XXXIX- Paresthesia

1.5K 51 105
                                    

"Anong iaalay mo?" Janella asked as clung her arms on mine.

I just gave her a glance bago umiling. We have five major quizzes tomorrow plus report in Med2—specifically, Gastro-Endo-Onco. If noong second year naga advance study na ako a week before, ngayon two weeks before na. Araw araw may quiz at recit. Hindi ko na magawang makakuha ng 6-hours na tulog, swerte na ako ngayong kung makaka 4 hours. It is indeed a tired year.

Alay subject, well, siya ang subject na pipiliin mong i-sacrifice or let's say ibagsak at bawiin na lang sa next quiz dahil sabay sabay talaga sa isang araw lahat ng major. Karamihan samin, yon ang ginagawa pero sinisigurado talaga na mababawi pero hindi siya ganon kadali. I tried it once pero hindi ako nakatulog nang bumagsak talaga ako at hindi nabawi nong second quiz. It was such a torture on my part. Kaya sinisigurado ko talaga na bawat subject, bawat chapter maaaral ko. Kung doble na ang effort ko last year, triple na ngayon.

It wasn't really easy, wala pa kaming one month pero may apat na sa amin ang nag break down sa mismong room. This school year, well, was too brutal. Akala namin mahirap na talaga ang second year, but looking back napaka dali pa pala compared sa third year.

I was somehow glad nakakapag basa ako nong vacation. Ever since we broke up, sumunod agad ako sa US kayna Lola. I stayed there reading my medical books and enrolled courses online para hindi sayang ang oras hanggang sa time ko na para umuwi sa Pinas which is the exact day mismo ng pasukan.

Ayoko kasi talaga siyang makita. Cyclone already knew everything since sinabi daw ni Hurricane sa kanya. I avoided Cy the whole vacation, nang mag-kita kami ulit hindi naman niya in-open ang topic. He even helped me na lumipat sa condo ni Janella. My unit was already for sale.

I don't want to stay there anymore, ayoko don sa mapupuntahan pa niya ulit ako. Simula ng malaman niyang bumalik ako palagi nalang siyang nag-aantay sa may building pero ni isang beses hindi ko siya tinapunan ng tingin. I was really thankful kay Janella dahil kahit hindi niya tinatanong tinutulungan niya akong maka-iwas.. and Cy always pulled his brother away from me..

I changed my sim and deleted all my social accounts. I don't need any of them. Nag-stick lamang ako sa isang messaging app for my family and friends, also for update sa school and that's all.

It was really hard to focus, para akong naging robot. Wala akong maramdaman pero parang lutang na lutang ako. Sumasabay nalang sa araw.

Puro SGD, BFD, CCC, quizzes, report, lesson lang ang laman ng utak ko. Madalas naiisip ko lahat, hindi lang ang break-up namin kundi pati ang pag-kawala ni Charlie.. and those was the worst. Hindi ko alam paano agad alisin sa utak ko kaya sobrang ginugol ko lahat ng time sa pag-aaral lang.

Ending? Kung hindi 4 hours, 2 hours nalang ang itutulog ko and it helped. It really helped me forget every pain.. temporarily.

I never shed a tear again. After that very day, my eyes went dry.

"Ped2 muna alay ko, sis! Diko kakayanin ang GI at NeuroSurg kung diko iaaalay ang tatlong quiz." She rolled her eyes, massaging her temples. Palabas na ulit kami ng building, dederetso na kami sa coffeeshop na bago naming tambayan. Cy's already heading to his car, imi meet na lamang namin siya sa labas ng gate.

"Sis," Janella chuckles, "Hindi ba nag-aaral ex mo? Dapat nag-enroll nalang din siya dito kung dito tatambay lagi no?"

I rolled my eyes. Tuloy tuloy lamang sa pag-lalakad.

"Chandy.."

Hindi ko siya pinansin. Ayoko. Ayoko siyang kausapin pa. Tapos na ako sa kanya, tapos na kami.

Ni isang tingin hindi ko siya binigyan. Pilit kong iniiwas ang mga mata ko.

"Hurri! Hi, omg! I have chika for you!" Janella uttered, bumitaw na sakin para harangan si Hurricane. That's what she always do, hindi ko naman tinitignan papaanong harang ang ginagawa niya basta ako mas binilisan ko lamang ang lakad hanggang sa makarating ako sa kotse ni Cy.

Winning HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon