Chapter 1 ( She's Anyang )

348 6 0
                                    

Anyang POV....

Mabilis akong tumatakbo dahil hinahabol ako ng dalawang matatabang pulis, bitbit ko sa kamay ang isang gintong kwintas at cellphone na mamahalin, nakuha ko ito sa isang babaeng mayaman na kakalabas lang ng sasakyan, agad kong hinablot ang cellphone nito na nakalagay pa sa tenga at tila may kausap at kwintas na nahablot ko din kasabay ng cellphone nito, lumiko ako sa isang kanto at patuloy padin sa pagtakbo, sumuot ako sa isang eskinita saka tumakbo ulit, pumasok ako sa isa ulit na kanto at tumigil sa gilid ng isang basurahan, nakita ko ang paglampas ng dalawang pulis sa pinagtataguan ko, nang makasigurong wala na sila ay lumabas na ako sa sulok at naglakad pabalik ng unang kantong pinasukan ko, mula doon ay naglakad ako sa isang makipot na tulay na gawa sa kahoy, tuwang-tuwa akong pumasok sa maliit kong bahay na gawa sa kahoy at ilang pinagtagpi-tagping yero, maliit lamang iyon, bubungad agad sa pinto ang isang medyo may kalakihang papag na higaan, kadikit ng maliit na sala ang kusina at banyo na kurtinang medyo makapal ang nagsisilbing pintuan, kurtina lang din ang nagsisilbing dingding na siyang nagtatago ng palikuran ko, kahit maliit ang bahay ko ay sigurado naman akong malinis ang bahay, umupo agad ako sa upuang malapit ng bumigay, nilabas ko agad ang cellphone at kwintas, agad kong pinakealam ang cp ng babae at agad na nireset, iyon talaga ang talent ko, ang mangalikot ng iba't-ibang aparato, IT kasi ang kinuha kong kurso at nasa ika-dalawang taon na din ako sa kolehiyo, salamat talaga sa pa scholar ng gobyerno at kahit papaano ay nakakapagaral ako sa isang pang publikong unibersidad, pinagmasdan ko ang kwintas na pangalan ang pinaka palawit na may maliliit na bato, siguradong mamahalin ito, nagpalit ako ng damit at inalis ang sumbrero ko, lumabas ako muli ng bahay at saka dumaretso sa sanglaan sa bayan ng San Mariano dalawang baryo iyon mula saamin dito sa San Isidro, mahirap na atleast safe padin ako magkahulihan man, disiotso mil ang nakuha ko sa pagsusubasta ng kwintas, sabi ng kahera doon ay isa daw iyong ginto na may maliliit na tipak ng dyamante, sa mall ay umaabot daw iyon ng daang libo ngunit hindi kakayanin ng sanglaan kaya pumayag nako sa sinasabing presyo, tutal hindi naman akin iyon, pasimple kong ipinakita ang cellphone na nakuha ko doon sa babae kanina, nagningning ang mata ng babaeng kahera,

" Miss bilhin mo na ito, magandang klase ito ng Malp, sikat ang brand nito at maganda ang kalidad, bagong labas din ito kaya't kung ako sayo ay kukunin ko na " Pangungumbinsi ko sa babae, para namang nakakita ng isang kayamanan ang babae animong nagliliwanag sa pagkamangha ang mga mata nito, hinawakan pa nito ang cellphone


" M--magkano ba ito? " Tanong agad ng babae napangiti ako



" Bente mil miss, murang-mura na iyan, umaabot ng higit-kumulang isang daang libo ang isang ganito sa mall " Sabi ko pa. Agad niyang kinuha ang wallet niya na nasa loob ng staff's room, kinuha niya ang wallet niya at binilang ang pera doon.


" Naku eii pano ito? Katorse mil lang ang pera ko " Malungkot na sabi ng babaeng kahera, agad kong hinablot ang pera sa kamay niya saka ko inabot ang cellphone, agad akong umalis doon, ayos! May trenta'y dos nako, tatlong linggo na din ito! Kung sinuswerte ka nga naman ou!

Hindi na ako lumabas para rumaket ngayong gabi, lumabas lang ako saglit para kumain ng hapunan kila Aling Puring matapos ay bumalik ako sa bahay, Marian Dimagiba ang pangalan ko, kaka bente ko lang nung nakaraang buwan, nakatira ako dito sa San Isidro, obvious naman na mahirap ako kaya pang iisnatch sa tanghali at pang Hoholdap naman sa gabi ang kinabubuhay ko, pero pinangako ko sa Itay na magtatapos ako sa kursong gusto ko at makakapagtrabaho ng maayos, iyong marangal, nakukunsensya din naman ako sa mga nagiging biktima ko ngunit kailangan ko din kasing mabuhay, hindi ko naman maaatim na pumasok sa bar na pagmamay-ari ng pinaka manyak sa lugar namin na si Gimo. Alas otso pasado ng magising ako kinabukasan agad akong naligo sa banyo ko na puno ng tapal dahil madaming butas, alas nuwebe ay nasa unibersidad na ako, kakaupo ko lang sa upuan ko ng magsidatingan ang ibang mga kaklase ko, ang gugulo, yumuko nalang ako sa table ko at pumikit, may kumakalabit ng balikat ko dahilan ng pagangat ko ng tingin, naroroon na pala si prof Magaryanes na nakatingin sakin ng masama

" Ikaw Ms. Dimagiba! What is Mother Board? " Humihikab pa ako ng tumayo na mas lalong nagpainis sa prof kong matandang dalaga, anu nanaman ginawa ko? Malay kong dumating na siya.


____


" Teka Anyang! Hintayin mo kaya ako! Ang bilis mong maglakad " Sigaw ni Pau, ang matalik kong kaibigan, hindi kami pareho ng kurso dahil HRM ang kinuha niya, madalas lang pareho kami ng iskedyul kaya madalas nagkakasama padin kami, nakarating kami sa Cafeteria, umorder ako ng sandwich at Coke saka isang burger at royal, nilibre ko si Kurdapya, sabi nga share your blessings!. Nang matapos kaming kumain ay sa library muna kami tumambay, kung hindi niyo natatanong ay mahilig akong magbasa ng mga libro lalo na itong mga tagalog romance, pangarap ko nga magkaroon ng sariling library kapag may trabaho nako.

Natapos ang klase para sa araw nato kaya umuwe na ako, alas dose ng tanghali ang tapos ng klase ko araw araw minsan naman alas onse lang kapag huwebes dahil vacant ang last subject namin ng araw na iyon, nilakad ko nalang pauwe dahil hindi naman ako nagmamadali ngayon dahil hindi ako raraket, may kalayuan kasi ang baryo namin sa pinapasukan ko, saka na nalang ako raraket kapag malapit ng maubos ang laman ng pitaka ko, ala una pasado ng makarating ako sa San Isidro, binuksan ko ang padlock ng bahay saka padaskol na nahiga sa papag, napagod din ako kahit papaano, mamaya nalang siguro ako kakain ng hapunan sa ngayon eenjoyin ko munang kapiling ang higaan at unan ko.




Napabalikwas ako ng bangon ng makitang madilim na ang paligid ni hindi ako nakapag bukas ng gasera, agad akong bungon at nagsuot ng jacket na may hood kumakalam ang sikmura ko sa gutom, malayo pa ako sa pinakamalapit na 24/7 na tindahan ng matanaw ko sa gilid ng daan ang isang lalaking nung una ay akala ko patay, ngunit ng lumapit ako ay pinaghalong alcohol at mamahaling pabango ang naamoy ko, lasing lang pala nilapitan ko ang lalake para sana gisingin ngunit hindi man lang gumagalaw ni ang kamay nito, sobra sa kalasingan, napatingin ako sa pantalon nito sa bandang linkuran, nakadapa kasi ito sa gilid ng daan, nabukol ang bulsa nito sa likod, pagkapa ko ganun nalang ang sayang lumukob sakin ng makapang sobrang kapal ng wallet ng lalake, agad ko iyong kinuha inayos ko ang pagkakahiga nito saka nagtatakbo papunta sa kanto kung nasaan ang convenient store, agad akong kumuha ng cup noodles saka binayaran matapos lagyan ng mainit na tubig dito ko na iyon kinain, habang tinatangay ang isip ko ng wallet na nakuha ko mula sa lasing na lalake, napangiti ako tiyak na jockpot nanaman ako nito.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

July,23,2020 ( EDITED )

-LND

His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon