Hurricane's too stubborn. I swear!
Ever since pinayagan ko siya mag-antay sa kotse lagi nalang niyang ginagawa kasi alam niyang di ako maka-hindi sa kanya tapos lagi kong maaabutan na tulog na siya. Sobrang nakaka-konsensya na gisingin siya tapos babyahe pa siya pabalik sa condo kaya pinapagamit ko na sa kanya ang car ko pero ayaw naman niya.
He's too clingy! So I decided na kesa mapagod siya sa pag-aantay sa car at pag-byahe, sa condo nalang ako nag-aaral. Nakaka-tipid din naman. Yon nga lang medyo nadi distract ako since nakaka-antok talaga mag-aral sa loob.
But I can adjust for him. Guard, I can't believe this time will come na lagi kong iisipin anong mas ayos para sa kanya. At hindi pa kami matagal na mag-on sa lagay na'to.
It's kinda scary to think how far I'll go for Hurricane.
"Babe, can I sleep here?"
"No."
"Why?"
I heaved a sigh tearing my eyes off my trans before giving him a look. Agad siyang ngumiti ng painosente before raising both his hands in defeat, "Okay. Sorry, I won't sleep here."
We just finished our dinner na siya ang nag-luto. May mga readings din siya na naka-halo sa mga inaaral ko pero inuna muna niya mag-luto and to make me healthy daw he made me banana smoothie after. He's just.. very maalaga.
"Pano pag nakatulog ako dito?" he asked again, this time humiga na siya sa sofa. He placed a throw pillow on my lap and settled his head there.
See how clingy my boyfriend is?
"I'll wake you up,"
"Pag di ako magising?"
I tsk-ed before covering his mouth and nose using my right hand. Hinigpitan ko talaga kaya marahan niyang tinapik ang kamay ko, with that inalis ko ang pagkakahawak sa kanya. "That's what I'll do kapag hindi ka gumising."
"You're brutal."
"Thanks." I deadpanned.
He chuckles. Hindi ko na ulit siya pinansin at tinuloy na lamang ang pag-aaral while he contented himself playing with my right hand hanggang sa naramdaman kong nakatitig na siya. Agad kong tinakluban ng trans ang mukha niya kaya napatawa na naman siya!
Hindi ako maka-concentrate dahil nagpa-palpitate ako! Kainis.
"Wala ka bang aaralin?"
"I'm studying."
"No. You're staring at my face."
"No. I'm memorizing your face."
Inalis ko ang trans sa mukha niya at tinignan siya, he smiled at me warmly. I frowned trying to act annoyed but what's the sense? Hindi ko napigilan hindi mapangiti kahit kaunti. Tinaas ko nalang ulit ang trans at nagpanggap na nag-babasa kahit na-distract na niya ako.
"My face won't pass you in your recits and exams."
He snorted, "Clearly, you don't know the meaning of 'inspiration' no?"
With that, tumahimik na ako. Wala talaga akong panalo kay Hurricane. Minsan gusto ko din bumanat sa kanya para naman siya ang tumahimik! Pero nah, parang lalagnatin ako kapag ita-try kong maging mushy. Sobrang natural lang sa kanya gawin yon, pero kung ako ang gagawa? Nevermind.
I shivered when I felt his lips touching my hand. He's looking at it like how he looks at me. Then he brought it again to his lips.
"You're so clingy."
BINABASA MO ANG
Winning Hurricane
RomanceTantoco Series #1: For Chandrella Arquiluz, Hurricane Tantoco was nothing but a former competitor. The guy she solely hate from the day he started raising his hand everytime she does during recitation just to annoy her. He was nothing more than tha...