurysm and engage to the son of the Arcegas. Leticia Renales have already feelings for her fiance since childhood, but Adriano Arcega didn't like her back. Leticia will find a way to delay their wed...