XII - Somniloquy

1.4K 56 14
                                    

"Dimo ba alam damdamin ko'y pinagtakpan, makasama kay suntok sa buwan"

Ansel and Cy laughed out as Hurricane sang the first line of the song. We found a 24-hours karaoke bar nearby the hill. They decided na sulitin ang buong gabi bago ulit kami sumabak sa pag-aaral. And who I am to say no?

"Diko 'to gusto pero wag kang lalayo.." Hurricane winked as he took a sip on his beer. Mukhang may tama na siya-sila ni Cyclone who's holding the other mic. Nakikipag-duet sa kakambal niya. No. Lasing na talaga sila.

I watched them getting dumb na parang di sila napapagod mag-aral. Na parang wala kaming mga quizzes na babalikan after this night. Sometimes, it really feels great to be carefree.

Lumapit sakin si Ansel who's on her last dutchmill drink. Ngiting ngiti lamang siya doon sa dalawa na kumakanta. "Relate na relate ang kambal sa kanta, tsk."

"What's the song called?"

"Suntok sa buwan. Johnoy Danao, ganda no?"

Tumango lamang ako. Ininom ang natitirang beer. Hindi ako pwedeng malasing dahil paniguradong ako ang magda drive pabalik since malakas na ang tama nong dalawa. Si Ansel naman hindi talaga nagda-drive. Nag-aral siya pero hindi siya pwede sa malalayong byahe lalo na kapag ang daan ay gaya ng sa Tagaytay.

"Di habang buhay ika'y aantayin." Hurricane sang.

"Hala sis, di ka daw aantayin habambuhay." Ansel jested na hindi ko lang pinansin.

"Do we have water?"

"Nasa kotse."

Tumango lamang ako bago tumayo at kinuha ang susi sa bulsa ni Cyclone, agad naman siyang umiwas na akala mo hina harass lagi! "Hey, careful baka iba makapa mo!"

I just rolled my eyes before getting the key fob at dumiretso sa kotse. Kailangan ko mahimasmasan, medyo tinamaan ako sa ininom ko. Baka maaksidente pa kami pag-uwi. I looked at my wristwatch, it's nearly 1 in the morning. Hindi eto ang first time namin ma-late sa labas pero eto ang unang beses na sa malayo.

Agad kong nakita ang mineral bottle at ininom yon. I was on the middle of finishing the whole bottle ng lumabas si Hurricane. His hands on his pockets. Hindi siya pagewang gewang lumakad, instead mukha siyang hindi lasing but his face says otherwise. He's so red.

"Bat ka lumabas?"

I motioned the water I'm drinking with my eyes para naman masagot ang obvious. Hinantay niya akong matapos sa pag-inom. Hindi padin siya nakilos at parang tanga na nakatingin lang. Bigla akong nailang kaya tinaasan ko siya ng kilay, mabilis naman siyang umiwas ng tingin at tumikhim.. na naman.

"Nasusuka ako." He blurted out.

"Mukha ba akong sukahan?"

He chuckles, "Taray talaga. Nasusuka talaga ako may tubig pa ba?"

I looked inside the car bago tumango. May isa pang mineral bottle, tumingin ako sa kanya na mukhang susuka na nga. For one moment there, napahanga ako paano niya nagagawang pigilan yong suka niya na obviously na nasa lalamunan na at paakyat. Agad siyang tumakbo sa may gilid bago nag-labas.. napa buntong hininga nalang ako.

Bakit ba kailangan lagi ako ang nakaka witness sa isa kapag susuka sila dahil sa alak? Tsk.

Kinuha ko ang mineral bottle sa sasakyan bago lumapit sa kanya at inabot. Hindi niya agad tinanggap dahil may second wave pa. Lumayo ako ng konti dahil ang baho talaga! He vomit again.. hoping it's the last. Parang ilalabas na niya buong intestine niya sa pag-suka e. "Chandy!"

"What?"

"Pahagod ng likod ko!" he said between his coughs. Hindi ko napigilan hindi mapaikot ng mata sa pagiging demanding niya! I can already imagine how clingy he is in relationship.

Winning HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon