Risk? It's not in my vocabulary. May ilan, alam kong mag-papasaya talaga sakin pero hindi ko ginawa.. hindi ko sinubukan. I always play safe in everything. I'm so afraid of taking risks kasi sobrang daming pwedeng consequences.. isang gabi na mag-saya ako o sumama sa mga kaibigan ko at hindi mag-aral pede akong bumagsak..
All my life.. naka-focus lang ako sa pag-aaral. Mag-sasaya lamang ako kapag nakapag-aral na ako o tapos na ang exams. My classmates told me I was so uptight.. sila, kahit nabagsak nakakatawa pa din pero hindi ako.. I've been working so much to get good grades. Yong papasa sa standard ko.
Hindi naman ako pine pressure ng parents ko.. They're very understanding.. pero lumaki kasi akong lahat ng kapatid ko magagaling, matatalino.. nakikita ko kung paano nila napapasaya sila Mommy tapos kapag ganon dinedate sila ng parents ko sa labas.. so I grew up thinking na kapag naging kasing galing ko sila kuya at ate mas makakasama ko siguro sina Mommy ng matagal..
Malaki na ako pero old habits die hard, I guess. Kahit alam ko na hindi naman sa grades ko naka-base ang oras ng parents ko hanggang ngayon sobrang taas pa din ng expectation ko sa mga ginagawa ko. Sa sarili ko mismo.
That's why I was so devastated when I got my grades. Tatlong subject ko ang hindi pumasok sa standard ko. Pasa naman.. pero sobrang nakaka-panlumo padin. I was aiming for 90 so I can get exemption pero wala.. puro 85, 87, 88. Mataas na para sa iba pero kulang padin sakin.. no one understand why I always get so down e maganda naman daw nakukuha ko. It's just so hard to explain it to people kaya hinahayaan ko nalang sila husgahan ang pagiging 'grade conscious' ko.
I heaved a sigh as I closed my eyes. Fighting myself not to shed even a single tear. Ang daming bagay kong hindi inuuna para makakuha ng grades na gusto ko tapos in the end kulang padin.. yong ibang kaklase ko na nakakapag bar sila pa nakakuha ng 90 plus..
I am so tired, the kind of tired na hindi kaya solusyonan ng tulog .. it took me just a couple of seconds before I found my shoulder slightly shaking from crying.. agad kong pinunasan ang luha ko pero sunod sunod ang pagpatak.
Guard, I hate breaking down! Mas nararamdaman kong pagod na pagod na ako.
Niyakap ko ang sarili ko habang umiiyak, burying my face on my knees. Napatigil lang ako sa pag-iyak nang may umupo sa tabi ko. Agad kong pinunasan ang mukha ko bago tinignan ang tumabi sakin.
Bakit ba lagi siyang sumusulpot?
"Why are you here?"
He smiled, "Wala ka sa coffee shop, e."
"So?"
"Ansel told me. Pati yong lugar na pinupuntahan mo kapag ganito."
Hindi ako agad naka-imik. Nag-iwas ako ng tingin habang pilit kinakalma ang sarili ko. Gusto ko pang umiyak, ilabas lahat ng pagod at sama ng loob ko pero pinaka ayokong may nakakakita sakin. Napaka wrong timing niya! Kainis.
"I want to be alone."
"You are fighting your battles alone, Chandy pero pede naman siguro kitang samahan kapag tapos ka'na lumaban dba? Pede kang umiyak sakin."
"Ayoko nga sabi."
Matigas kong sagot pero naiipon na ang mga luha sa mata ko. Because it was true.. after fighting every battle alone, people still seek for a companion.. but I am not used of having someone.. my friends always gives me 'self-time' everytime I am down.. for so many years it was what I thought I needed until someone offered a shoulder..
"Tatalikod ako. Hindi na kita kita." Malumanay niyang sagot habang tumatalikod sakin.
Napatingin ako sa likod niya. He has a broad shoulder, his scent was so inviting and his presence even made me more vulnerable..
BINABASA MO ANG
Winning Hurricane
RomanceTantoco Series #1: For Chandrella Arquiluz, Hurricane Tantoco was nothing but a former competitor. The guy she solely hate from the day he started raising his hand everytime she does during recitation just to annoy her. He was nothing more than tha...