XXXI- Temazepam

1.2K 40 2
                                    

The phone kept on ringing..

Kung di ako nag-kakamali, it's mine na tumutunog. I don't know.. I am not even sure kung nanaginip ba ako but my own hand moved, locating where the awful ringtone's coming from.

Then I reached it.

Kinuha ko ang phone, I think I swiped it I don't know pero nilagay ko siya sa tenga ko bago muling umayos sa pagkakadapa.

"Love? Good morning, it's Thursday today." I heard Cane's voice.. this is such a good dream..

I love his voice, sa panaginip man o hindi.. but I am still annoyed.

"Baby?"

Ah, his voice was so soothing.

"Hm.."

"Gising ka na?"

"Hm.."

"Are you still mad, love?"

Ang lambing masyado ng boses..

"Hm.." then I heard something.. I think it's a snore, hindi ko alam kanino nang-galing, kung sakin ba o sa Cane na kausap ko in my freaking dreams. I don't know. The bed's so comfy, that's what matters.

"Babe? You have an exam today, tulog ka pa? It's already 5:30."

Exam.. hanggang panaginip ba naman may exam? I need a freaking break, hindi ba uso ang pahinga sa mga tao ngayon? I'm so tired studying.. I'm so tired dreaming of all the deadlines and failed quizzes.

"Hm.."

"Love? Baby? Chandy? Cha?"

".."

"Love?" he suddenly sound alert, "Are you okay? Wait teka," then his voice became distant.. I heard some shuffling and cursing, I heard something fell and then another curse then everything became blurry.

Darkness ate me again.

I don't know what time it is pero biglang umakyat lahat ng panic sa katawan ko ng masilaw sa liwanag na nang-gagaling sa bintana. Damn! Umagang umaga na! Agad akong napabalikwas at kinuha ang phone ko na nasa may bedside table lang ni Ansel. Ni Ansel.. shit! Yeah, dito nga pala ako natulog.

Wala man lamang ako kadala dalang extra clothes!

Agad kong chineck ang phone ko habang mabilis na nag-aayos ng sarili. It's already 7 in the morning, may ilang missed call galing kay Cy at Hurricane, meron din kay Janella. Shit! My exam! How dare me to even sleep this long?

I entered Ansel's bathroom para lang mag-punas and also to brush my teeth, if may isang bagay na hindi mawawala sa bag ko it's my toothbrush. Minadali ko lamang bago nagpunas ng mabilis at lumabas na ng kwarto dala dala lahat ng gamit ko. Ansel's still sleeping, I just can't wake her up.

Sighing, agad akong bumalik and left her a note. I gave her one last glance before storming out her room. Wala pang gising sa bahay nila. I think it's a good thing, masyado pang matatagalan kapag naka-usap ako ni Tita.

I hurriedly insert the key to my car and maneuver it.

I was biting my lip the whole time hanggang sa malasahan ko ang dugo pero tuloy pa din ako sa pag-kagat. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, naiiyak na ako baka hindi ako maka abot sa exam, pang-tatlong subject ko pa naman ngayon yon today.

Parang lahat ng naaral ko for the past few days nawala, and then I suddenly remembered hindi ko pa naman tapos aralin lahat ng para sa ngayong exam and it's all because.. it's all because I let myself be so emotional and low.

Winning HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon