Everything went back to normal. The breath we had that night was long gone for we are back to our battle ground. Parang kakatapos lamang ng long exams namin tapos eto nalalapit na ulit. Parang panaginip lamang yong nangyare sa Tagaytay if weren't for the constant drum in my chest everytime I remembered that incident sa kotse.
The very fact that Hurricane called my name while sleeping.. really.. really makes me go so crazy! It's been days yet up until now para padin akong mauubusan ng hininga. Shit.
Ang hirap tanggapin na kayang ipadama sakin yon ni Hurricane with him being unconscious.. shit, does he like me?
Ugh, Chandrella! Umayos ka!
I shook my head as I focused my attention sa faci namin. After that night I started avoiding him. I don't go to coffee shops anymore. Kapag tinatanong ako nila Ansel ang sinasagot ko lang ay paubos na ang allowance ko at nahihiya na akong humingi ng humingi sa parents ko-which is somehow true but definitely not the sole reason.
There are times na kinukulit din ako o bina blackmail ni Ansel about kay Hurricane pero hindi ko nalang pinapatulan gaya ng dati. She received nothing from me at mukhang napagod na siya kakatanong about my 'feelings' for Cane.
It's just.. I already admitted to myself na I appreciate him, I really do. I started seeing his other side and he's wonderful but I am expecting na lilipas din to. Lilipas din yong feelings. Yong-yong.. ugh, yong pagka crush ko! Hanggang ngayon nahihirapan padin akong i-admit fully yon. Tapos eto.. parang.. parang lumalala.
I just can't delve in it. Napatunayan kong hindi ko ganon ka-control ang sarili ko. Na baka hindi ko mapanindigan ang mga salita ko.
"Thank you po!" Janella said to our faci. Nasa hospital kami ngayon para sa consultation.
Isa pa'to. Sobrang sakit sa ulo ng MPPRC, parang punong puno na yong utak ko ng lahat ng subjects na inaaral namin tapos pahirapan pa saan pupulutin ang mga aaralin sa MPPRC at sa ibang subjects dahil mostly ay hindi naman mismo nag-bibigay ng handouts or wala sa mga powerpoints ang mga tanong. Kanya kanyang diskarte.. hindi ako makapaniwalang naisisingit ko ang problema ko kay Hurricane.
Ang daming time. Tsk!
"Lagi lang akong nagba-bar para di'ko makalimutang tao pa ako tapos potek nayan dumadagsa na naman sila. Robot ata ang tingin sa ating mga med students." Reklamo ni Janella habang binabasa yong cases na hawak niya.
"True, can't they prioritize our mental health too? Sobrang draining. Para akong lumulutang, diko na kailangan ng drugs be." Marian answered.
Iba ang group ni Ansel at Cy kaya hindi ko sila kasama.. how I wished I'm with them. Iba lang kasi yong pahinga kapag bestfriends yong kasama tho pare parehas naman ang mga lumalabas sa bibig naming lahat.
"Mag-aaral ba ulit kayo sa coffee shop mamaya?" Janella asked me, "Pasabit. Sa condo sila Mads mag-aaral e, ayoko don nakakaantok."
"Sina Ansel sa Tim's ata."
"Ikaw?"
I shrugged. Alam kong kasama lagi nila Ansel si Hurricane mag-aral, I just can't risk battling with myself about Hurricane habang ang daming aralin na nakatambak. Hindi ko kailangan ng distraction sa totoo lang.
"Ay last night nakita kong kasama nila Ansel yong twin ni Cy! Perfect, makaka-relax ako."
My right brow shot up unwillingly. I glanced again at Janella and for the very first time since first year ngayon ko lang ni-recognize ang ganda niya. She's tall, fair skin, American beauty and has a great humor too. Magaling makipag socialize and if Hurricane will join Ansel and Cy again tonight then.. mag-kikita sila.. and she likes Cane.
BINABASA MO ANG
Winning Hurricane
RomansaTantoco Series #1: For Chandrella Arquiluz, Hurricane Tantoco was nothing but a former competitor. The guy she solely hate from the day he started raising his hand everytime she does during recitation just to annoy her. He was nothing more than tha...