Chapter 2 ( LUCKY DAY or DOOMS DAY )

197 5 0
                                    

***【∆∆∆】***


Ang lawak ng ngiti ko matapos kong kumain sa convenient store, mahigpit ang kapit ko sa makapal na wallet na nakuha ko sa mamáng lasing, doon muli ako dumaan ngunit pagliko ko sa kanto kung saan ko iniwan ang lalakeng lasing ay wala na iyon doon, napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad, pakanta-kanta pa ako ng makarating sa munti kong bahay, agad kong sinindihan ang gasera saka binuksan ang wallet, nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kulay asul na papel na laman ng wallet, napakalaking halaga ng laman ng wallet na nakuha ko kanina, halos namumutok na nga ang wallet sa sobrang kapal ng laman, ilang cards na alam ko namang hindi ko magagamit, kahit naman kasi IT student ako ay never ko namang pinangarap na lumagpas pa sa ginagawa ko ngayon, sapat na sakin ang pandurugas, ang gamitin pa ang mga personal na bank details ng mga nabibiktima ko ay ayaw ko ng gawin pa, kinuha ko ang iilang kard na mula sa wallet kumunot ang noo ko sa pangalang anduon, para kasing pamilyar ang pangalan ng may-ari ng wallet, Rogue Damon Salvatore? Nagkibit balikat nalang ako at nilabas ang mga pera sa loob ng wallet at nilapag sa harapan ko halos mag ningning ang dalawang mata ko dahil sa dami ng perang nakalapag sa higaan ko, halos magpapadyak ako sa sobrang tuwa, hinagis ko nalang kung saan ang wallet saka ko hinigaan ang mga pera, nakangiti akong pumikit.

^√^√^√^}}{{^√^√^√^

Masigla akong gumising, agad kong bumangon at chineck agad ang hinihigan ko, nakahinga ako ng maluwag ng makita ang mga perang nagkalat sa papag at sahig ng bahay, kinabahan ako doon akala ko panaginip lang ang nangyare kagabi buti nalang at hindi. Nang makaligo ay nagpunta agad ako ng power company dito sa lugar namin at nag inquire para sa kuryente, nang malaman ng teller ang address ko ay agad iyong  nagsabi na hindi maaaring konektahan ng linya ng kuryente yung bahay ko dahil wala o malayo ang huling poste ng kuryente sa lugar namin, bagsak balikat akong umalis sa opisina, malaki pa naman sana ang matutulong ng kuryente sa pag-aaral ko, kung tutuusin sa dami ng perang hawak ko ngayon pupwede nalang akong bumili ng bagong bahay at lumipat ngunit ang bahay na maliit nalang ang  naiwan sakin ng yumaon kong Ama at ayoko namang basta-basta nalang iyong bitawan kahit pa iniilit na kami ng may ari ng lupa, balak daw kasing gawing pabrika ang lupang kinatitirikan ng halos limang daang kabahayan sa lugar namin, pupwede na ngang tawaging squatters area ang lugar namin dahil sa kaliliit at kadaming bahay sa brgy ngunit pinag kibit balikat nalang namin iyon, mababait naman ang halos lahat ng nakatira doon yun nga lang mistulang naging pabrika ng mga bata sa dami ng mga chikiting sa kalye. Malungkot akong naglakad sa paradahan ng tricycle upang umuwe nalang hindi rin kasi ako pumasok sa eskwelahan dahil narin sa umaasa akong makakabitan na ako ng kuryente pang ilaw man lang sa bahay maging sa daan namin dahil walang kuryente saamin, masyado malayo ang baryo namin sa huling poste ng kuryente, kaya wala halos ilaw man lang saamin tuwing gabi. Sumakay ako ng tricycle pauwe samin, nang makarating sa bukana ng brgy ay nagtutumpukan ang mga tao roon, mayroong isang lalakeng nakasuot ng amerikana ang nakatayo sa harapan ng isang magarang sasakyan, may hawak itong mga pepel at nakikipagusap sa mga taombayan,

" Mga kapatid, kung ako lamang ang masusunod ay ayaw ko sana ngunit ang may-ari na mismong si Mr. Rogue ang may gustong bawiin na ang lupa dahil nauubusan na ng oras para sa bagong proyekto, ngunit huwag po kayong mag-aalala dahil nangako ho si Mr. Rogue na bibigyan ng konting halaga ang bawat pamilyang maapektuhan ng relocation mangyare ibigay lamang ho ninyo ang inyong mga pangalan sa inyong punong barangay " Magalang na sabi ng lalakeng may itsura, nanlulumo naman ang reaksyon ng ibang kapit bahay ko, natural lang naman iyon dahil napamahal na ang lahat dito sa lugar, binilisan ko ang lakad para makapunta sa harapan, tila na kasi naging tuod ang lahat ng mga kapitbahay ko at hindi na nagsikibo

" Teka ho sir! Mawalang galang na ho! Alam naman po namin na dadating ang araw na ito, ngunit bakit ho wala man lang abiso kaming natanggap para sana makapag handa? Bigla-bigla naman ho ata ang pagparito ninyo ni wala kaming kaalam-alam? Paano naman po iyong ibang kapitbahay ko na walang kakayahang bumili o umupa ng bahay na pansamantalang matitirhan? Paano po iyong mga batang pumapasok sa eskwelahan? Paano po iyong mga mag asawang may edad na, na walang hanap buhay? Nandito po ang lahat ng kinabubuhay namin! Ang mga isda sa patubigan! Ang mga palay, gulay at prutas na itinanim ng mga taong namuhay na dito ng mahabang panahon! Kahit ho mahirap ang buhay dito ay mas pinili po naming manirahan dito dahil dito po kami namulat, mahal ho namin ang lugar na ito, hindi ho sapat ang pinansyal na tulong na sinasabi niyo para makapag simula ulit ang mga mamamayan ng lugar na ito! Kung mayroong maayos na malilipatan ang mga tao dito, kung masisiguro niyo ang tahanang lilipatan ng mga tao dito palayag po kami, pero alam naman po namin na milagro nalang ho iyon, ngunit sana ho ay bigyan niyo kami ng sapat na panahon
upang makapaghanda. " Pag dedepensa ko sa lugar namin, nakatitig ang lalake sakin na tila napahanga ko siya sa tapang ko, hindi niya lang alam na natatakot na ako, jusko! Naiilang ako sa titig niya.

" Naiintindihan ko miss ang mga hinanaing mo, ngunit ang desisyon ng boss ko ay siyang masusunod, gustuhin ko man din tulungan ang kababayan mo ngunit hindi din naman ako ganun kayaman, ang tanging maibibigay ko lamang sa inyo ay isang buwang palugit, ako na ang bahalang makipag usap sa boss ko tungkol doon dahil ang gusto ni Mr. Rogue oras mismo ang pag papademolish ng lugar na ito, pero makakaasa kang makakarating sa kanya ang mga sinabi mo " Tipid itong ngumiti,

" Maraming salamat ho kung ganoon, pero baka ho pupwede bang habaan ninyo ang palugit para sana sa ibang taga rito? Muling hirit ko

" Hindi ko maipapangako pero susubukan ko parin, ano ang pangalan mo magandang binibini? " Sagot nito pagkaraan ay tinanong nito ang pangalan ko

" Anyang po " Sagot ko, tumango ito

" Ikinagagalak kitang makilala Ms. Anyang, ako si Atty. Benedick Marquez, ang private lawyer ni Mr. Rouge, hayaan mo at makakarating sa kanya ang hiling mo, magandang hapon at paalam, binibini. " Nakangiti niyang sabi saka tumalikod upang pumasok sa sasakyan, inabutan ako ng isang papel na pinamahagi kanina ng lalake, xerox copy iyon ng mga dokumentong nagpapatunay na kailangan na ngang ipagiba ang lahat ng kabahayan dito, nanlumo ako pero napatitig ako sa isang pangalang may magandang pirma, Rogue Damon Salvatore? Pamilyar saakin ang pangalang iyon, iyon ba ang may-ari ng lupang ito? Ang ulupong na ito? Bagay sa kanya ang pangalan DAMON! DAMONYO! nagpupuyos sa galit ang dibdib ko! Napamahal na sakin ang lugar na ito, dito ako sinilang, namulat at naka-isip, napaka dami naming memorya nila Itay at Inay dito, nakakapanlumo lang na kailangan ko ng lisanin ito, labag talaga sa loob ko dahil hanggang ngayon ay nalulungkot parin ako sa pagkawala ni Itay at eto lang ang nagsisilbing kanlungan ko magmula ng iwan ako ng mga magulang ko, dito lang ako natural na sumasaya sa mga alaala naming magpamilya, ayoko talaga ngunit wala naman akong magagawa! Bumalik ako sa bahay para ayusin ang mga gamit ko dahil wala naman na kaming magagawa upang pigilan ang damonyong iyon sa plano nito. Habang naglalagay ng mga gamit sa isang karton ay nakita ko ang wallet na tinapon ko kagabi, binuksan ko muli iyon, wala ng ibang laman iyon bukod sa limang credit at cash card na nakapangalan sa iisang tao! Alam ko na kung bakit pamilyar ang pangalan ng ulupong, dahil ang pangalan sa papel kanina at ang pangalan na nakalagay sa mga card ay iisa! Wala ng ibang ibig sabihin ito kundi nakabangga ako ng malaking tao! At ang taong iyon ay isang damonyong nagaanyong tao! Rogue Damon Salvatore! Anung kalasanan ang nagawa ko, nanlulumong saad ko sa sarili ko.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

July,27,2020 - 2:58 PM (EDITED)

-LND

His Anyang Demagiba ( Dark Night Society Series: Rogue Damon Salvatore )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon